Mahina rin siyang natawa. "Ako rin nga, e. Halos kagigising ko lang. Nag-exercise lang ako saglit tapos naligo na ako. Kaso nauna na kumain sina Titus. Kain na lang ako sa karinderya," sabi ni Caiden.

"Aw, gusto mo bang sumama sa amin?" sabi ko at bahagyang nag-alinlangan pa.

Maganda lang 'yung mood ko kaya hindi ako nahihiya. Pero hindi ko pa rin nakalilimutan 'yung ginawa ni Caiden kahapon. Tangina talaga! Sinabihan niya ako ng cute! Tangina. . . tapos parang hindi man lang siya nahihiya sa akin!

Umiling siya. "Hindi na. Bonding muna kayong tatlo nina Ashton. See you na lang mamaya sa try-outs at sa party. Inom tayo, ah!" sabi ni Caiden at humalakhak.

Tumango ako't humalakhak din. "Ay, oo talaga. Iinom talaga ako. Ang tagal-tagal ko nang hindi nalalasing. Hindi na rin kasi nakakapag-night club," sabi ko.

"Zern! Nasa baba na raw si Ashton," sabi ni Leroy mula sa hindi kalayuan sa amin.

"Sige na, baka hinihintay na kayo ni Ashton," sabi ni Caiden habang maamong nakangiti sa akin.

"Sabay na tayo pagbaba," sabi ko.

"Kukuhanin ko pa 'yung phone ko. Naiwanan ko sa loob. Una na kayo ni Leroy," sabi ni Caiden.

Tumango-tango ako't nag-wave na lang sa kaniya bago siya tinalikuran. Bigla akong nalungkot na mag-isa siyang kakain. Kung ako lang siguro mag-isa kakain, sasama siya. Iniisip niya siguro si Ashton. At alam kong nagdahilan lang siyang may kukuhanin para hindi na sila magkaharap ni Ashton.

Hay. . . Sana maging maayos naman sila sa court kahit papaano. Ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko na nag-aaway sila. Okay na kami ni Caiden. Hindi na dapat ginagawang big deal ang nangyari.

Napangiti rin naman ako agad nang nadatnan namin si Ashton na maaliwalas ang mukha at nakatayo sa ibaba ng hagdan.

"Ang gaganda ng gising ninyong dalawa, ah? Ako kasi, ang aga ko nagising tapos gutom na gutom na ako," sabi ni Leroy kaya mahina kaming natawa ni Ashton.

"Kapag mga supporting role lang, okay lang magutom. Kapag mga main character na katulad ko, dapat priority at naga-adjust ang lahat," sabi ko.

"Sus! Porket nakita mo si Caiden. Ang landi pa ng pag-hi mo sa kaniya," nakangiwing sabi ni Leroy sa akin kaya kinunotan ko siya ng noo.

Saglit pang lumipat kay Ashton ang mga mata ko at hindi naman nagbago ang ekspresyon niya. Nakangiti pa rin siya sa amin ni Leroy. Kinabahan lang ako na baka masira mood niya dahil na-mention si Caiden.

"Minsan lang ako makatulog nang maayos. Gusto ko i-share 'yung good mood ko. Hindi ka tatablan ng paghawa ko ng good vibes dahil ikaw 'yung pang-balance ng kapangitan sa mundo," sabi ko.

Humalakhak si Ashton kaya natawa na rin ako habang si Leroy ay iritable dahil nagugutom na. Mas masarap tuloy siyang asarin dahil pikon siya at the moment.

"Tangina mo, Zern Josh Villarama. Isa kang bading. Bading na malandi. Enjoy-in mo 'yang good vibes mo dito sa lupa, dahil wala niyan sa impyerno," sabi ni Leroy.

Napatakip ako sa bibig ko sa pagkagulat 'saka humalakhak. "Tangina mo naman! Bwisit ka. Bawal ba akong maging masaya?" sabi ko at mahina siyang hinampas sa braso.

Nginiwian niya ako't pinagpag ang nadikitan ko sa kaniya. "Don't touch me. 'Saka ninyo na ako kausapin kapag nakakain na ako. Gutom na ako, putangina ninyong dalawa at lahat ng nasa university na 'to," sabi ni Leroy.

Tawang-tawa kami ni Ashton pero hindi na kami nagbagal dahil baka manakal na 'to si Leroy.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now