"Ikaw na lang i-kiss ko. . ." he whispered.

Tangina. . . para akong malulusaw.

Puwede na sigurong magprito sa mukha ko sa sobrang pula at init ng pisngi ko. Tangina ni Caiden. Para akong aatakihin sa puso. Tangina. Wala naman akong sakit sa puso, pero parang mamamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Imbis na lumayo siya nang tuluyan sa mukha ko, hinayaan niyang magkatagpo ang mga mata namin habang malapit pa rin siya sa akin.

"Tangina mo, Caiden. Hindi na ako makahinga," bulong ko kaya unti-unti siyang natawa 'saka umayos na upo.

Madiin ko siyang kinurot sa braso. Sinigurado kong masakit na masakit 'yon. Hinawakan niya agad 'yon 'saka hinimas-himas nang mabilis habang nakangiwi. Nakita kong namula 'yon at parang naging pasa agad sa sobrang diin ng pagkakurot ko.

"Ang sakit. . ." he said, almost inaudible because of being in pain.

Hinawakan ko ang forearm niya at hinila siya palapit sa akin para makalapit ang mukha ko sa tainga niya.

"Tangina mo, Caiden," sabi ko at umayos na ng upo 'saka siya sinamaan ng tingin.

He chuckled. "Cute mo kapag namumula. Mas ansarap mong asarin," sabi niya at mas lalong lumawak ang pagngiti.

Inirapan ko lang siya't sinunggaban na lang ang mga inilagay niyang pork sa plato ko kanina. Binuksan ko pa ang isang soju at do'n na ako derektang uminom. Nakalahati ko agad 'yon.

Ginaya naman niya ako. Kahit hindi ko siya derektang tingnan, nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. Kumuha pa siya ng soju at derekta ring uminom sa bote 'saka naghagilap ng pork.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ang paglagok ko sa soju, maging ang pagkain ko ng iba't ibang klase ng pork. Nagsawa na ako sa plain at sa may enoki. Kaya tinry ko 'yung ibang kulay at iba ang hiwa.

Nang naubos ko na ang isang boteng iniinom ko, kumuha ulit ako ng isa pang bote. Napatingin na ako kay Caiden, kanina pa pala niya naubos 'yung soju na kinuha niya kasabay no'ng una kong soju at pangatlo na niya ngayon.

Nagtama ang mga mata namin. Seryoso na lang siya ngayon. Nag-iwas lang ako ng tingin dahil hindi ko na alam kung paano siya kakausapin. Hindi ko na kinakaya ang mga biro niya. Baka mamaya mamatay ako dito. Nagkasakit bigla sa puso si bading dahil sa kaharutan.

Sinubukan kong lagukin 'yung isang bote para masabayan ko siya. Pero nang maubos ko 'yon, nakita kong kakukuha niya lang ng panibagong bote. Tangina, ang lakas naman nito uminom. Galit ba siya? Tangina bigla tuloy akong nag-worry.

Dahan-dahan ko siyang nilingon ulit. Naglalagay siya ng pork sa lettuce at walang pasabing isinubo 'yon. Napatingin din siya sa akin habang ngumunguya. Nagtaas siya ng kilay pero umiling lang ako.

"Na-miss mo na ako kausap? Hindi ka na galit?" seryoso niyang sabi at halatang may tama na ng alcohol ang mga mata niya.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo sa akin? Or inaasar mo lang ako?" sabi ko.

"I'm fucking dead serious, Zern."

"You want to kiss me?" matapang kong tanong.

He wasn't flustered about my question. The serious look on his face remained.

"Would you let me do that?" he said softly.

"Fuck. Tangina. Seryoso ka ba?" Pagka-clarify ko. "Lasing ka na, e," sabi ko at mahinang tumawa.

Umiling-iling siya at hinarap na ulit ang soju niya. Pinanood ko siyang lagukin ulit ang isang bote at parang wala lang 'yon sa kaniya. Casual lang din siyang kumuha ng pork mula sa plato niya bago ibinalik ang tingin sa akin.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now