Chapter 4

5 0 0
                                    

Roselle

"NICE ONE, SELLE!"

"SANA ALL, NAKAHAWAK KAMAY SI KUYA POGI!"

"GALING MO, ROSELLE! WOOHH!"

Sigaw ng mga kaklase ko pagkabalik na pagkabalik ko sa upuan ko. Tinapik tapik pa 'ko ng mga bakla.

At syempre inulan ako ng mga tanong.

"Anong feeling na makahawak kamay siya?" tanong ng isa kong kaklase.

"H-ha? Wala naman, normal lang naman 'yon! Nabigla lang talaga kami!" sagot ko naman sa kaniya dahil mapang-asar siyang nakatingin at nakangiti sakin!

"Yiee, Ship ko na kayo!"

"Oo nga, ako rin!"

Hayss, at nagpatuloy ang pang aasar ng mga kaibigan at kaklase ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at may iba't ibang nagperform pa. Mga nag spoken poetry at iba't ibang genre ng sayaw ang ipinakita ng iba.

"And before we conclude this captivating event.. HOW WAS THE PERFORMANCES?!!!" masigla na namang tanong ng babaeng mc.

Nagsitilian naman ulit ang mga nasa gymnasium bilang tugon.

"I think they do love the performances, huh." sabi naman ng lalaking mc."But sadly, everything has its endings..."dagdag pa niya.

Nagsi "UHHH" naman ang mga audience na tila malungkot sa narinig.

"But don't worry, guys... Because of course, we want our fellow students to be happy and satisfied with our event!" sabi ng babaeng mc.

"So, for our last performance... we actually created a band just for this event, consisting of our music genius from HUMSS strand!" mahabang sabi ng lalaking mc.

At nagsitayuan at sigawan naman ang mga estudyante. Lumingon naman ako kina Remmy at nakitang grabe sila kung makatili kahit hindi pa naman nag-uumpisa! Inaabangan talaga nila kung may pogi.

"So, let's start, shall we?..LET'S GIVE IT UP FOR THE ANONYMOUS!" sabay na masiglang sabi ng dalawang mc.

Nakakabinging tili at sigawan na lamang ang narinig ko pagkatapos magsalita ng mga mc.

Maya maya pa ay tumapat na ang ilaw sa stage. Hindi ko pa maaninag sa una pero maya maya ay naging malinaw na rin sakin kung sino ang mga nasa stage. Literal na parang banda nga sila! Lima silang nasa stage ngayon at may kaniya kaniya silang tinutugtog na instrument. Pero hindi ako sigurado sa mga pangalan ng instruments.

Una kong nakita ang nasa tapat ng mikropono, kung hindi ako nagkakamali, siya ang vocalist. Sunod naman ang nag-iisang babae sa banda nila na may hawak na gitara. May lalaki ring nasa tapat ng parang piano, at meron din sa drums. At ang pang huli ko namang nakita ay lalaking pamilyar sakin. Sandali, si President ba yon?! Hawak niya ang electric guitar!

" GO, KUYANG POGI!"

"PRESIDENT! PRESIDENT!"

At dahil sa sigawan ng mga estudyante, nakumpirma kong si President nga 'yon. Lumingon ako kina Remmy at nakitang natulala siya. Bakit naman kaya? Nagulat din kaya siya kase nakita niya si Pres? Pero nasa left side si Pres at nasa gitna ang tingin niya.

Sinundan ko naman kung nasaan ang direksyon ng tingin niya at nakitang nasa vocalist ng banda ang tingin niya. Tinapik ko naman siya dahil nakatulala pa rin siya.

"Hoy, okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya sabay tapik.

"Ha? O-oo naman! Na-amaze lang ako kase may babae sa banda nila!" pangangatwiran niya. Napatango na lang ako dahil nakaka-amaze nga naman talaga, pero sa vocalist talaga siya nakatingin... Or baka naman nagkamali lang ako?

First RoseWhere stories live. Discover now