Chapter 15

18 4 0
                                    

The week passed and it's finally Khali's birthday. Pumayag siya na magkaroon ng simple celebration so we're here at their home.

"Tita and tito, thanks for coming." nakangiting sabi niya kila mommy pagpasok namin sa loob. Marami nang tao sa loob, probably Khali's blockmates and friends na nag-iinom na sa mga table nila, there's also a long table for food.

"Happy birthday, Khali." nakangiti rin na bati ko tsaka siya niyakap. Ramdam ko ang pagstiff ng katawan niya siguro dahil sa gulat.

"Thanks, babe. You're the best gift ever." he said tsaka ako hinalikan sa noo. Rinig ko yung mga kantyaw sa paligid namin.

"Kunwari cold person sa univ, soft boi naman pala!" natatawang sigaw nung isa na tingin ko blockmate nya.

"Sagutin mo na 'yan, Eu. Para naman lumambot na ang kanyang matigas na -" sinamaan ni Khali ng tingin si Phyton kaya di nya natuloy sinasabi nya.

"Puso kasi yun pre, puso." Natatawang sabi ni Phyton.

"Sanaol matigas! Pahawak nga ng- Aray!" Sigaw naman ni Zinc nang batuhin sya ng unan. Nagtawanan kaming lahat.

"Puntahan ko lang si Khaia." Sabi ko kay Khali na ngayon ay kausap na yung mga kaibigan nya.

"She's in her room. Visit mine later?" bulong nya sa tenga ko at naramdaman ko ang pagdikit ng labi nya rito. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente sa katawan ko.

"Hoy ano 'yan bold, kung bold yan di ako interesado!" sabi ni Nero.

"Gago!" sagot ni Khali. Umalis naman ako para akyatin si Khaia sa kwarto nya.

"Hi, girl! Bakit nandito ka, nasa baba yung bebe boy mo ah." mapang asar na sabi niya nang pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at naupo sa kama nya.

"He's with his friends. Ikaw bakit ka nandito?"

"Ah wala, kasama ba sa friends niya sa Phyton?" alinlangang tanong ko.

"Yes, why?" takang tanong ko. Pero napalitan yun ng ngiti nang may narealize ako.

"Why are you smiling? Wala yun 'no! Just curious." depensa nya agad. Natawa naman ako.

"Sure, sabi mo eh."

"So, kailan mo balak sagutin si Kuya?" pag iiba nya ng usapan. Napaisip naman ako. Hindi ko naman balak patagalin yung pangliligaw ni Khali. Gusto ko lang maprove na seryoso sya sa'kin kaya ko sinuggest yung ligaw. And he didn't disappoint me, because since then, he has been very sweet towards me, and I can feel how serious he is. From his words of affirmation, act of service na talagang ramdam ko na inuuna niya ako, up to making me feel his love through efforts. It feels like I'm full of love, but I know it doesn't end there.

"I've been thinking about it. Wait lang ha, I'll go talk to Khali." Paalam ko sa kanya tsaka lumabas. Narinig ko naman siyang sumigaw ng 'go girl!' kaya natawa ako. Pagbaba ko lumapit ako sa table nila Khali, mukhang naglalaro sila ng Simon says.

"Uy pre, hanap ka na agad ng bebe mo." natatawang sabi ni Nero.

"Euri, sagutin mo na raw siya. Para naman mabakuran ka na at tigilan na kami sa kakautos na bantayan umaaligi- shit ka pare." natatawa rin na sabi ni Phyton nang hampasin siya ng unan ni Khali.

"Can we talk? In your room?" kinakabahang tanong ko kay Khali, inabot nya sa'kin yung kamay nya kaya hinawakan ko, hinila niya naman ako paupo sa hita nya tsaka sya yumakap at siniksik yung mukha niya sa leeg ko. Lalo akong kinabahan nang nagkantyawan yung mga kaibigan niya. Lasing na ba 'to?

"Pre usap daw kayo sa kwarto mo. Promise usap lang?" natatawang sabi nung isa na di ko kilala.

"Khali ano ba." nahihiya na ako dahil pinapatakan na niya ng halik yung leeg ko. Nakikiliti ako at nararamdaman kong nabubuhay yung mga tutubi sa tyan ko.

"Hoy Khali turn mo na, ano di ka na maglalaro?" umangat yung mukha niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ano?" Parang naiinis na sabi niya.

"Simon says, call the last person you kissed." basa ni Zinc sa card na nabunot nya. Nilabas naman ni Khali yung phone nya tsaka may pinindot. Nagsigawan na naman yung mga kaibigan nya nang nagring yung phone ko.

"Tumigil nga kayo, excuse us muna." natatawang sabi ko tsaka hinila si Khali paalis.

"Kahit wag ka na bumalik pre!" sigaw ni Phyton kaya napailing ako. Pinagsilop ni Khali yung kamay namin at nang marating namin yung labas ng kwarto niya, tsaka ako kinabahan. Ngayon pa talaga ako kinabahan kung kailan nandito na?

Pagkapasok namin sa loob, sinandal niya ako sa pader at akmang hahalikan ako pero huminto siya tsaka iniangat ang mukha para sa noo ako mahalikan.

"Fuck, I wanna kiss you so bad, babe." bulong niya kaya nagwala na naman yung sistema ng katawan ko na parang gusto na rin maramdaman yung halik niya.

"Khali." Pagtawag ko sa kanya tsaka hinawakan yung mukha niya para maharap ko sakin.

"Damn, you look beautiful." nakangiting sabi niya habang nakatitig sakin kaya kinilig naman ako.

"Uh, thanks? But I wanna give you your gift." nakangiti rin na sabi ko sa kanya.

"What is it?" sabi niya habang nilalagay sa likod ng tainga ko yung mga takas na buhok sa mukha ko.

"Stop courting me." sabi ko na ikinagulat niya. Napabitaw siya sa akin tsaka taka akong tinignan.

"H-Huh why, I thought... fuck, that's your gift to me? Are you serious?" tila nahimasmasan siya at nawala yung kalasingan sa sistema niya. He walked towards his single sofa and sat while running his fingers on his hair. Hala ayaw ba niya ng gift ko?

"Wait, ano ba akala mo kaya kita pinapatigil manligaw?" I sat infront of him while kneeling on the floor. Magdarasal tayo. Charot.

"Because you don't want me anymore?" I can see sadness in his eyes. Imbis na maawa ay natawa ako. Lalo siyang nagtaka.

"What's funny? I can't believe you, babe. It's my birthday, why do you have to gift me that? Are my efforts not enough?"

"No, I didn't mean that. It's because..." shit, ang hirap pala sabihin. Parang nakikipagkarera yung puso ko sa bilis ng tibok nito.

"What? I thought you love me." he said while touching my cheeks.

"I do, I love you Khali." Nakangiting sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. He paused as if his body stiffened. Ano ba 'to bakit ba laging naninigas katawan nito. Naol naninigas.

"Y-You do? Can you say it again, babe?" di makapaniwalang sabi nya habang natatawa sa tuwa.

"I love you, Khali. And you are mine now." sabi ko tsaka siya hinalikan sa labi.

Rekindling MemoriesWhere stories live. Discover now