Seeking For His Attention

3.6K 79 7
                                    

PROLOGUE:

Ako'y nangangarap sa isang bituwin

Ikaw lang ang nais kong tanawin

Kahit sandali lang at nakakabitin

Ano nga ba ako sa iyong paningin?


Nais ko lang malaman mo

Na kahit anong mangyari sa iyo

Ako'y laging naririto sa tabi mo

Naghihintay sa paglapit mo


Sa tuwing ika'y nakakausap

Ako'y napapatingin sa alapaap

Sa bawat iyong pagkurap

Tila ikaw ay kumikislap


Nais kong mabasa mo ang aking tula

Hindi para ikaw ay mamangha at matulala

Nais kong iparating sa iyo ang aking tula

Upang malaman mo ang tunay kong nadarama


Alam kong mas may hihigit pa sa akin

Napakaraming harang sa pagitan natin

Ngunit sana ako'y iyong pansinin

Sana ika'y tumingin sa akin.

===

Habang sinusulat ko ang tulang 'to napapatingin ako sa kanya mula sa malayo. Siya lang naman ang dahil kung bakit ako na kapag sulat ng tula. Isang baduy na tula. Haaay...


Hanggang kailan ba ako aasa? Hanggang kailan ako magiging tanga sa taong 'di ako mahal?



Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon