Ang lakas pa ng trip. Ang guwapo pa. Sobrang bango pa. Nakakaaliw din 'yung sense of humor niya. Ewan! Basta. . . sobrang sarap niyang kasama. Nakaka-enjoy siyan kausap sa kahit na anong topic. Kahit siguro astronaut pag-usapan namin may masasabi siya kung sakaling ita-topic namin 'yon, e.

Ang cute lang. Habang mas tumatagal. . . mas naa-appreciate ko si Caiden.

Huminto kami sa 7-Eleven para bumili ng ice cream. Siya ang namili ng ice cream para sa amin 'saka kami pumwesto sa mga upuan na nasa labas.

Tahimik at malamig ang paligid. May mga iilang tao, pero hindi gano'n kalakas ang ingay na galing sa kanila para masira nila 'yung mood. Marami-rami ring dumadaan na mga sasakyan, pero tuloy-tuloy lang ang pag-andar nilang lahat kaya wala ring gaanong busina ang maririnig mula sa daan.

Strawberry popsicle ang binili ni Caiden para sa kaniya at cookies and cream naman sa akin. Nakaupo siya sa kabilang upuan at sa kabila naman ako. May lamesang nagse-separate sa amin. Parehas kaming nakatingin at nakaharap sa highway.

"Caiden. . ." I called him softly while chewing.

He looked back at me and raised his brows. "Hmm?"

"Minsan ba naiisip mo na. . . paano kung ang saya-saya mo na at biglang binawi sa 'yo 'yung kasiyahan na 'yon? Na-feel mo na ba 'yon?" sabi ko.

Binasa niya ang ang labi niya at napabuntonghininga. "That would be so fucked up. I don't know. Naramdaman ko na 'yan before. I like being surrounded by a lot of people. I like being liked. I like to please a lot of people. 'Yung mga kaibigan ko no'n sa Canada palagi kong binibigyan ng baon at palagi akong masaya sa tuwing papasok ako sa school kasi makakapag-bonding kami. That was my euphoric moment when I was a kid. . . pero malalaman kong ayaw pala nila ako at kinakaibigan lang nila ako dahil marami akong baon. Inakusahan din nila akong bading dahil masyado akong nagke-care sa kanila. It's just too fucked up. Nakakagago. Kaya mula no'n, tinigilan ko ng maging mabait at maging caring sa mga tao," sabi ni Caiden at umiling-iling habang nakangisi.

"You were born and raised in Canada?" I clarified.

Umiling siya. "No, I was born in Australia. My father and my mother met there. We just moved to Canada, it's way better there. I was in my third year when we moved here. That's when I met Magnus and the others," sabi ni Caiden.

Tumango-tango ako't kinagatan na ulit ang popsicle. "Aahh. . . pero nakakatuwa na nagiging caring ka na ulit. 'Wag mo na ulit iwawala 'yung sarili mo dahil sa mga tao. You're kind. You're nice. You're so calm. Maloko rin at siraulo kaya masaya kasama. May sense kang kausap. Ang sarap pakinggan ng boses mo-mababa at mahangin," sabi ko at mahinang tumawa.

Napalunok siya at tumitig sa akin kaya tinitigan ko rin siya pabalik. Namumungay ang mga mata niya. Kung tingnan niya ako-kahit hindi na siya magsalita, sinasabi na ng mga mata niya na naa-appreciate niya 'yung sinabi ko.

"Thank you, Zern. Ikaw 'yung nagpa-realize sa akin no'n. My mother and father experienced a lot of things that is beyond hurting, but they never stopped being kind. Katulad mo, I was hurting you. Kung ano-anong sinabi ko sa 'yo, pero nagagawa mo pa ring tumawa at ngumiti kasama 'yung mga kaibigan mo. Nagagawa mong tumawa kasama si Mishael noon sa perya. You were still kind to them. Hindi mo hinayaan na baguhin ka ng masasamang tao," sabi ni Caiden at maamo akong nginitian.

Natawa ako sa sobrang kagalakan. "Aw. . . thank you. I'm glad that I was able to let you feel what you're supposed to feel. Pinalaki kasi ako ng pamilya kong punong-puno ng pagmamahal at pag-accept sa isa't isa. Gano'n ka rin. Sadyang. . . marami lang taong binago ka at nakalimutan mo ng maging ikaw. I understand that. We set boundaries to protect ourselves. Pero minsan, you have to loosen up and learn to trust people. We trust so we can be trusted as well. We give chances so we can get chances," sabi ko at malawak siyang nginitian.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now