"Okay lang ba sayo kung dito tayo kakain? Kung di ka comfortable may alam pa akong lugar na pwede tayong kumain"

"No, it's okay na rito mapapalayo pa tayo at isa pa magandang spot ito kasi kita yung mga ilaw sa plaza and sariwa pa yung hangin" sagot niya kaya pumasok na kami sa loob para makaorder ng pagkain.

"Hanap na lang kayo ng mapupwestuhan natin" sabi ko.

"Sige ate" pumunta na ako sa counter at nagulat ako ng sumunod pala sa akin si Zeke.

"Pumili ka na ng gusto mong ulam" sabi ko.

"Yung kaldaretang manok na lang yung sa akin" saad niya.

"Sige"

"Maayong gabii, unsa imong order?"  bumuntong na lang ako ng hininga dahil naalala ko  nga pala wala kami sa bahay kaya no choice ako kung di magsalita ng Cebuano. Iniisip ko kasi yung kasama ko baka ma-out of place siya rito.

"Palihog palit ug kaldareta nga manok unya 3 ka chicken curries unya chopsuey. Mokaon lang kog bugas" sabi ko. Natawa naman bigla ang katabi ko at kinurot ko ito sa tagiliran para sawayin.

"Mao ra na?"  bigla akong napaisip.

"Naa kay 1.5 coke?"  Tanong ko.

"Adunay" 

"Usa usab"  sabi ko.

"Ihatod ra nako imong order" saad niya. Tumango ako at hinila na si Zeke baka kasi tumawa pa.

"Ikaw ah wag kang tatawa kapag nagsasalita ako ng Cebuano sa mga tao baka isipin nila na pinagtatawanan mo sila" saway ko.

"Sorry naman" napairap na lang ako.

"Iniiwasan namin gumamit ng dialect namin sa bahay baka maout of place ka kapag nag-uusap kami kaya wag mong pagtawanan yung style na pananalita nila" saad ko. Napakamot na lang ito sa ulo.

"Ania ang imong order"  nilapag na ni kuya ang mga inorder namin na ulam at kanin.

"Sundon ra nako ang 1.5 nga coke" 

"Adto na lang ko sa counter para dili mawala ang kabugnaw sa coke"  saad ko. Tumango naman si Kuya at umalis na.

"Parehas ba kayo influent magsalita ng Cebuano?" tanong niya.

"Si Drie ang may masyadong alam sa pagsasalita ng Cebuano dahil dito yan pinanganak yan. Kasi kami ni ate ay ipinanganak dati sa Maynila kaya medyo di pa kami masyadong magaling magsalita ng Cebuano kahit matagal na kami nakatira rito" paliwanag niya.

"Ate, kuhaa ang coke nga gusto nakong imnon"  sinamaan ko ng tingin si Drie.

"Drie, mamaya na yun uminom ka ng tubig muna baka gusto mo isumbong kita kay Mama mamaya" napanguso na lang si Drie at uminom na lang ng tubig.

"Pagkatapos natin kumain pwedeng uminom ng coke" inubos na lang ni Drie ang pagkain nito.

"Parang mas marami pa bawas ng chopsuey kaysa sa chicken curry" saad niya.

"Naku kuya madalang lang kumain ng karne yan puro gulay ang kinakain niya. May times nga kapag nasa bahay at day off niya laging nagluluto ng gulay sa umaga si Mama dahil routine na niyang kumain ng gulay kapag breakfast" sabi ni Shan.

"Gusto mo bang tikman ito?" binigay ko ang ulam kong chopsuey para ipatikim sa kaniya.

"No, it's okay busog naman din ako" ngumisi ako.

"Di ka kumakain ng gulay noh?" tukso ko.

"Kumakain naman pero busog na kasi ako" pero siningkitan ko lang ito ng mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer Break Series #1- Love Under The SummerWhere stories live. Discover now