48. I make love to you

Start from the beginning
                                    

He smirked at her ng mapansin nito ang pamumula nya.

"Umayos ka Angela asawa mo na yan ngayon ka pa nahiya." saway nya sa sarili.

"Private I-island?" Gusto nyang batukan ang sarili ng mautal nang isiksik pa nito ang sarili sa kanya.

"Yeah my gift for you." lalo pa itong ngumiti ng nakakaloko ng mautal sya.

Tumikhim sya at tinulak ito.

"Usog nga. Bakit mo ako nireregaluhan ng Isla, and where the fuck did you get a money?"

Suminghap sya ng muli sya nitong hapitin.

"Bakit mo ako tinutulak? You're my wife, meaning dapat lagi kang nakadikit sakin because you are truly mine now." He said, imbes na sagutin ang tanong niya.

Inirapan nya ito.

"Ano palagay mo sakin-." Napapikit sya ng halikan sya nito ng mariin sa labi, pagkatapos ay mabilis ding lumayo. "You cursed." he said huskily. "And to answer your question, for almost 6years naging isang mabuting anak ako. A good boy seryoso sa pag-aaral at sa buhay. Habang nag-aaral nag-invest ako sa ibat-ibang business at lahat ng iyon lumalago, so you don't have to worry about the money, ang gusto ko lang lagi kang masaya at masigla. Aalagaan kita Anghel ko, you're going to be a spoiled and happy wife for the rest of your life."

"Ylan..."

Ngumiti ito at bigla syang pinangko.

"Lets go I know your tired and i want you now."

Lalong pumula ang mukha nya sa narinig.

"Ugh pervert Dylan."

Dahil sa pagkawindang sa narinig ni hindi nya namalayan na nakapasok na sila sa isang two floor villa, ni hindi nya naappreciate ang ganda ng loob ng bahay dahil sa kabang bigla nyang naramdaman.

"And here's our room."

Nadoble ang kaba nya sa narinig. Inilibot ang mga mata sa sa loob ng silid. Unti-unting napaawang ang labi nya.

The room is the combination of there color. Dark & blue.

Sky blue ang wallpaper ng dingding samantalang ang king size bed ay kulay dark blue.
Ang ilang design ng mga gamit ay kulay asul at dark blue rin.

Ibinaba sya nito.

"Do you like it?"

Tumango sya. Matamis na ngumiti ito.

"Tara lets take a shower." hinila sya nito papasok sa isang dark blue na pinto.

Ano raw?

Saka lang nagsink-in ang sinabi nito ng nasa loob na sila ng banyo.

Pinagsamang Sky blue at dark blue rin ang kulay sa loob.

May dalawang tuwalya na nakasabit na ganon din ang kulay.
Also a two toothbrush at ang mga gamit nya na maayos na nakalagay sa gilid ng lababo.
May bathtub din.

Napapitlag sya ng hawakan ni Dylan ang kamay nya.

"Are you okay?"

Napaharap sya rito.

"Ha? O-oo." Pasimple syang lumayo rito.

Sumunod ito.

"Kinakabahan ka ba?"

"Ano? H-hindi ah bakit ako kakabahan." Nag-iwas sya ng tingin dito, nilapitan ang bote ng shampoo at inamoy. Napangiti sya ng magustuhan ang amoy niyon.

"Really?"

"Oo nga bat-." Napatigil sya nang pagharap nya ay bumangga sya sa katawan nito.

Marahan sya nitong isinandal sa dingding.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Where stories live. Discover now