Lutang akong tumango at pumasok na sa kwartong tinuro ni Tita. Tinanggal ko sandals ko at binagsak ang katawan sa kama. Hindi ko makalimutan ang moment ng dalawa.

Namumula si Rei may gusto ba siya kay Aiden? Akala ko ba…nevermind.

Umiling na lamang ako. Pipikit na sana ako ng may nagbukas ng pinto. Umupo ako ng maayos at tiningnan kung sino dumating. Uminit ang dugo ko ng makita ang lalake.

Tapos na ba sila maglambingan ni Rei?

"What are you doing here?"

"Sabi ni Tita dito daw ako matulog at choosy kapa nagkatabi na din naman tayo dati." Biro niya sa'kin.

Huwag kang magbiro ng ganiyan nainis pa din ako sa'yo. Ang landi talaga.

"Dati iyon, if dito ka matutulog sa sahig ka kung ayaw mo, doon ka na lang tumabi sa baby Rei mo." Hindi ko mapigilang sabihin.

Nanlaki mata ko ng masabi ko iyon. Humiga na lamang ako at nagtaklob ng unan. Namumula ako dahil sa sinabi ko. Sige selos pa napaghahalataan ka na.

Narinig ko ang pagtawa ng lalake. "Nagseselos kaba?"

"H-Hindi, bakit ako magseselos? wala na din naman tayo, magkaibigan na tayo ah. Hindi na pati kita mahal. Ayos lang na makipaglandian ka hindi naman ako nagseselos. Gusto mo ako pa magpakasal sa inyong dalawa eh. Bakit ako magseselos? Hindi na naman kita mahal, I don't love you anymore." Deretsyahang sabi ko habang hindi siya tinitingnan nakataklob pa din ang aking mukha.

Hindi siya makaimik ng ilang segundo. "Alam ko naman na hindi na ako. Bakit kailangan mo pang sabihin? Ang tigas mo hindi na ikaw ang babaeng minahal ko noon. Ibang-iba kana."

Dahil sa sinabi niya, tumulo ang luha ko ang sakit nakakaguilty mahal ko siya pero grabi na pala ako, mahal na'min isa't isa pero sapat na ito. Sapat na nakikita ko siya, ayaw ko talaga pumasok sa mundo niya.

"I changed because of you, you changed me, my heart is broken, until now I still haven't forgotten what you did, you are the reason why I changed."  I said coldly, but the pain is deep inside.

He didn't say anything anymore, I just felt him take a pillow and a bed sheet.

For several hours I couldn't sleep from crying, I adjusted my bed and glanced at him.  Because of my guilt, I sat on the bed, took the blanket and covered him.  He was obviously cold.

"I'm sorry, I'm sorry because I'm being hard on you, I don't want to, even though I love you, I don't want to enter your world, I don't want to get hurt, it's scary, it's tiring, maybe in the end I'll get hurt again because of you, maybe in the end pillin mo ulit ang iba instead of me."  I whispered.

I know he didn't hear it because he was obviously fast asleep.

Humiga na ako at pinikit ang aking mga mata. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa'kin.

Kinusot ko muna mga mata ko at tiningnan kong tulog pa si Aiden nakita kong wala na siya.

Napatiplag ako ng may biglang pumasok sa kwarto akala ko si Aiden pero si Tita pala.

"Iyong kasama mong lalake nakila Rei, natulong sa pagtitinda sikat iyon hindi ba? Buti na lang at hindi nakikilala ng mga tao dito." Sabi ni Tita. "Anong nangyari sa'yo, namumugto mga mata mo? Naalala mo pa ba si Rona?"

"Hindi po tita." Sagot ko kay Tita.

Lumunok ako. "Tita iyong ex ko po alam mo ba po mukha niya?"

"Hindi hija, pero apelyido oo. Montero ba siya hindi ba? Pinsan ba iyon ni Felix?"

Umiling ako. "No, kasi Tita si Aiden." Napatigil ako.

"Ano?!"

"Siya po iyong sinasabi ni Rona, siya iyong lalakeng minahal ko noon pero sinaktan lang ako. Ang tigas tigas ko sa kanya. Nasaktan ko siya I felt guilty."

"Hija, just give him a chance."

"Mahal ko siya Tita pero paano kung iba na naman piliin niya imbes na ako?"

"Give him a chance hija, bakit hindi mo subukan? Malay mo ikaw naman piliin niya, hindi ka naman talaga masasaktan if hindi mo siya minahal, syempre mahal mo iyon masasaktan ka talaga."

Hindi ako makaimik sa sinabi ni Tita, Should I give him a chance? Hindi ko na alam.

"O'hala mag almusal ka muna ito kape para sumigla ka naman."

Tinanggap ko ang baso at tulalang ininom ito,

Pagkatapos ko uminom naligo muna ako bago lumabas. Nasa tapat lamang ng bahay nila Rei ang bahay nila Leon. Nakita ko si Tisoy na nakikipaglaro na sa kaniyang Lolo. Napakunot ang noo ko dahil madaming tao sa shop nila Rei.

Tama nga si Tita akala ko ba walang nakakakilala sa lalakeng ito? Mabilis akong lumapit doon ng makita niya akong papalapit sa shop.

Kumaway ang lalake. "Baby Girl!"

Napapikit ako ng tumigil kakasigaw ang mga nabili at tumingin sa likod nila kung nasaan ako. Narinig ko na nagbulungan sila.

Jusko! Mapapahamak ako sa lalakeng ito. Akala ko ba galit siya sakin dahil sa sinabi ko kagabi?

Pumasok ako sa bahay nila Rei. Nakita ko sila Tita na abala sa pagb-bake ng tinapay ng makita nila ako bumati sila.

"Yim hija, sa wakas nagising kana ang kulit ng batang iyon, gusto niya daw tumulong hindi niya ba alam na delikado iyon sa kanya, Ayan tuloy." Saad ng Ina ni Rei.

"Where's Rei Auntie?"

"Nagdedeliver hija," Hindi na ako sumagot at pumasok na sa counter hinila ko ang lalake at masama siyang tiningnan.

"Are you crazy?" Inis kong sabi sa kanya.

Inosente niya lamang akong tiningnan. "What? I'm not."

"Hindi mo ba alam na ikakapahamak mo ito, idadamay mo pa ako. Sabi ko sa'yo hindi ba? ayaw ko pumasok sa mundo mo."

"Baby girl," Malambing na aniya.

"Don't call me baby girl, Aiden naman hindi mo ba naisip iyon paano kung may mga media? Sikat ka Aiden tandaan mo." Sigaw ko sa kanya.

Napatingin sila Tita sa'min pero wala akong pakialam.

Natahimik siya. "Please Aiden. Huwag mo ako ipasok sa buhay mo. Ayaw ko maissue ng dahil sa'yo."

Mabilis ko siyang tinalikuran. Sakto naman ang pagpasok ni Rei taka siyang tumingin sa'min dalawa. "Anyari?"

"Bakit madaming tao?" Dagdag na tanong niya.

"Tanong mo sa kaibigan mo." Nilampasan ko ang babae at nagderetsyong lumabas wala akong pakialam if madaming nakatingin sa'kin.

Tumulong na lamang ako sa gawaing bahay, I'm still mad.

"Tita where are you going?"

"Mamimili sa palengke hija,"

"Pwede bang sumama, Tita?"

Trials Of FateWhere stories live. Discover now