Chapter 2

9 1 0
                                    

Sumisimsim lang ako ng kape at nakatingin sa kanila. Nasa sala sila ngayon at kausap nila yung bisita ni Papa. Nakita ko si Shan na pumasok sa kusina at kumuha ng tubig sa ref at uminom.

“Oh ate day off mo ngayon?” tumango ako.

“Panggabi na ako bukas kaya mahaba-haba yung pahinga ko” saad ko.

“Siya nga pala ate pasyalan mo daw yung kalamansian doon” lumingon ako sa kanya.

“Huh? Bakit?” Takang tanong ko.

“Eh tingnan mo daw kung pwede na ba siyang anihin or palalakihin pa natin eh sabi kasi ni Mang Juan parang nagiging dalanghita na daw yung kalamansi eh” napakamot sa ulo si Shan habang nagpapaliwanag.

“Sige pagkatapos ko rito dadaan ako” sabi ko.

“Sige ate puntahan ko muna yung mga tauhan dun sa pananim natin na talong” tumango na lang ako at lumabas na si Shan. Anihan ngayon ng talong at dadalhin namin ito sa market pagkatapos. Almost 500 hectares ang lupain dito sa amin na parang sinakop na namin ang isang barangay well barangay naman ito at dito sila nakatira sa hacienda namin yung iba nga lang ay nakatira pa sa kabilang barangay.

Tumayo na ako at dinala na sa lababo ang ginamit kong tasa. Palabas na sana ako at dumaan sa kusina nang tawagin ako ni Mama.

“Anak papunta ka na ba sa kalamansian natin?” tumango ako.

“Sakto, samahan mo muna si Zeke na mamasyal dito sa hacienda natin” biglang nanlaki ang mata ko.

“Pero Ma, di ba kakagaling lang niya sa byahe pagpahinga niyo muna siya” sambit ko.

“It’s okay, I was able to rest at the hotel before I came here” biglang nagsalita ito ng ingles.

‘Dudugo pa ata yung ilong ko rito sa kakasalita niya ng ingles eh’

“Sige po Ma” wala na akonga magawa kung di ipasyal si Zeke sa buong farm. Nakakapagod kasi kung sa buong hacienda ay ipapasyal pa siya.

“Pupuntahin ko muna yung kalamansian okay lang ba sayo?” tanong ko.

“Okay lang” naglakad na kami medyo malayo ito sa rancho at sa amin pero malapit naman ito sa mansyon.

“Magandang umaga señorita” tumango ako sa kanila at sakto naman ay pumunta na sa akin si Mang Juan.

“Magandang umaga señorita buti na lang po nakapunta na po kayo di pa kasi sila nagsisimula hangga't wala pa ang desisyon niyo” pumunta ako sa mga nakatanim na kalamansi at masasabi ko talaga na malalaki na talaga siya st mukhang malapit na maging dalanghita.

“Siya pitasin niyo na at pagkatapos nila diyan tawagin mo ako ah para macompute natin kung kaya ba natin maibenta sa palengke. Yung iba bang kalamansi malalaki na rin ba?” Tanong ko. Mayroon kasing bagong tanim ng kalamansi dito nagkaroon kasi ng bagyo noong nakaraang taon at naakpektuhan ang mga pananim namim buti na lang nabuhay pa yung iba.

“Pinitas na rin po nila yung nandito lang po sa gawi na ‘to. Di po namin kayo mahagilap eh kung tatanungin po namin yung mga magulang niyo po ay busy rin sila” napapikit na lang ako at napahilot ng sintido.

‘Day off na day off ko ngayon tapos may problema akong kailangan ayusin’

“Masyado na bang malaki?” Tumingin ako kay Zeke na tinatanong ang tauhan ko.

“Di pa naman po” sagot niya.

“Can I see?” tumango naman si Mang Juan. Sumunod na siya at ganun din ako.

“Magkano ba dati bentahan niyo sa kalamansi?” Tanong niya.

“50 pesos per kilo” sabi ko.

“Okay anihin niyo muna bago natin timbangin at kwentahin” tumango naman sila. Tumingin ako sa kanya.

Summer Break Series #1- Love Under The Summerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें