Chapter 1

9 1 0
                                    

"Aya, gising na malalate ka na sa trabaho mo" uminat ako saka bumangon na ako at pumunta na sa banyo. Naligo na rin ako at pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo para makapagbihis ng pangpasok sa duty.

I'm working as a nurse sa University of Cebu Medical Center malapit lang ang hospital sa amin dahil nasa isang lungsod kami nakatira pero di mismong city kung di sa isang barangay. Sa tingin ko ay mga around 10 mins nandun na ako sa hospital kapag di ako naabutan ng traffic sa paliko papuntang hospital. I'm not influent to use their language dahil lumaki ako sa Maynila at tuluyan na kaming naninirahan dahil namatay ang lola ko sa sakit noong 15 years old pa lang ako. I'm currently 25 years old and NBSB or No boyfriend since birth ako dahil nakafocus ako sa trabaho at pamamahala ng hacienda na ipinamana sa akin ng mga grandparents ko.

"Morning po Ma" bati ko.

"Morning anak" naabutan ko si Mama na naghahanda ng agahan.

"Asan yung dalawa?" tanong ko.

"Nasa rancho kasama ng papa mo" tumango ako.

"Maaga silang gumising?"

"Oo nakausap sila ng papa mo bago matulog di ba nga start na ngayon ng bakasyon nila" sagot ni Mama. Oo nga pala april na pala at wala nang pasok yung mga bata sa school ngayon.

"O siya kumain ka na at dadalhin ko na ito sa rancho at wag ka nang dumaan dun baka tuluyan kang malate" tumango na lang ako at nagsimula na akong kumuha ng pagkain. Pasubo na ako ng pagkain nang nagtext sa akin si Aidee.

Aidee

Beh, mauuna ako sayo ah tumawag kasi si Nurse Paul may pasyente daw sa emergency kaya nauna ako at isa pa ay dumiretso ka na muna sa surgical ward ngayon daw kasi tanggal ng benda nung pasyente mo last week.

At ako naman ay nagreply sa kanya.

Sige beh papunta na ako kakain lang ako.

Sinend ko na at alam ko naman ay di na niya ito mababasa baka nasa emergency room na ito ngayon. Tinapos ko na ang pagkain at uminom na ako ng tubig saka ako tumayo para pumasok. Di ako umiinom ng kapeng barako dahil baka bigla akong manerbyos lalo na madalas ako ay nasa OR ako nakaduty.

***

Andito ako ngayon sa room ng isa sa mga naging pasyente ko. Inoperahan ito sa mata dahil may katarata at ako ang naging assistant nurse ni Dra. Caballero ngayon.

"Pakisundan na lang po itong ilaw na igagalaw ko po ah" tumango ang pasyente at ginawa na nga ni Dra. Caballero.

"Kamusta po?" tanong niya sa pasyente.

"Medyo maayos na rin po ang paninig ko Doc" sagot niya. Kinuha ko ang protection glassess at binigay kay Dra.

"Eto po yung protection glassess niyo po para makaiwas po sa alikabok at irritate" kinuha naman ng pasyente at sinuot na niya ito.

"Salamat po Doc" ngumiti na lang si Dra. at nagpaalam na rin kami sa pasyente.

" May operation ka today?" Tumango ako.

"Under observation pa po masyado po kasing mataas yung blood pressure ng pasyente kailangan po muna nila pababain ng konti at need pa namin intayin yung consent nung pasyente" paliwanag ko.

"O siya pumunta ka muna sa ward mo kapag nasa operating room ka na call Nurse Leah para papuntahin sa office" tumango na lang ako at nagpaalam na kay Dra.

Pagdating ko sa ward ay naabutan ko sina Aidee at Nurse Karen na nagcheck ng chart ng pasyente.

"Anong oras endorsement niyo?" Tanong ko.

Summer Break Series #1- Love Under The SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon