Chapter 3

6 0 0
                                    


                             Roselle

Lumipas ang ilang minuto nang nagtitilian, sigawan, palakpakan, at tawanan ang mga estudyante.

Maraming nagperform galing sa dance at music club kaya naman parang nasa concert talaga kami.

Maya maya pa, pagkatapos ng mga nagperform ay umakyat ulit sa stage ang dalawang mc kanina.

"Non stop performances from dance and music club, huh." panimula ng lalaking mc.

"Right! But, wait.... ARE YOU GUYS STILL WITH US?!" masiglang tanong ng babaeng mc sa mga nasa gymnasium.

Nagtilian at sigawan naman kami bilang tugon sa tanong niya.

"Glad to hear that from you guys! Right, Jake?"tanong niya sa lalaking mc.

" Of course naman! And since I know you guys wants more... Let's have some games, shall we?! " masiglang paanyaya ng lalaki. Ito na nga ang sinasabi ko. Sabi na nga ba at may mga gantong pakulo sila eh.

Hindi naman magkamayaw ang mga estudyante.

"So... Each section's gonna have one representative!" sabi na nga ba! Eto na talaga ang kinakatakutan ko. "Come here on stage, guys!" dagdag pa ng lalaking mc.

Nabigla naman ako nang tinatapik tapik at tinulak tulak na 'ko nila Remmy at ng mga iba ko pang kaklase!

"Ikaw na, Roselle. Go!!!"

"Roselle! Roselle! Roselle!"

"Go, bakla!"

Hindi naman ako kinakabahan. Pero kase, medyo nahihiya ako!

Tinulak tulak pa 'ko ng mga baklita para tumayo na 'ko at pumunta sa stage. Goshhh!!

Habang naglalakad ang mga representatives ay may music na tumutugtog pa. Hayss, kamot ulo tuloy akong naglalakad papalapit sa stage dahil ang awkward maglakad sa harap ng maraming tao!

Ano naman kayang games ang gagawin! Medyo nape-pressure na tuloy ako!

"And.. There you go! 15 sections and 15 representatives!"

Ang liwanag naman ng ilaw na nakatututok sa stage, huhuhu.

"But first let us know their names and section."

Buti na lang nasa pang lima sa huli pa 'ko.

Habang nagpapakilala ang iba pang representatives ay nagtitilian naman ang mga sections nila. At may kaniya kaniya pa silang way ng pagpapakilala!

Nang turn ko na ay nagsitilian at sigawan naman ang section ko.

"I'm Roselle Marquez po from GAS" simpleng pakilala ko nang may nahihiyang ngiti. Nagtilian naman sila Remmy pagkatapos kong magpakilala.

Pagkatapos magpakilala nang lahat ay nagsalita ang mc.

"So.. Madali lang naman ang game na gagawin natin. Huhulaan niyo lang yung kanta na papatugtugin nang 3 seconds then pipili kayo sa ifa-flash sa screen kung anong letter ang sa tingin niyong title ng kantang 'yon. Of course guys, we picked the latest music, so don't worry. " pagpapaliwanag ng lalaki. "Pipila kayo sa tapat ng number na pipiliin niyo. Then if tama yung letter na mapipili niyo, you're definitely gonna be in the second round, until final round, if not.. then you're eliminated." dagdag pa ng babaeng mc.

"Just that simple. We good, guys?" tanong samin ng dalawang mc na nagthumbs up pa. "Also take note guys, may twist 'to sa final round kaya galingan niyo! And guys no coaching po!"

First RoseWhere stories live. Discover now