Prologue

25 2 0
                                    

"Aya" lumingon ako nang tawagin ako ni Leah.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Ikaw daw ang kumuha ng vital signs sa room 305 sa general ward" tumango na lang ako at inayos ko ang mga gamit ko at kinuha ang mga kakailanganin na gamit for taking vital signs.

"Leah, siya ba yung dumating kahapon galing U.S" tumango siya.

"Dito daw pinili magpa-opera kasi nagkaroon ng financial problem nung nasa U.S. masyado daw mahal ang mga gamot at test doon kaya dito na lang piniling magpa-opera" paliwanag niya.

"Saka nga pala ikaw pala ang piniling mag-assisst for operation dun sa bagong dating na pasyente" napalingon ako kay Leah.

"Weh? Di nga?" Tumango ito.

"Eh sino yung doctor na assisst ko" tanong ko.

"Yung anak ng Director ng hospital na ito. Galing siya from U.S and nagbalak na rin na magstay for good na dahil na rin sa pakiusap ng director at siya na rin ang bagong director ng hospital natin" paliwanag pa ni Leah.

"Grabe kailangan ko palang maging formal and professional sa kanya kapag nasa loob na kami ng operating room baka bigla ako sermonan kapag nagkakamali ako" sabi ko.

"Naku, pagkakaalam ko mabait naman yung anak ng director natin" nakarating na kami sa room 305 kung saan nakaadmit ang pasyente.

"Punta muna ako sa OB ward para ibigay ito may buntis kasing pasyente na dumating pupuntahan ko muna sa nurse station nila" tumango ako at umali na si Leah. Kumatok ako at pumasok.

"Good morning I'm Nurse Aya and I'm just going to take your vital signs, if that's okay with you" tumango naman ito at kinuha ko na ang stethoscope at sphygmomanometer.

"Kailan ba ako maoopera?" Napalingon ako sa pasyente.

'Akala ko di ito marunong magtagalog kaya nagingles ako'

"Di ko po alam Sir kasi po wala pa yung personal doctor niyo po pero pagkakaalam ko ay ngayon daw yung dating nun" paliwanag ko.

"Sige" sinunod ko naman ang temperature nito at kinuhanan ko na ito ng pulse rate at respiration rate.

"Normal ba ang lahat?" ngumiti ako.

"Okay naman po ang lahat medyo may problema lang po tayo sa blood pressure niyo po" ngumiti ako.

"Ano ba yung result sa blood pressure ko?" Tiningnan ko sa chart ang resulta.

"140/90 po" bumuntong ito ng hininga.

"Kailangan ko pala babain muna yung blood pressure ko bago ako magpaopera" tumango ako.

"Opo need po pero di naman po sobrang baba baka po kasi biglang magkaroon ng problema kapag di po bumaba yung result ng blood pressure niyo po" saad ko.

"Sige po mauuna na po ako" tumango naman ito at lumabas na ako.

Dumiretso na ako pabalik sa Nurse station at kinuha ko ang mga chart ng pasyente ko.

"Day off ba ni Aidee ngayon?" Tumango ako.

"Ikaw kailan ka magday off?" Tanong niya.

"Sa Linggo pa" magbabago kasi ang schedule ko after kong magday off. Magiging night shift ako next week at morning shift naman si Aidee. May time na sabay lang kami magday off pero ngayon ay hindi dahil isa sa mga kasama namin dito ay nakamaternal leave dahil malapit na itong manganak. Kaya kami ang humahawak ng pasyente niya. Di na ako umuuwi ng Mandaue dahil na rin sa sobrang busy ko at saka kung uuwi lang ako dun ay baka mas lalo ko lang na namimiss ang presensya niya.

Summer Break Series #1- Love Under The SummerWhere stories live. Discover now