"My place or your place?" Tanong nito

"Sa amin na lang po, wala kasi kasama kapatid ko" Sabi ko dito

"Is your parents there?" Tanong niya

"Ah nasa probinsya po sa mga tita ko." Sabi ko dito at tumango naman ito sa akin.

Nag simula naman na siya mag maneho, bigla ko naman naisip na baka magulo pa ang bahay namin. Hindi pa kase ako nakakapag linis dito. Bakit ba di ko agad naisip nakakahiya tuloy.

Tahimik lang naman ang naging byahe habang ako ay nag aalala sa madadatnan namin sa aming bahay. Maya maya pa ay nakarating na kami at pumarada lang siya sa tapat. Lumabas naman siya ng kotse at pagkatapos ay binuksan ang pinto bago pumunta sa likod ng kanyang kotse para kunin ang mga pinamili namin.

Maya maya ay lumapit na ito sa akin at hinawakan ang aking kamay binuksan ko naman ang pinto ng bahay at buti na lang ay malinis naman ito. Siguro naglinis muna sina inay bago umalis ng bahay kanina. 

"So this is your house" Sabi niya na ikinatungo ko

"Maliit lang po kumpara siguro sa bahay niyo" Sabi ko

"Nah, I actually prefer small houses" Sabi niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya

"I'm always alone, what am I gonna do with big houses like mansion" Sabi niya at napa tango naman ako, tama nga may point naman siya.

What if samahan ko na lang siya sa bahay nila, haha joke.

"Where's your siblings?" Tanong niya, wala pa nga pala mga kapatid ko pero pauwi na siguro yon. Kaya saktong sakto din dating namin para makapag luto na ako ng kakainin namin mamayang hapunan.

"Pauwi na po siguro, tara na magluto na tayo" Sabi ko dito at tumango siya. Tinulungan naman niya ako na ilabas lahat ng mga ingredients sa plastic. Ako ay nagsimula na din maglinis ng mga karne at manok.

Napagdesisyonan ko na ang lutuin ay tinola, sinigang at fried chicken. Baka mapa dami kain niya sa luto ko, ako kaya tinaguriang master chef sa bahay namin.

Kasabay ng pag luluto ko ay nagtakal na din ako ng bigas at nag saing na din. 

Kanina tumutulong sa akin si Riah pero nainip ata kaya ngayon nag punta siya sa aming salas at ewan ko kung anong ginagawa niya na ngayon.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos ko ng lutuin ang mga dapat lutuin, tinikman ko na din ang mga ito at masasabi ko talagang masarap siya, sakto lang din para sa panlasa ng mga pinoy.

Nilinis ko naman ang aking mga ginamit at hinugasan ang mga ito.

Nag punta na ako sa salas namin at nakita doon si Riah na nakatayo habang nakatingin sa mga litrato na nakasabit sa aming dingding.

"Riah" Tawag ko dito at tiningnan siya pero hindi pa rin ito tumitingin sa akin na tila sobrang focus ang attention niya sa litrato naming magkakapatid.

Kaya naman napagpasyahan ko na lapitan siya.

"You've become more beautiful how is that even possible?" Saad niya na ikinagulat ko. Tiningnan niya naman ako ng nakangiti at di matukoy ang titig na ipinupukaw niya sa akin.

"Mas maganda ka naman" Asar ko dito pero tumawa lang siya

"I know" Sabi niya ng wala manlang pag tatangi, at saka itinapik ang pisngi ko pero hindi niya pa din ito inaalis.

Bigla naman akong napatingin sa labi niya na siyang nag dulot sa pag lapit ng mukha niya sa akin. Awtomatikong napapikit naman ang aking mata hudyat ng paghihintay sa maaaring maganap sa amin.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now