Chapter 6

13 1 0
                                    


"W-why....why would I do that?"- hindi makapaniwalang bulalas ni eloise ng marinig ang rebelasyon ni mahzun.

Mahzun expected her reaction so he decided to step back, for her to not feel suffocated.

"H-how is that going to stop the war?"- naguguluhang tanong pa ng dalaga habang nakatitig sa kaniya.

"The war started early because of you, my lady."- makahulugang imporma nito at naglakad ng marahan patungo sa bintana ng silid.

Sinundan yun ng paningin ni eloise hanggang sa muling magtama ang kanilang mga mata.

"You and the king was already married. After a year of marriage, the war happened and you died."- turo ng lalake sa dalaga.

Halos mapugto naman ang hininga ni eloise sa narinig. Mas lalo lang siyang naguluhan sa narinig. May nangyari bang hindi niya alam? Anong pinagsasabi niya? Magkakilala na ba sila ni gideon nuon pa man? Kaya ba iba ang turing sa kaniya ng hari kaysa sa ibang tao?

"I-imposible. Paanong kinasal kami? Why would I die? And why....why would I still be here if I'm already dead?!"- hindi napigilang sigaw ni eloise dahil sa halo-halong nararamdaman.

Naninikip ang dibdib niya sa takot, sa lungkot, sa lito at sa kaba. Hindi siya mapakali sa kintatayuan habang paulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng kausap.

"The king brought back the time using his power in order to meet you again."- the priest revealed.

Biglang umihip ng malakas ang hangin kasabay ng unti-unting paglukob ng kadiliman sa buong paligid.

Eloise stood frozen from her spot. Her complexion started to get pale as realization was evident on her face.

"I warned him to follow the timeline but because he wanted to see you so much, he had to meet you that day at the central's palace."- patuloy pa niya at tinalikuran ito upang sindihan ang mga lampara sa silid.

"That's how you met each other, my lady."- sambit nito at hinipan ang posporong hawak.

"At this time, the war didn't even started. Nangyari lang ng maaga dahil sinira niya ang daloy ng mga pangyayari. Your wedding is bound to happen after your sister's marriage to the prince of central."

Pakiramdam ni eloise hindi siya makahinga sa mga naririnig. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung gumagawa lang ba ito ng kwento para mapapayag siya sa gusto nitong mangyari.

"And when you died, he ask me to bring you back. But it was too late because nothing can bring back the life of a dead person."- bawat pagsambit niya ng mga salitang yun ay mabagal at madiin.

Mahzun slowly walk towards eloise who has the face of someone who've seen a ghost.

"The only way to see you again was to bring back the time. I helped him did the ritual and we successfully made it to the past. However, it took a toll on his magic."- he stopped in front of eloise, just inches apart from her.

"Hindi mo ba napapansin na mabilis siyang manghina at mapagod kapag natatapos na ang labanan? That's not the king that I've known. Because no matter how many soldiers or magicians he battles with, in just a snap of his finger, everyone will kneel before him."- mariing kwento niya.

"I-if....if I die, will his powers come back?"- biglang usal ni eloise dahilan para matigilan si mahzun.

He stared at her for a moment, finding any deceptions or lies beneath her eyes but nothing was found.

"It will and the war will stop."- he nod.

Napahinga ng malalim si eloise. Hindi na niya kailangan magdalawang isip pa dahil alam niya kung ano ang nararapat para kay gideon.

She didn't know he sacrificed a lot for her. She didn't know he'd go through such lengths just so he can see her again.

Is that why she fell in love the first time she saw him at the lake? Because they've been together. Because they've made memories before. And she loved him before.

Is that why she felt safe and comfortable around him because even though her mind didn't know him, her heart still yearns for him?

If only she remembers all of the moments they have, she would have said all the feelings she've felt when she's with him.

"I will do it."- determinadong desisyon ni eloise matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Are you willing to die for him again?"- walang emosyong tanong ni mahzun habang pinagmamasdan ang reaksyon ni eloise.

"I would die for him in every timeline we had."- seryosong tugon ng dalaga.

***

"We're doing a ritual?"- nagtatakang tanong ng dalaga ng makapasok sila sa isang maliit na bulwagan na nasa ilalim ng palasyo.

Madilim ngunit dahil sa bitbit nilang lampara ay napagmasdan ni eloise kung ano ang nasa paligid.

Napapaligiran ng haligi ang bulwagan kung saan may mga disensyong nakaukit duon. Tila ngayon na lang nabuksan ang silid dahil sa mga alikabok at sapot na kapansin-pansin.

"We need to to make sure that his powers will come back."- sagot naman ng kasama at sinabit ang lamparang hawak sa isang poste.

Tinuro ni mahzun ang lamesang gawa sa bato.

"Kailangan mong humiga dito."- imporma nito at tinulungan ang dalaga na umakyat duon at mahiga.

Bagamat kinakabahan ay hindi yun pinakita ni eloise. Dahil desidido na siyang gawin ang nararapat.

Gustuhin man niyang makasama pa ng matagal si gideon ay wala na silang oras. Dahil simula't sapol kasalanan niya kung bakit nagkaroon ng digmaan. Kasalanan niya kung bakit naghihirap ang mga mamamayan ni gideon. At kung bakit nasasaktan ang hari ngayon.

May dinukot na patalim si mahzun mula sa kaniyang likod at nilabas ang kaniyang biblya.

Nagsimulang basahin ng padre ang libro samantala pinagmasdan ni eloise ang patalim na nasa kaniyang tuktok.

Bagamat maliit ito ay matulis ang dulo nito kung saan may nakaukit na cross sa hawakan.

Kumapit siya sa kaniyang suot na bestida at napapikit ng mariin. Muli niyang inalala ang nakangiting mukha ni gideon habang mabagal ang paglipad ng mga butil ng dandelion sa paligid.

She may have known him for a short time but atleast the memories they've made will always be engraved in her heart.

Eloise wish that someday, if god gives her the chance to live again, she'll always chose a life with him.

Sinara ni mahzun ang kaniyang libro at pinagmasdan ang dalagang nakapikit at may butil ng luha sa gilid ng kaniyang mata.

He was about to swung the knife on eloise' heart when a sudden explosion hit him and was thrown to the wall.

"No one tries to kill my wife! Not now and especially not in this timeline!"- dumagundong ang matalim at nakakatakot na boses ng hari nang pumasok siya sa bulwagan.



| TO BE CONTINUED |

The Evil King's Affection (Complete)Where stories live. Discover now