"Manyak ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib at malakas siyang napatawa.

"You can't blame me, pumpkin. Your legs are so beautiful and I can stare at them all day." Nakaloloko pa siyang ngumiti at pinitik ko lang siya sa noo.

"Paano mo na naman ako pasasakayin diyan, mister?" Namaywang ako sa kanyang harapan habang hawak ang tulips sa kanang kamay at ang bear sa kaliwa.

"That's easy." Umismid pa siya. "You can just wrap your legs around me and lock me in."

"Huh?" Kumunot ako sa kanyang sinabi at nang mapahalakhak na lang siya nang malakas ay tsaka ko na lang nakuha ang ibig niyang sabihin. Hindi ko napigilan ang ngumiti at hinampas ko ulit siya sa braso! Ang manyak!

"Take it easy, pumpkin! I was just kidding!" Mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at masuyong hinalikan. "Just sit sideways and hug me as tight as you can." Iniabot pa niya sa akin ang kanyang leather jacket at alam ko na ang dapat gawin. Kinuha rin niya ang spare helmet at siya na mismo ang nagsuot n'un sa akin.Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang kakisigan na mas lalong lumitaw sa suot niyang white v-neck t-shirt. Suot pa rin niya ang necklace niyang may cross pendant na paboritong-paborito kong suot niya.

Sumakay siya sa kanyang motor sabay suot sa kanyang helmet. Matapos noon ay sinenyasan akong sumakay na. Inalalayan niya akong maupo sideways at wala akong choice kung 'di ang yumakap nga ng mahigpit sa kanya.

"This is the reason why I love my bikes..." Nakangiting sabi pa niya habang nakatitig sa akin sa side mirror.

"And you..."

Kinurot ko lang siya sa kanyang matigas na tiyan at bahagya lang siyang napaigtad.

"Damn, I'm in love with you and I can tell you that all day." Halos pabulong pang sabi niya at parang wala naman talaga sa loob niyang iparinig iyon sa akin.

Mas lalong kumalabog ang aking puso at hindi ko mapigil ang kilig. Niyakap ko siya nang mas mahigpit at parang narinig ko ang kanyang manipis na pagtawa. Pinaarangkada niya ang kanyang motor at kasabay 'din n'un ay ang pag-arangakada ng puso ko na sobrang saya.

********

DALTON ACE's POV

So, are you still with me? Because you see, that's the end of my flashback! So, we're talking about my present here, okay? I hope you can still follow. So, you see, right after that epic fail public declaration of my love for Janella, I can't seem to get this smile off my face! I think I am in serious trouble here, huh?

"Are you even listening, Dalton Ace?" Oh, I forgot! Nandito nga pala ako sa office at puro sermon ang inabot ko kay papa. I can't blame him though. One week akong hindi umuwi sa mansion at hindi rin ako nagparamdam dito sa office. Hindi ko rin naman kayang magtrabaho ng maayos dahil sa nangyari sa amin ni Janella.

"I'm sorry, pa. Yeah, I'm listening." The right word would be, I am trying to listen. Yeah, I think I've gone crazy. I didn't even know that I could get this far in love. I never imagined that it would felt this good. So fucking good actually! Damn!

Oh yeah, I don't ever want to bore you with the sermon. After that excruciating hour listening to my father, I finally get to work. Tons of paper works, actually. Ibang klase talaga magparusa si papa! Mukhang ayaw akong pauwiin! Jeez... But then, masyadong maganda ang mood ko para masira lang ng trabahong 'to. I have a plan for tonight. Be alone with my girl... Sounds really fun, eh?

Office work is really boring. Now I finally realized it is far better to work on our hacienda rather than be here with my father. Sobrang pressure kasi ang inaabot ko sa kanya. He really mean serious business. But then right after he's gone, I walked out on the office and ride my bike.

I missed my pumpkin so damn much! It's almost five o'clock and I did not tell her that I'll fetch her. Nandito ako sa harap ng mataas na building ng Montenegro at nakaupo sa aking motor. Fuck! Bakit ba mukhang uulan pa?! Bad trip!

Hindi naman nagtagal ay agad ko na ring natanawan ang nag-iisang prinsesa ng buhay ko. I must be really crazy about her. Para kasing lahat na lang ng ginagawa niya ay sobrang maganda sa aking paningin. At pati ang simpleng paghawi ng kanyang buhok ay ang lakas nang dating! I am a certified pussy whipped am I? Jeez...

Nang matanawan niya ako ay agad kong nakita ang pagkagulat sa kanyang mukha. But then when I saw her bite her lip and contains herself from smiling, I knew that she feels happy to see me too.

Walang pag-aalinlangang sinalubong ko siya sa revolving door at matamis siyang ngumiti. Her face blushing and so damn pretty!

"Pumpkin..."

"Ace..." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko siyang niyakap. People are watching us and I don't give a damn anymore. Malaki na nga yata ang ipinagbago ko.

Dati kasi ay ayokong magpakita ng affection in public places because I find it too corny. But now, gusto ko lang ipaalam sa lahat that Janella is mine and I am very much taken by her too. I gave her a peck on her lips and she blushed even more.

"Come on..." Mahigpit ko siyang hinawakan sa kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri.

"Buti pinawalan ka na ng papa mo?" Tanong pa niya at bahagya lang akong pumaling para tingnan siya at marahang umiling.

"Umalis lang siya. Pero kung nand'un siguro, I doubt kung masusundo kita dito. Believe me, tinambakan niya ako ng trabaho." I felt really tired actually. Pero nang makita ko si Janella ngayon ay napawi lahat ng pagod ko.

"My poor Ace..." Nakanguso pang sabi niya at hindi ko naiwasang mapatitig. Well, she's really cute. But, beautiful is a better word.

"I missed you all day..." I said as she lovingly looked at me and gently caressed my face.

"Me too, Ace." Hinawakan ko ang kanyang kamay at masuyo iyong hinalikan.

"Let's have a date."

"Date?" Bahagya pa siyang kumunot pero may ngiti naman sa kanyang labi. "Saan naman?"

"Kahit saan na maraming finger foods."

"Gusto ko 'yan!" Halos napatalon pang sabi niya at napailing lang ako. I've never been to those kind of places before. But since I knew she missed those street foods, it won't kill me if I give it a try right? Or would it? Jeez...

"I knew a place! Malapit lang dito!" Excited pang sabi niya and how am I going to say no to that?

"Alright..." Isinuot ko muna sa kanya ang helmet bago ko isuot ang sa akin. Umangkas ako sa aking motor at inalalayan ko siyang maupo ulit nang patagilid. Iniabot ko sa kanya ang leather jacket at hindi ko naiwasang mapasipol sa magandang view ng kanyang legs. Damn! Sinapak lang niya ako sa likod at napahalakhak lang ako nang malakas. I definitely want to tease her. She's so damn cute!

"Hold on tight, my pumpkin." Bilin ko pa bago paandarin ang motor palayo sa building ng Montenegro.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now