the beginning

13 1 0
                                    

Zoleira

"Ate, hindi ko kaya na wala ka" sabi ko kay Ate na dala-dala rin ang maleta ko.

Kanina pa kami nagtatalo ni Ate dahil nga ayaw ko na umalis ng wala s'ya. Hindi ko kaya ang mawala sa tabi n'ya, baka ma-home sick ako roon. Hindi ko pa kilala ang mga makakasalamuha ko roon, I don't even know how can I survive without my ate. Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Ate kahit na tinutulak n'ya ako palayo. Alam ko na ayaw n'ya rin akong umalis, nakikita ko iyon sa mata n'ya. Kanina pa kami ganito at naghihintay na ang kotse na nakatapat sa puwesto ng bahay namin ni Ate.

"Zoleira Haydel Gvlehr, ikaw pa rin naman ang magiging baby at kapatid ni Ate 'di ba? Kahit saang lugar at dimension pa." She said. Lalo akong napaluha dahil sa sinabi n'yang iyon.

Hindi ko alam, Ate..

All I know is I cannot survive in that academy without you.

"Ate, sumama ka sa'kin. Please." Umiiyak kong sabi sa kan'ya habang hawak pa rin ang kamay n'ya.

"Zoleira! Pumunta ka na roon!" Sigaw n'ya sa akin dahilan para mapatigil ako sa pag-iyak.

Nakita ko kung paanong naging gold at nagmistulang dagat ang kan'yang mata. Pumikit si Ate at pinunasan ang luha na bumabagsak galing sa kan'yang mga mata, bago ako niyakap at hinalikan sa ulo.

Bumagsak na naman ang luha ko dahil sa sandaling iyon. "Hindi ka naman mawawala 'di ba? Kapag bumalik naman ako ay nandito ka pa 'di ba?" tanong ko sa kan'ya.

"Yes, I am. Palagi akong nandito para sa'yo, mahal na mahal ka ni Ate, bunso ko." Sabi n'ya at doon ay pinakawalan n'ya ako. Binigay na n'ya sa driver na naghihintay sa akin ang aking mga maleta. "Kapag wala na si Ate, nasa puso mo ako." Sabi n'ya at tinulak na ako papasok sa sasakyan.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi n'ya. Hindi naman s'ya ganoon kahit na mawala ako sa bahay ng isang araw dahil sa group project. Tiningnan ko si Kuyang driver sa mirror at nakita ko na naging gold na parang clock ang mata n'ya.

"Anong oras po tayo makakapunta sa academy?" tanong ko sa kan'ya. Nakita ko naman na tumingin s'ya sa mirror para tingnan ako.

"20 minutes pa po eh. Puwede naman kayong matulog kung inyong gugustuhin," sabi n'ya at ngumiti sa akin. "Alam n'yo po ba kung anong school ang inyong papasukan?" tanong nito sa akin.

Napaisip naman ako kung may sinabi sa'kin si Ate about that, pero kahit yata ituktok ko pa ang ulo ko sa pader ay wala talaga akong makukuhang sagot sa tanong ni Kuya. "Wala po s'yang sinabi sa akin eh.." sagot ko sa kan'ya.

Sa sandaling iyon ay wala na akong nakuhang sagot mula sa kan'ya. At sa sandaling iyon din ay napansin ko na sobrang layo na namin sa syudad, doon ay unti-unti na akong nakaramdam ng antok.

Maingay.

Ayan ang una kong nasabi ng magising ako mula sa aking pagkakatulog, nakita ko si Kuyang driver na papasok uli sa sasakyan at gusot ang kan'yang uniform, marumi rin s'ya na parang nakipagbakbakan. Maya-maya ay narinig ko na lang na may umuungol na parang isang dragon.

"A-ano pong nangyayari?" Kabadong tanong ko. Ngumiti naman sa akin si Kuya driver.

"Hindi pa pala s'ya tapos. Tsk." tila naiinis na sabi ni Kuyang driver bago lumabas ng kotse. Kinabahan naman ako dahil doon, "I'll be back, demigod." He said before he vanished.

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now