Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate

Start from the beginning
                                    

Ang apat na naging asawa ni Sakurou Hitogami ay kamukha ni Aisha, Althena, Miu at Zairyl, kahit na iba ang hairstyles at pananamit ay sa mukha makikita talagang kamukha nila ang apat na asawa ni Sakurou

"Makinig ka sakin hako, Ikwekwento ko sayo ngayon ang tungkol sa aking ama na kahit sina Sakutou at Sakuna ay hindi pa ito alam" sabi ni Sakutobi

Handa nman makinig si Sakuhako

"18 anyos nang makilala ng aking ama ang aking ina, mas matanda ng anim na taon ang aking ina, pausbong palang ang basketball career ng aking ama ng mabuntis nya ang aking ina, kaya hindi sya naging national player, at nang ipanganak ako ng aking ina, Namatay din sya" sabi ni Sakutobi

"Namatay" sabi ni Sakuhako

Kinuha ni Sakutobi ang isang litrato, Litrato na kasama ni Sakurou ang babaeng kamukha ni Althena

"Makalipas ng dalawang taon, nag asawa ulit ang aking ama, hindi sila nagkaroon ng anak, dahil namatay ang pangalawang asawa nya dahil sa sakit, Tuluyan nang nasira ang basketball career ng aking ama" sabi ni Sakutobi

Pagkatapos kinuha nya pa nya ang isang litrato na kasama sa litrato ang kamukha ni Miu

"Ilang taon lang nakalipas, nag asawa ulit sya, nagkaroon sila ng isang anak subalit namatay ulit ang pangatlo nyang asawa dahil sa accidente" sabi ni Sakutobi pagkatapos kinuha nya ang pang apat na litrato na kasama sa litrato ang kamukha ni Zairyl

"At sa huling pagkakataon nagmahal ulit ang aking ama, sa pang apat nyang asawa medyo naging maginhawa ang buhay nya, nagkaroon sila ng anak, Ang pangalan ay Sakura Hitogami, Sya ang lola mo at nanay ni Sakuragi, masayang masaya sya dahil pula ang buhok ng iyong lola, subalit pagkatapos non makalipas lang ng ilang taon namatay ang pang apat na asawa ng aking ama" sabi ni Sakutobi

"Anong ibig sabihin nito? Namatay silang lahat" sabi ni Sakuhako

"Makinig ka sakin hako, Ikaw! Ikaw ang panibagong buhay ng aking ama" sabi ni Sakutobi na kinagulat ni Sakuhako

"Ako? Ako ang panibangong buhay ng iyong ama? Si Lolo Sakurou?" Tanong ni Sakuhako

"Oo, nabuhay sya ng hindi naging masaya, nasira ang buhay nya nasira lahat, hindi sya naging masaya sa unang buhay nya, pati ang basketball career nya nasira din, Naniniwala kami na ikaw ang reincarnation ng aking ama base sa mga observation namin sayo, At hindi lang yun, Ang kapalaran na nilalakad mo ngayon ay katulad din ang naging ama, Kaya sinabi kong kaylangan hindi na sapat mangyari ang dapat na nangyari na" sabi ni Sakutobi

"Pero Lolo Sakutobi, Imposible ang sinasabi nyo paanong, hindi ako si Hanamichi Sakuhako at hindi ako nilalang na sinilang muli" sabi ni Sakuhako

"Kung ganun, pumili ka ng dalawang daan na dapat mong daanan, Mamili ka hako, Ang kapalaran na tinahak ng aking ama? O gagawa ka ng sarili mong kapalaran bilang si Hanamichi Sakuhako" sabi ni Sakutobi

Habang pinag mamasdan ni Sakuhako ang mga lumang litrato ni Sakurou Hitogami kasama ang apat na babaeng naging asawa si Sakurou

"Kung tinatahak ko ngayon naging kapalaran ni Lolo Sakurou, Ibig sabihin ba non, mamatay din si Aisha,  Althena, Miu, at Zairyl? Masisira ang basketball career ko at ang buhay ko" sabi ni Sakuhako

"Yan ang nangyayari ngayon, kaya habang maaga pa pumili ka ng dapat tahakin, Ang sarili mong kapalaran, sarili mong daan bilang si Hanamichi, Sakuhako ang anak ni Sakuragi" sabi ni Sakutobi

"Naiintindihan kona tanda, Hindi ako ang reincarnation ni Lolo Sakurou, Ako si Hanamichi Sakuhako na mayron sariling kapalaran" sagot ni Sakuhako

"Pwes kung ganun, Ibigay mo sakin ang bracelet mo at ang suot mong hikaw, at mabuhay ka bilang si Hanamichi Sakuhako" sagot ni Sakutobi Hitogami ang panganay na anak ni Sakurou Hitogami na kapatid ng nanay ni Sakuragi na si Sakura Hitogami

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now