Pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo ko sakto namang pumasok si Naomi, nakangiti ito sa'kin. "Good morning sunshine! Kamusta tulog?"

"I'm okay anong nangyari kagabi? I forget."

Tumawa siya sa tanong ko, "You don't know? Hahahaha, Yim bigla mo na lamang tinulak si Felix sa pool."

"What I did that?" Sigaw ko. "And where's Trey?"

"Pinuntahan siya ni Zoey dito. Mga madaling araw daw matapos shoot nila. Tulog ka noon. Grabi bulungan kagabi, bakit mo ba tinulak si Aiden?" She asked seriously.

Narinig ko ang pagtawag niya. "Yim, where are you going?"

Hindi ko pinansin sigaw niya at patuloy pa din sa paglalakad.

"Miss President. Hey, saan ka pupunta?"

"Ano bang pakialam mo? Huwag mo akong sundan baka maissue tayo." Inis na sabi ko sa kanya.

Papasok na sana ako sa elevator ng hinigit niya ang aking braso at kinorner.

Lumunok ako ng sumeryoso mukha niya. Malapit na mukha niya sa mukha ko. Kunting lapit lang niya mahahalikan niya na ako. "Tandaan mo Yim, kahit magmatigas ka sa'kin pa din bagsak mo. Hindi ako susuko magiging akin ka din. Maibabalik ko din ang dating tayo."

Inis ko siyang tinulak, madaming nakatingin sa'min pero hindi ko pinansin. "Hindi na maibabalik ang nakaraan na'tin Aiden, sinayang mo lahat at ayaw kong pumasok sa mundo mo. Sa ilang taong nakalipas nakalimutan na kita, hindi na kita mahal."

Iniwan ko siyang nakatulala. Alam kong hindi totoo sinabi ko sa kanya mahal ko siya pero ayaw ko ng pumasok sa mundo niya.

Sumandal ako at pinikit ang aking mga mata, nararamdaman ko pagkirot ng puso ko.

It's a lie, nagsinungaling ako sa kanya na hindi ko na siya mahal. Ang totoo mahal ko pa siya pero ayaw ko ng pumasok sa mundo niya. Sikat na siya natatakot ako.

Mabilis akong nakarating sa sementeryo pinuntahan ko ang puntod ni Rona. Umupo ako sa tabi niya at naglagay ng bulaklak.

Nginitian ko siya. "Hello bes, Long time no see. Sorry ilang years akong hindi nakadalaw sa'yo naiintindihan mo naman ako hindi ba?"

Naramdaman ko ang paglakad ng hangin, ramdan ko na may yumayakap sa'kin. Pinigilan ko na huwag umiyak. "Tinatanong mo ba kung kamusta ako? If I'm okay? Hindi eh."

The tears I was holding back suddenly spilled, I bent down and hugged myself.  "It's not because you're not there, I'm not okay because I saw the man who hurt me, the man I loved so much but he wasted it, when I needed him he chose that woman. Bes I'm still hurt, maybe I loved him too much  my love. When you disappeared I missed you so much, every time I was hurt I looked for you. The one I was looking for was no longer by my side, you left me. I don't know if the suspect has been found. sana mabulok siya sa kulungan. Bes, kamusta ka diyan? Ayos ka lang ba? Oo nga pala bibisitahin ko anak mo. Siguro ang gwapo ng batang iyon kay ganda naman ng Ina."

Walang tigil ang pag agos ng luha ko. "Bes, miss na kita. Miss ko na mga yakap mo, nasasaktan pa din ako sa pagkawala mo. Sobrang sakit, ang daming nawala sa buhay ko sinaktan pa ako ng lalakeng mahal ko."

I wiped my tears, I was about to stand up when I felt a presence behind me.  I turned to see Aiden's serious face.

Blanko ko siyang tiningnan. "What are you doing here?"

"Sasama ako." Seryosong sagot niya.

"What?!"

"I said, sasama ako pupunta kang Mindoro, right?" He asked seriously.

Umirap ako. "Yes and ayaw kong makasama ka."

"Yi-"

I cut him off. "Stop."

"Mahal pa din kita." Pag amin niya.

Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Hindi na kita mahal, tama na Aiden may anak kana. diba sabi ko sa'yo ayaw ko ng pumasok sa mundo mo, hindi na kita mahal!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik, iimik na sana ako ng bigla na lang umulan. Nakatayo pa din ako habang nagtitigan sa kanya. "Sa tingin mo ba babalikan kita? Pagkatapos mo akong saktan noon, pagkatapos mo siyang piliin imbes na sakin. Sino ba girlfriend mo noon ako ba o siya?"

Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. "Sorry." Yumuko siya.

Ngayon nakikita ko sa harapan ko ang pag iyak ng lalakeng mahal ko. "Ang sakit kasi eh, ako iyong girlfriend pero mas pinili mo pa babaeng iyon, hindi pa ako nakakarecover sa pagkamatay ni Rona, tapos Ikaw sasaktan ako."

Hindi siya nakaimik naririnig ko na lamang ang kaniyang pag hikbi sa harapan ko. Patuloy ang paglakas ng ulan. Napabuntong hininga ako at nilampasan na siya. Lumingon ako sa kanya hindi pa din siya naalis sa kinatatayuan niya nag alala ako kaya nag madali akong lumapit sa kanya at hinila siya.

Tulala lamang siyang nakatingin sa'kin. Napatingin ako sa sasakyan niya. Pumasok kami doon. "Anong pinaggagawa mo? Ha? At bakit mo ako sinusundan? Sa tingin mo ba mababalik pa tayo sa dati? Ayaw ko na, ayaw ko ng pumasok sa mundo mo."

"Yim, alam ko na babalik pa tayo sa dati kung handa ka lamang intindihin sasabihin ko sa'yo." Seryosong sabi niya.

Patuloy pa din ang pag ulan kaya malamang gagabihin ako papuntang mindoro.

"Intindihin? Ano? Anong ieexplain mo sa'kin? Tapos na iyon eh, nakamove-on na ako."

"Ikaw nakamove-on, pwes ako hindi! Mahal pa din kita e," Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata ng sinabi niya iyon. "Ngayong nagpakita ka ulit sa'kin hindi ako susuko kakahabol sa'yo hanggang sa mapatawad mo ako."

Trials Of FateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz