Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw

Start from the beginning
                                    

"Sorry kakailang kasi pagmumukha nya, akala ko kasi si" sabi ni Kate

Habang si Sakuhako na nasa taas

"Bakit parang pakiramdam ko para talaga sakin yung sapak nya ggrahhmm" sabi ni Sakuhako

"Di ako makapaniwala, sinampal ni Kate si Akito" sabi ni Kenta isa sa player ng shohoku

"Malamang napagkamalan nyang si Bossing si Akito" sabi ni Eishin

"Grahhhhh tumahimik nga kayo dyan" nainis na si Sakuhako

Habang si Akito matapos sampalin ni Kate

"Ayos lang, Ngayon ko lang naranasan ang sayang nararamdaman ko, Ngayon ko lang nalaman na masarap palang ngumiti" sagot ni Akito

"Saku" sabi ni Zoey

"Akito-sama" sabi ni Gildar

"Huh! Kung ganun anong dapat natin gawin?" Tanong ni Otano pinsan ni Sakuhako at Akito

"Tambakan natin sila" sagot ni Akito na sinang ayunan nman ni Renz, Daigo

Tumayo na sila para tapusin ang isang minutong natitira sa first half

"Sige tambakan nyo sila, Kayo nang bahala" sabi ni Kate

Habang naglalakad ang limang manlalaro ng shohoku

"Si Saku parang naging ibang tao sya" sabi ni Zoey

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kate

"Parang, heto talaga ang totoong sya, Yung totoong Saku" sagot ni Zoey

"Ikaw lang nman ang mas nakakakilala sa kanya, pero sa totoo lang itong dalawang kambal na toh, pareho silang abnormal" sagot ni Kate

Sa natitirang 1 minuto sa First Half hindi na nag pigil ang Shohoku, at dahil dyan nadagdagan pa ang score nila ng 7 points

Di rin nman nagpapatalo ang Team Takezato humigpit ang depensa nila ngunit hindi parin sapat para mapigilan nila ang ginagawang opensa ni Akito

Nagtapos ang isang minuto nang maka skyhook si Otano

Ang Score ay

37 to 22 lamang na lamang ang Shohoku

"Grabe ang galing nila, Ang team natin ang pinakamalakas" sabi ni Kenta

"Maganda rin performance ni Daigo diba naka tatlong 3 point shot sya, nagbunga din ang Paghihirap nya" sabi ni Eishin

"Tsu! Kung kasali ako dyan baka 40+ ang puntos ko, ibig sabihin lang mahina ang team na yan kapag wala ako" sabi ni Sakuhako

"Sus, nagmayabang naman" sabi ng tatlo

"Anong sinabi nyo ggrahh" na nainis na si Sakuhako nagsalita si Althena

"Sa tingin ko ang gusto ni Kate makapaglaro ang lahat, para walang bias shaka kung tutusin mas maganda nga na nakakapagpahinga yung iba para sa mas malalakas na Team na makakaharap natin" sabi ni Althena na sinang ayunan nman ni Kenta, Eishin, Genji habang tumingin lang sa kanya si Sakuhako, tahimik din lang ang dalawang kaibigan ni Althena na si Ai at si Asuma

Sa 2nd Quarter doon na sinimulan ng Shohoku ang sinabing plano ni Kate para tuluyan nang matambakan nila ang Takezato, Ang Full court press na talagang lalong nagpahirap sa Takezato

Samantala sa taas, napatingin si Sakuhako sa cellphone nya isang text ang natanggap nya mula kay Aisha

"Magkita tayo, mayron akong sasabihin sayo" sabi ni Aisha sa text

"Ano kayang sasabihin nya?" Sabay tayo ni Sakuhako

"Teka bossing san ka pupunta?" Tanong ni Kenta

"Meron lang ako pupuntahan, Hindi kona kaylangan panoorin ang laban, dahil siguradong ang shohoku ang mananalo" sagot ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now