Chapter 2: Fate

31 5 3
                                    

Peia's POV:

Kaya na nila yun.

Napailing-iling ako habang naglalakad papunta sa waiting shed nila Meimei.

After ng nakakalokang ganap, dinala na nila sa clinic yung poging estudyante. Siyempre ako, tumakas na.

Sayang! Gwapo na sana, may sira lang..

"Hi Ate!" bati sakin ni Meimei at yumakap pagkalabas ng room.

"Hello!" sabi ko at sinway-sway ang mga katawan namin bago siya inalis at tinignang mabuti.

"Oh, kamusta school?"

"Ayos lang ate, it's super fun!"

"Aysuss, ganun ba?" pabiro kong tanong at ginulo ang buhok na kinasimangot niya.

"Ate naman eh!"

Tinawanan ko lang siya as a response at kinuha ang gamit bago kami nagsimulang maglakad papunta sa exit academy.











"Nag-enjoy ka talaga?"

Napakamot ng ulo si Meimei.

"Ate pang-ilang tanong mo na yan sakin" sagot niya na ikinatawa ko.

"Woshuu, ang bunso namin hindi mabiro" sabi ko habang papalabas na kami ng gate ng school.

"Miss! Wait lang!"

"Miss! Sabi ko wait lang!"

Nagulat ako ng may tumapik sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko ang isang staff na hingal na hingal sa harapan ko.

"Ay! Ako pala tinatawag mo kuya" sabi ko at binigyan ng tubig si manong, kawawa naman eh.

"Kayo po si Miss Peia Kim diba?"

"Hala, paano mo nalaman kuya?" patanong kong sagot ko kay manong.

"Ay alam ko na" humalukipkip ako at ngumiti ng nakakaloko.

"Crush mo ko no" biro ko kay kuya.

Tinignan lang ako ni manong na para bang nababaliw na ko.

"Ma'am may asawa na po ako"

"'To naman si kuya di mo mabi-"

"Atsaka no offense po, di ikaw ang type ko"

Napasinghap ako sa sinabi ni kuya at napahawak sa puso.

"Ouch ha. Grabe ka naman kuya, nagbibiro nga lang eh"

Binaba ko ang kamay ko at umayos ng tayo.

"Pero di nga kuya, ano pong kailangan niyo?"

"Pinapatawag kayo ni Master Watanabe"

Napaangat ang isa kong kilay.

"Sino?"

"Si Master Akihiro Watanabe po ma'am"

"Huh" naguguluhan kong sabi.

'Sino daw?'

"Yung tinulungan niyo pong lalaki kanina sa cafeteria. Yung gwapo na pula ang buhok"

"Ahh yun pala" napatango-tango ako ng maalala kung sino ang tinutukoy niya.

"Samahan ko daw po kayo maam, hinahanap po kasi niya kayo"

"Ha? Bakit naman?" tanong ko kay kuya.

"Ay malay ko maam, staff lang po ako"

"Grabe ka na kuya ah, pangalawa mo na yan" comment ko at inakbayan ang kapatid ko.

"Sige, tara na po"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reality Of An Extra Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon