Chapter 3

13 0 0
                                    

"Kamusta naman yung bisita niyo dun?" bigla akong napataas ang kilay sa tanong ni Lian.

"Okay naman" labas sa ilong kong sabi.

"Sus, balita ko halos utusan mo daw yun sa bayan eh para lang magbaba ng gulay sa palengke" saad niya.

"Pshh!! Nagpresenta siya eh alangan naman pigilan ko" mataray kong sagot.

Sa totoo lang di na bakasyon ang ginagawa niya dahil kung magbabakasyon siya ay dapat nagpapahinga siya at nagrelax pero sa ginagawa niya kasi parang nagtatrabaho na siya sa hacienda namin.

"Kwento pa sa akin ni Papa ganun na daw talaga yun nung nasa farm pa lang daw ng grandparents ni Zeke ay matulungin na talaga siya kaya lang ipinagtataka ko bakit naman dito niya napiling magbakasyon?" nagtatakang tanong ko.

"Malay mo he have a reason why he choose to stay here" sumimangot naman ako dahil sa biglang pagingles nito.

"Tss! Mas malala kay Leah halos sasakit na yung batok ko sa kakasalita niya ng cebuano eh sa akin it's just a simple english but di malalim" kinuha ko ang chart ng pasyente dahil magendorsement kami mamayang 8 pm.

"And may narinig pa ako na halos lahat ng mga dalaga doon sa haciend pinagkakaguluhan yung visitor niyo" kwento pa niya.

"Isa na doon yung dalawa pero may tanong ako?" lumingon ako kay Lian.

"Ano yun?"

"Bakit ka nagalit nung araw na day off yung dalawa yung nakita lang nila na nakahubad si Zeke ay yung ilong mo ay sasabog sa inis" umirap ako.

'Napakadaldal talaga ni Queenie'

"Wala" palusot ko.

"Good evening ladies" ngumiti kami kay Nurse Kian at bumati rin.

"Where other two?" ang hinahanap nila ay sina Leah at Aidee.

"Nasa operating room po ngayon si Leah tapos po si Aidee ay ipinalipat po ni Chief Nurse sa OB Pay station po" magalang na sagot ni Lian.

"Oww you Nurse Aya anong oras operation mo with the patient na may chronic kidney disease" tiningnan ko ang chart na hawak ko.

"It's around 1:00 am po" sagot ko.

"Okay just waiting natin si Nurse Leah anyway wala na ba kayong balita about kay Chelsea?" Umiling kami parehas. Tumango naman siya.

"Nagtataka kasi ako bigla siyang nawala na parang bula after niyang magsick leave" tumingin ako kay Lian. Di alam ni Nurse Kian na nagmaternal leave si Chelsea na tuluyan nang nagresign.

"Hi Nurse Kian" lumingon kami at sa wakas ay dumating na si Leah.

"Buti dumating ka na should start?" pero biglang nagsalita si Leah.

"Wait Nurse Kian papunta na rito si Nurse Paul" bigla akong kumunot ang noo ko dahil kung bakit nakasama namin si Nurse Paul sa Night duty.

"Eh nailipat daw siya ni Chief Nurse kasi may di inaasahan nangyari dun sa emergency" sabi niya.

"Anong nangyari?"

"Aw, kalit lang nga adunay midali sa emergency room ug nag-assist siya sa pasyente, kalit nga gisumbag sa lalaki si Nurse Paul. Ang iyang mga kauban nga nars naglibog ingon man ang mga pasyente." Sinamaan ko ng tingin si Leah at yung katabi ko naman ay biglang sumimangot. Tawang-tawa naman si Nurse Kian.

"Shuta ka! Ayusin mo naman yung pagsasalita mo" muntik nang sakalin ni Lian si Leah buti na lang ay napigil pa namin siya.

"Eto na nga may biglang sumugod sa emergency room at nag-aasisst siya ng pasyente biglang sinuntok nung lalaki si Nurse Paul. Nataranta ang mga co- nurse pati na rin ang mga pasyente na nakaadmit sa emergency" kwento niya.

Summer Break Series #1- Love Under The SummerWhere stories live. Discover now