Chapter 2

3 0 0
                                    

                            Roselle

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay nagsalita si Remmy.

"Ay, kasama pala tayo sa event bukas. Tignan mo." biglang sabi ni Remmy at ipinakita ang message ni Sir Dennis sa groupchat ng section namin.

"1:20pm - 3:30pm  (regular class), 3:30pm - 5:30pm ( Event )" basa ko sa nasa groupchat ng section namin. Napangiti naman ako dahil gustong gusto ko talaga kapag may event or program sa school. Hindi ko alam, pero nag-eenjoy ako.

"Yes! Walang GenMath bukas!" masayang sabi ni Remmy habang ako naman ay pumalakpak. Kahinaan naming pareho ang GenMath kaya talagang abot tenga ang mga ngiti namin.

"Pero anong klaseng event pala ang gaganapin bukas?"tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako sure, pero sabi ng mga kaklase natin.. Mga HUMSS daw ang magmamanage ng event bukas kaya baka related yon sa strand nila." hula niya.

Nang makarating sa waiting shed ay mas naunang makasakay si Remmy sakin.

"Ingat ka ah!" Sigaw niya sakin bago sumakay sa jeep. Tumango naman ako bilang tugon.

Iba kase kami ng jeep na sasakyan. Pero mas malayo ang bahay namin sa school. Habang ang kina Remmy ay medyo malapit lang kung sasakay ng jeep.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at may jeep na rin. Mabuti na lang at maluwag sa loob ng jeep.

6:30pm na 'ko nakarating sa bahay namin kaya't maya maya lang ay natulog na rin ako. Kailangan ko ng lakas bukas. Kailangan na namang makipagsocialize.

                           ******

Kinabukasan ay inagahan kong mag-asikaso at maghanda sa pag pasok. Wala naman si mama dahil maaga ang pasok niya.

Nang makarating sa tapat ng school ay naghintayan muna kami ni Remmy para sabay na kaming pumasok. Umupo muna ako sa waiting shed.

Habang hinihintay ko siya, ay may nag-pop-up sa cellphone ko na agad ko namang tinignan dahil baka nag-chat na si Remmy.

Ngunit nagkamali pala ako dahil isang follow request pala iyon galing sa nagngangalang "Mochi_mochi"

Nagtaka naman ako kung sino 'yon dahil halos lahat naman ng clasmates ko ay mutual ko na sa IG. Baka random na nafollow lang ako.

Pero inaccept ko na lang din dahil favourite ko ang mochi hehe.

Nang mafollowback ko siya ay binaba ko na agad ang cellphone ko. Dahil nakita ko na sa di kalayuan si Remmy na kumakaway pa habang papalapit sa 'kin.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya nang tuluyan siyang makalapit at tumabi sa 'kin sa waiting area.

"Hindi naman, sadyang inagahan ko lang talaga." sagot ko sa kaniya.


"Nagbabagong buhay ka na talaga ah, ikaw ba naman malate nung first day of school eh hahaha" pang aasar niya. Napairap na lang ako at napangiti nang maalala ko yon.

Nang makapasok sa school ay sa iba kami pinadaan. Baka para hindi namin makita yung gymnasium. May special ba don? Baka naman may artista? Ang laki naman ng budget nila kung ganon.

Pagkapasok namin ni Remmy sa room ay konti pa lang kami dahil medyo maaga talaga kaming pumasok ngayong araw.

Wala naman kaming ginawa sa kahit anong subject kaya mga nagdadaldalan lang kami sa loob ng room.

First RoseWhere stories live. Discover now