Chapter I

5.4K 126 26
                                    


"HOY! TULALA KA NANAMAN" Gitlang napatingin ako sa umimik na walang iba kundi ang bestfriend ko na si Aaliyah. Tiningnan ko lang ito ng masama.

Ang aga aga naman ang lakas ng bunganga nya naririndi na agad ako.

Napatayo naman ako ng ayos ng malaman na umawas na pala yong sinasalin kong kape kanina. Mabuti na lang at hindi natamaan ang balat ko.

"Vowel! Dito ka na lang sa unahan para magising ka naman, nananadya ka na ah porket andyan ka lang sa kusina lutang lagi isip mo." Saad ni Aaliyah na halos mapatingin na sa kanya lahat ng customer.

Si Aaliyah nga pala kababata ko at ngayon pareho kaming nag tatrabaho sa isang coffee shop. Pinasok nya lang talaga ako dito para tulungan ako sa aking pag aaral. Isa siyang assistant manager dito sa pinagtatrabahuhan ko kaya no choice at kailangan ko sumunod sa mga inuutos niya.

Ako nga pala si Aeiou(Ey-yu), hindi ko alam anong trip ng magulang ko bakit eto pa pinangalan sakin. Siguro tinamad lang sila magisip.

Dumiretso naman ako sa harap para kausapin ang mga dumadating na customer at kumuha ng kanilang order. Habang may nag sasalita sa counter bigla naman akong tumingin sa katabi ko na ngayon ay nakatingin sakin at bumubulong na ngumiti naman daw ako habang siya ay ngumingiti din para gayanin ko daw.

Ngumiti naman ako ng pilit at tiningnan ang customer na ngumiti din pabalik at nag bayad. Tinanggap ko naman ang bayad ngunit naalala ko na di ko nga pala naitype sa screen ang order niya kaya nahihiya mang pinaulit ko sa kanya ang order niya.

Kasalanan ito ni Aaliyah kung hindi niya ako kinausap edi sana walang nangyaring ganito. Sa totoo lang hindi talaga ako sanay mag cashier sapagkat ang position ko naman talaga dito ay isang barista. Pero dahil nga ng makulit kong bestfriend, hindi na ako nakareklamo. Sino ba naman ako para mag reklamo.

Patuloy lang sa pag order ang mga customer ng may biglang pumasok na anghel, at humakbang papalapit saakin. Sa paghakbang niya kasabay din nito ang pagtibok ng puso ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang babae. Para bang hindi totoo ang mga nakikita ng aking mata. Napatingin naman ako sa suot niya, isa itong formal attire na kulay itim na talagang ginawa para sa kanya samahan mo pa ng kanyang buhok na naka lugay. Napatulala na lang ako sa kanyang mukha na mukhang anghel

"Aray!" napawahak ako sa aking batok at napatingin sa bestfriend ko

"Ano bang problema mo? kanina ka pa ah" Sabi ko sa kanya ng pagalit habang hinihimas ang aking braso.

"Paano kase nakatulala ka nanaman, kahit saan ka na lang ilagay lagi kang napupunta sa ibang dimension." Sabat nito na agad namang ikinapikit ko

Tama naman siya kanina pa ngang parang lipad ang isip ko paano kase kulang pa din talaga ako sa tulog dahil sa aking ginagawang project.

"Excuse me?" Agad naman akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko na kanina ko pang tinitingnan bago pa ko guluhin nitong katabi ko na ngayon ay umalis na.

"Are you just gonna stare at me or take my order?" Saad niya ng naka taas ang kilay at walang emosyon na nakatingin sakin. Mukhang familiar yong mukha niya, pero baka dahil nakailang balik na ito dito

Aligaga naman akong nag pipindot sa screen sa counter at di maintindihan kung anong gagawin ko kaya naman napilitan na lang akong ngumiti dito na parang natatae.

Nakakahiya, ano bang nangyayari sakin.

Bubuka na sana ang aking bibig ng bigla ulit itong umimik

"Hello?" Sabi nanaman ng nasa harap ko na medyo naiinis na.

"S-sorry uhm, good morning w-what's your order?" Utal kong saad habang nakatingin sa walang buhay nitong emosyon.

"What do you recommend?" Tanong niya napangiti naman ako pero nagulat ako ng biglang lumaki ang mata nito na parang gulat at sabay tumingin sa kanyang cellphone at may kinalikot, pag tingin ko sa cellphone nya medyo nag tataka ako sapagkat nakabaligtad ito. Pinagsa walang bahala ko na lang ito at umimik na.

The Barista's Heartbeat (GXG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ