"I told you to stop talking about her" Sabi niya, super curious talaga ako

"I suppose you won't quit until I've answered every one of your questions, will you?" sabi niya kaya napapalakpak naman ako sa narinig ko

"Avianna and I really have a complicated relationship. She always tends to make everything a competition, while I'm just trying to focus on building my life. Every time I'm close to building something good, she's always there to ruin it." Sabi niya at nagtataray nanaman

"Then one time, she stole everything from me, even the most important part of my life was mostly gone. Till now, I'm still trying to fix her mess." Sabi niya at makikita mo talaga ang lungkot sa kanyang mga kulay asul na mata. "Until then, I haven't forgiven her, and I never will. I don't need her in my life." Sabi niya ng may pagsisigurado sa mata. Kinabahan naman ako sa pinupukaw niyang tingin, her eyes literally hold so much emotions, pano pa kaya ang puso niya.

"How about you and your siblings?" Pagbabalik tanong niya sa akin, ay wow getting to know each other pala to, di niyo naman ako ininform ma'am

"Well, typical lang naman yong closeness namin ng mga kapatid ko, I really do tried na hindi maleft out but sometimes hindi talaga siya maiiwasan especially na adopted lang naman po ako" Sabi ko dito na ikinagulat niya.

"When did you found out that you're adopted?" Tanong niya sa akin 

"Matagal na po eh, I forgot but I was reminded lang ulit recently " Sabi ko dito habang nakangiti para di niya maisip na nasasad ako pag nalalaman ko na adopted ako.

"But are you okay with your parents?" Tanong niyang muli ngunit tumango lang ako dito

Nagulat ako sa paglapit niya sa akin at hawak sa gilid ng labi ko, A-Anong ginagawa niya?

"You've got a bit of steak sauce on the corner of your lip there." Sabi niya ng seryoso at sabay tingin sa akin ngunit napalitan naman ito ng ngisi ng makita niya ang reaksyon ko.

"Your cuteness never changed Zephyra, why must you always be so irresistibly cute?" Sabi niya habang natatawa tawa pa, binato ko naman ito ng tissue sa mukha pero natatawa tawa pa din siya.

"By the way, I was trying to contact you since last week but I always failed to reach you" Sabi niya sakin pero napakamot lang ako ng ulo ng maalala na wala pa nga pala sa akin ang cellphone ko.

"Ah sira po kasi yong charger ng cellphone ko" Sabi ko dito na nagpakunot naman ng noo niya.

"Why are you telling me that now, my gosh" Sabi niya na para bang problemadong problemado sa buhay. 

"Hindi naman po kayo nagtatanong" Sabi ko dito ng may katotohanan, totoo naman kasi di siya nagtatanong alangan bigla ko sabihin "sira po cellphone ko" mamaya sabihin niya "So what?" oh edi ako pa napahiya

"Come let's go" Sabi niya sa akin habang nagsisimula na siya mag ayos ng mga gamit niya, tumayo naman siya at inilaan ang kamay niya para tumayo ako. Tinanggap ko naman ito ngunit hindi na niya ito ulit binitawan.

Lumabas kami ng restaurant habang naglalakad ng magkahawak ang kamay. Maya maya lang eh bigla niyang inintertwined yong kamay namin, dahilan ng paglambot ng aking mga tuhod. Grabe naman magpakilig tong babaeng to.

"Why you walk so weird?" Pag pupuna naman niya, kanina pa to namumuna ah. Di na lang kasi maglakad ng sarili niya. 

"Kasalanan niyo to" Bulong ko na ikinakunot naman ng noo niya

"What are you whispering about?" Tanong niya sa akin ngunit iniwas ko lang naman ang tingin dito.



"Ala wag na po" Sabi ko dito, andito lang naman kami sa cashier ng bilihan ng cellphone, pero don pa talaga sa mamahalin. Apple store daw, akala ko naman bibili lang ng mansanas, yon pala eh literal na Iphone na.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now