Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mga gong gong, ilang taon naba kayo sa shohoku ahhh parang wala kayong natutunan" sabi ni Sakuhako

"Hhhmmm actually palagi mo kayang ginagamit ang Change Of Pace" sabi ni Althena

"Ahhb ga-ganun ba?" Sabi ni Sakuhako

"Ikaw ang gong gong" banat ng tatlo

"Ggrahhhhh ulitin nyo nga sinabi nyohh" at sinugod ni Sakuhako ang tatlong ugok

Ilang beses ng ginamit ni Sakuhako Change Of Pace sa mga laro nya, kagaya na lamang ng maka 1on1 nya ang kanyang ama, nakipag 1on1 kay Akito at sa laban nila sa Miyuradai hindi alam ni Sakuhako kung anong tawag sa ginagawa nya basta na lamang nyang ginagawa

Habang drinidribble ni Akito ang bola nakataas ang depensa ni Kozaki

Alam ni Kozaki ang binabalak ni Akito kaya naka alerto sya

At nang makita ni Akito ang tamang pagkakataon para makalusot

Umabante na sya papunta sa kanan ni Kozaki sabay biglang ipinasok ni Akito ang bola sa ilalim ng mga paa ni Kozaki

"Anoh" gulat na si Kozaki

Pagkatapos makalusot agad na kinuha ni Akito ang bola, tumakbo sya ng mabilis

"Ang galing" sabi ni Zoey

Napangiti si Sakuhako habang nanonood

Pagdating ni Akito

"Hindi mo kami kaya freshman ka lang" sabi ng sentro ng Takezato na si Ugo

"Freshman na may mataas na kalibre, Ako ang kaharap mo" sabi ni Gildar na sentro ngayon ng Shohoku, binakuran ni Gildar si Ugo

Pagdating ni Akito tumalon sya naka 360 dunk position

Nang biglang tumitaw sa harapan nya si Sayamuro Hayuta ang Ace Player ng Takezato

"Isa ka lang freshman Akitohhh" sigaw ni Kozaki na nasa likod ni Akito

Nasa gitna si Akito nila Sayamuro Hayuta at Kozaki

"Sa-Sakuragi" napasigaw na si Zoey napatayo pa na natawag ang tunay na pangalan ni Akito

Nang biglang kumaliwa ang katawan ni Akito, at bigla na lang ibinato ang bola gamit ang kanang kamay

"Ahhhhhhh" kinagulat ng lahat, maging si Sakuhako na nanonood

Pumasok ang bola sa ring

"Ahhh ano yung ginawa nya" sabi ni Kate na nanonood

"Saku-kun" natulala si Zoey sa napanood nya

"Impossiblehhh" sigaw ng Coach ng Takezato at isang malakas na sigawan ang narinig nilang lahat, sigawan ng mga nanonood

"Nakita nyo ba yung ginawa ng lalaking pulang buhok" sabi ng isang manonood

"Ibang klase hindi ganyan maglaro ang isang freshman" sabi ng isang manonood

Habang si Sakuhako na nanonood biglang naging seryoso ang mukha nya

"Sinadya mo bang magpatalo sakin noong nag 1on1 tayo? Bakit?" Tanong ni Sakuhako sa kanyang isipan sa napanood nya napagtanto nya na baka hindi talaga nagseryoso si Akito noong nag 1on1 sila

Matapos makapuntos ni Akito nang pakitaan nya ng kakaibang tira

"Talaga bang, ganyan ang kakayahan ng isang player na hindi dumaan sa basics?" Sabi ni Otano, pinsan ni Akito at Sakuhako.

"Ibang klase" sabi ni Renz

Habang si Gildar

"Wag nyong manaliitin si Akito-sama kahit freshman lang sya, sya parin ang pinakamagaling sa lahat" sabi ni Gildar

Habang nakatingin ang Team Takezato kay Akito

Pagkatapos makapuntos ni Akito pinulot ni Sayamuro Hayuta ang bola

"Mukhang hanggang dito na lang talaga kami" sabi nya sa kanyang isipan

Tumakbo sya at ipinasa ang bola sa kasamahan nya

Sa bench ng Shohoku

"Diko inaasahan na ganyang pala kagaling si Akito, mukhang tama ang sinasabi ng ilan, Junior high palang sya isa na syang banta" sabi ni Kate

"Ngayon ko lang din sya nakita ganito maglaro, mas lalo syang gumaling" sagot ni Zoey

Maya maya lang naagaw ni Akito ang bola kay Kozaki

"Magaling sya sa depensa ngunit sa opensa baliwa sya" sabi ni Kate

"Ang galing mo Sakuh" sigaw ni Zoey

Tumakbo ng mabilis si Akito habang ang Coach ng Takezato

"Pigilan nyo sya, Dumepensa kayo sa loob" sigaw ng Coach ng Takezato

Dalawang minuto na lang ang natitirang oras at sa puntong ito, lamang na ang Shohoku

Pagdating ni Akito bigla nyang ibinato ang bola sa ilalim, derederetso kay Gildar pagkakuha ni Gildar agad na dinakdak sa ring

Habang tumatakbo si Gildar at Akito kasama ang tatlong kakampi nila

"Masaya ako na makasama kayo sa laro, Akito Sama" sabi ni Gildar

"Gildar, Simula ngayon, Akito na lang ang itatawag nyo sakin ni Milliana" sabi ni Akito

"Huh?" Na naguluhan na si Gildar

"Hindi na ako yung Akito na nakilala nyo noong una, Ako na si Hanamichi Sakuragi Jr, Kayong dalawa ni Milliana ay matalik kong kaibigan" sabi ni Akito

Nanlaki ang mga mata ni Gildar, hindi nya inaasahan na maririnig nya ang salitang iyon kay Akito, kilala nila si Akito sa pagiging mataas, mataas ang tingin sa sarili subalit ngayon nakita nyang nagpakababa ito na ipinantay lang ang sarili nya sa kanila ni Milliana

"Akito-sa-ma" di makapaniwala si Gildar.

"Gildar tambakan natin sila" sabi ni Akito na nakangiti

Parang iiyak na si Gildar sa kaligayan na nararamdaman nya

"Upohh" sagot ni Gildar

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon