PROLOGUE

13 0 0
                                    

                           Roselle

First day of school bilang Grade 11 student sa isang private school. Di pa rin talaga ako makapaniwala na ganon kabilis ang panahon. Parang dati lang ay naglalaro pa 'ko ng Chinese garter at nakikipaglaro sa mga bata sa labas.

"Ma! Alis na po ako, feeling ko malelate ako!" 1:00pm ang call time at 12:30pm na.

"Okay, anak. Ingat ka ha" sagot ni mama sabay halik sa pisngi ko.

Halos tumakbo ako papuntang sakayan ng jeep para hindi sayang sa oras.

Sakto may jeep! Ang kaso, hindi pa puno! Kaya't inaasahan ko nang mag aantay pa sila ng ibang pasahero bago bumiyahe ang jeep.

Tumingin ako kaliwa't kanan kung meron pang ibang jeep ngunit wala na. Nag-iisa na lang ang jeep na yon.

Ngayon pa lang ay tinanggap ko nang malelate ako sa mismong first day of school.

Nanlulumong sumakay na ako sa jeep. At, hindi nga ako nagkamali. Naghintay pa sila ng ilang minuto bago bumiyahe.

"12:45pm" malungkot na kinakabahang basa ko sa oras.

Araw-araw kase ay 15 minutes ang itinatagal ng biyahe ko papunta roon sa school nung nag enroll at nag-entrance exam ako sa kanila. Pero depende pa rin sa bilis ng pagpapatakbo ng jeep. At kung may traffic.

"Aabot yan, Selle. Tiwala lang." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Sa wakas ay nakarating din sa tapat ng school kaya't agad akong pumara.

"Oh, no.. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakikita ko." kinakabahang sabi ko. Tinignan ko naman ang relo ko at nagulat nang makitang 12:56 na. Napatakip na lang ako ng bibig nang makita ang oras. Tinali ko na lamang ang mahaba kong buhok bago sumabak sa pagtakbo.

Habang tinatakbo ko ang entrance papuntang gymnasium kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng estudyante at kung anong section nito, sabay namang natanggal ang tali sa buhok ko! nakailang hakbang na kase ako mula sa tali ko nang mapansin ko iyon.

"Hayss! Kainis naman oh! Kung kailan nagmamadali yung tao!" pagrereklamo ko nang balikan ko ang tali na hindi ko talaga mawalay sakin.

Nang makapasok ako sa gymnasium ay nakita kong iilang estudyante na lamang ang naroroon kabilang na ang kaibigan kong si Remmy.

"Hoy, Roselle Marquez!" sigaw niya nang makita ako kaya't agad naman akong pumunta sa kaniya.

"First day na first day, late ka! hayss, syempre ako rin late na nito. Hindi ko mahanap pangalan ko! " sunod sunod na sabi ni Remmy.

"Wala rin name ko?!" natatarantang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko nakita pangalan nating dalawa! huhuhuhu!" malungkot na sagot niya.

Patuloy pa rin akong naghanap at inisa isa ang mga strand at mga pangalan sa mga nakapaskil. Pero hindi ko makita ang GAS.

"Roselle Marquez, here" rinig kong sabi ng isang lalaki. Nakaturo ang kanang kamay niya sa taas ng bullet board kaya't natatakpan ng braso niya ang mukha niya.

Kaya naman pala di namin makita. Nasa taas naman pala kase! Eh hindi nga namin abot!

"Eh, Remmy Alejandro po?" tanong ko sa kaniya, nagbabakasakaling naroon din ang pangalan ni Remmy.

"Yes, You're in the same section."

Hindi na nakakapagtaka iyon dahil parehong GAS ang pinili naming strand. Ngunit nang marinig naming dalawa iyon ay halos tumalon kami sa tuwa. "YEYY!" sabay naming tili ni Remmy sabay yakap sa isa't-isa.

"Tsk, such a kid..."

Rinig kong sabi ng sino man pero wala akong pakielam basta ang alam ko, masaya kaming magkaklase kami ni Remmy.

Agad naman kaming pumunta sa room na naka-assign sa amin. Mabuti na lang at hindi nagalit ang  teacher na naroon na sa tingin ko ay adviser namin.

Nang ma-upo kami ni Remmy sa bakanteng upuan sa likod ng classroom ay naalala kong hindi nga pala kami nakapagpasalamat sa lalaki kanina.

Hayss, kung sino man siya. Sana makilala ko siya sa mga susunod na buwan.

Pero teka...

Pano niya nalaman ang pangalan ko?

First RoseWhere stories live. Discover now