Chapter XVIII

2.2K 100 11
                                    

Nagising ako sa hangin na di ko matukoy ang amoy. Minulat ko ang mata ko at bigla akong napabalikwas sapagkat nakaharap lang naman ako sa mukha ni Aaliyah na nakanganga.

Kaya pala mabaho!

"Ang aga mo naman" Sabi ng katabi ko na kinukusot kusot pa ang mata dahil kakagising lang din niya

"Ang baho ng hininga mo naamoy ko" Sabi ko dito habang nakatakip pa ang aking kamay sa ilong.

"Grabe ka naman, bakit ikaw fresh ba?" Sabi nito habang tumayo na para siguro mag handa ng almusal.

"Ano okay ka na ba?" Tanong nito sa akin at naalala ko na naman lahat ng ganap kahapon. Kumirot naman ang ulo ko dahil sa aking mga naisip.

"Hoy ano nangyayari sayo??" tanong sa akin ni Aaliyah na may pagaalala.

"Aray" Sabi ko habang nakahawak na sa aking ulo, hindi ko alam parang sasabog yong feeling ng ulo ko ngayon.

Kinakabahan naman niyang kinuha ang cellphone niya maya maya pa lang ay may dumating na mga maid

"Zep!" Isang pamilyar na tinig ang aking narinig na di ko alam kung saan nanggaling. Napatingin naman ako sa bestfriend ko at sa mga katulong na handa na akong buhatin ngunit pinigilan ko dahil nawala nanaman ang sakit.

"Ano bestfriend masakit pa ba?" Tanong sa akin ni Aaliyah at may hawak hawak na ngayong tubig na handa niya ng ibigay sa akin

Kinuha ko naman ito agad at uminom. Iniisip ko pa din yong tumawag sa akin kanina.

Seryoso ba nakakakita na ba ako ng multo ngayon? Simula talaga nong nauntog ako sa lababo, kung ano ano na lang ang mga naririnig rinig ko sa paligid. Hindi kaya nabuksan yong third eye ko?

Napailing na lang ako sa aking naisip

"Ha hindi ka pa okay??" Tanong ni Aaliyah sa akin na may pagaalala pa din

"Okay na ako best friend wag kang magaalala masyado" Sabi ko dito kay Aaliyah.

First time ko lang din nakarating sa bahay nila, medyo malaki nga pero sabi niya mag isa lang daw siya dito dahil yong mga magulang niya daw ay busy sa ibang bansa, may company daw kasi sila doon. Sabi niya pa nga joint daw ang company nila ng Arc Industry so naisip ko ibig sabihin mayaman din pala tong sina Aaliyah.

"Gusto mo ba maglibot muna?" Tanong sa akin nito at tumango lang naman ako, curious din kase ako sa bahay nila. Tumayo naman kami at lumabas ng kwarto niya.

Dumiretso naman ang paa ko sa isang kwarto at tumingin ako kay Aaliyah para mag paalam at tumango lang naman siya. Pinihit ko ang door knob at nakita ko doon ang isang malaking kwarto, siguro kwarto to ng mga magulang niya. Pumasok naman ako don at tiningnan ang mga litrato na nakasabit sa pader. Litrato lang naman ito ng mga magulang niya pero may isa doon na pumukaw ng atensyon ko. Dalwang babae na naka talikod at nakatingin sa dalampasigan.

Kasunod niyon ay picture ng isang lalaki na bata na halos kamukha din ni Aaliyah

"That's Trevor my little brother pero he died in an accident eh" Sabi niya ng may halong lungkot sa mata. Kahit ako ay di ko mapigilan masaktan sa narinig.

"Hoy bestfriend bat ka umiiyak" Tanong sa akin ni Aaliyah na kahit ako ay di makapaniwala. Mababa kasi talaga ang luha ko pag mga ganitong usapan.

"Hays sorry best friend sa nangyari sa kapatid mo" Sabi ko dito habang pinapahidan ang luha ko. Ngumiti lang naman ito sa akin at tumango

"Oh tara na sa next kwarto" Sabi niya at tumango naman ako dito habang pinupunasan ang luha ko at lumabas na kami sa kwarto ng parents niya

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now