Chapter 7

2 0 0
                                    

                            Roselle

"Good afternoon, people of the earth!"

Masiglang sigaw ni Remmy pagkapasok na
pagkapasok sa pintuan ng room namin. Mukhang good mood siya ah, well... Lagi naman siyang energetic.

Mabuti na lang at kakaunti pa lang ang tao sa loob ng room namin, at hindi na siya masyadong pinansin dahil sanay na sila sa energetic na si Remmy.

Nang maka-upo sa tabi ko ay nakita ko ang malawak na ngiti niya. Ngiting tagumpay.

"Mukhang good mood ka ah?" Tanong ko sa kaniya na ikina-tingin naman niya sakin. Namula na naman ang mukha. "Lagi naman, pero kase iba yung pagka-good mood mo ngayon eh. Hmm.." Pang aasar ko pa sa kaniya. Napakagat labi naman siya na parang pinipigilan ngumiti!

"Halata ba? Ehh kase naman eh!..." nahihiyang sabi niya. Tungkol na naman ata sa crush niya. "Nakakahiya! Baka mahalata niya 'ko! Huhuhuhu!" dagdag niya pa habang tinakpan ng kamay ang mukha nang umiiling iling pa. Ang OA talaga nitong babaitang 'to.


"Sino ba kase 'yang crush mo—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang malakas bumukas ang sliding door. Iniluwa naman ng pintuan ang dalawang baklitang kaibigan namin. Na mga nakangiti na parang nang-aasar pa. Pero hindi sila sakin nakatingin, kundi kay Remmy.


"Ikaw Remmy ha! Wag mo 'kong agawan ng boylet!"


"Bakla ka! ang pogi nung kuya, likod pa lang!"

Malakas na sabi nila nang makalapit sa pwesto namin. Bungad na bungad ang malalakas na boses nila.


"Hoy! Wag nga kayong maingay! Nalaglag lang naman yung mga papel na dala niya kaya tinulungan ko!" mahabang sabi niya sa mabilis na paraan. So mala teleserye pala ang nangyari, baliktad nga lang. Si Remmy lang ang tumulong sa lalakilalaki, hindi siya ang tinulungan.


"Kaya pala ha!" sabi ko naman sa kaniya. Napakagat labi naman siya at pinipigilan ang pag-ngiti.


"Sayang, hindi ko nakita yung mukha nung boylet! Nakatalikod kase eh!"

"Pero height pa lang, ulam na. Ako na nagsasabi sayo, Selle!" Dagdag pa ng mga baklita. Sayang, di ko tuloy maaasar 'tong si Remmy kung makita man namin ang lalaking 'yon sa hallway.


Nagtawanan naman kami pagkatapos ng pag-uusap naming iyon, habang si Remmy naman ay namumula na.

NANG MAG-KAROON kami ng 1 hour free time dahil absent ang teacher namin sa subject na iyon, ay napagpasyahan kong pumunta na lang sa library para hanapin ang hindi ko pa natapos basahin na libro. Sila Remmy naman ay pumunta sa canteen para kumain at sinabing susunod sa akin sa library pagkatapos nila sa canteen.

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang librong binabasa ko dahil may mga nakapaskil naman na sa bawat bookward kung ano ang mga genre ng mga librong naroon. May Theses, Mathematics, History, Science at marami pang iba. Pero dahil nga hinahanap ko ang librong hindi ko pa natapos na basahin, pumunta ako sa mga librong nasa Fiction section.


Hindi naman ako nahirapang hanapin ang librong binabasa ko dahil itinabi ko na ito kung saan makikita ko agad kapag binalikan ko. Nakita ko ito sa pinakadulo ng bookshelf kung saan ko ito iniwan noong isang araw.

Umupo na ako sa isa sa mga upuang katapat lang ng mga fiction books pagkakuha ng libro.

Mga labing limang minuto lang ng pagbabasa ay medyo dinadalaw ako ng antok. Kahit na inaantok ay patuloy pa rin akong nagbabasa. Medyo kulang kase ako sa tulog kagabi kaya siguro inaantok ako ngayon, at isa pa, baka dahil din sa malamig na aircon dito sa library kaya talagang nakakaantok.

First RoseWhere stories live. Discover now