Chapter 8

44 4 2
                                    


After what happened sa condo, Khali has been acting friendly with me. god, what is wrong with him?

"Ms. Ignacio, give the journal entry for the transaction on September 16." sabi ng prof kaya bumalik ako sa wisyo.

"Debit Accounts Payable 10,000 and Credit Cash 10,000." Sagot ko tsaka umupo.

"Lalim ng iniisip mo te, okay ka lang?" Khaia asked.

"Oo, don't worry." di naman na sya nagtanong kaya nakinig nalang ako sa prof.

"That's all for today. Class dismiss." Sabi ng prof kaya nagtayuan na kaming lahat. Paglabas ng pinto bigla akong siniko ni Khaia. Paglingon ko nakita ko si Khali na nakasandal sa gilid ng pinto. Nang makita ako, lumapit naman sya agad.

"Come with me." seryoso nyang sabi habang nakatitig sakin.

"Ayaw." agad na sagot ko tsaka sya nilagpasan. Hinila naman nya yung braso ko.

"Kahit 30 minutes lang." pagpipilit nya. Ano na naman ba trip nito?

"Sabihin mo muna please master." pangttrip ko rin.

"What?" kunot noong tanong nya. I shrugged.

"My time is precious para magsayang ako ng trenta minutos kasama ka Khali." mataray na sagot ko naman.

"Magkano ba ang thirty minutes mo?" tanong nya na ikinatawa ko.

"Ten thousand." pagsasakay ko sa kanya.

"Deal." sabi nya tsaka ako hinila palakad. Gago pumayag nga???

Pumunta kaming parking lot tsaka sumakay sa sasakyan nya.

"Where are you taking me ba?" I've been asking kung saan nya ako dadalhin pero nginingitian nya lang ako.

"Yung totoo Khali nakashabu ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Di sya makapaniwalang tumingin sakin tsaka tumawa. Sexy pa rin tumawa.

"Just sit back and relax, Eu. You'll like it there."

"Bakit ba ako yung sinama mo?" inis na tanong ko.

"Sino ba dapat ang sinama ko?" tanong din nya.

"Dunno. Melissa?" kibit balikat na tanong ko. Natawa naman sya. Gago iba na 'to, daig pa nakahithit ng bato.

"Why will I bring her with me? She's not my girlfriend."

"I'm not your girlfriend either."

"I don't know about that." nakangiting baling nya sakin. Napakunot naman ang noo ko.

"Stop gagoing me Khali." mataray na sagot ko.

"What's gagoing?" Tanong nya pero di ko na sinagot.  Pumikit nalang ako para umidlip. Nagising ako nalang ako nang may kumalabit sakin.

"Euri, we're here." Sabi ni Khali kaya napatingin ako sa labas. Lumabas kami ng sasakyan at tsaka ko lang nakita kung nasaan kami. Nostalgia hit me. Several memories and emotions woke up from their slumber.

"You remember?" malungkot ang matang tanong nya. Tumango naman ako habang naluluha.

-

"San ba tayo pupunta, Khali? Maggagabi na oh." makulit na tanong ko kasi hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. He's been driving for about an hour na.

"Don't worry, babe. You'll like it there. So, trust me okay." sabi nya tsaka hinalikan yung likod ng kamay kong hawak nya.

After ilang minutes, the car stopped. Lumabas sya ng sasakyan tsaka ako pinagbuksan. Bumaba naman ako at nilibot ang paningin.

"Oh my gosh, this place is so beautiful!" natutuwang sabi ko tsaka tumakbo palapit sa dulo ng bangin na may railings. I can see the city from here! I'm in awe of how beautiful it is to see, lalo na dumagdag pa yung araw na papalubog na. What a nice scenery. Naramdaman ko naman na yumakap si Khali mula sa likod ko.

"You like it?" he asked. Nakangiting tumango naman ako.

"I love it! I can't believe such place exists!" natutuwang sabi ko tsaka sya hinarap para yakapin din. Nagkatitigan kami, inalis naman nya yung buhok kong nakatakip sa mukha ko dahil sa lakas ng hangin.

"This is a private park that my dad's friend owns. Pwedeng bumisita at tumambay dito ang kahit na sino, but iilan lang ang pumupunta since you cannot go here without a car. And for today, I asked dad's friend to keep this close for us." nakangiting sabi nya tsaka ako hinalikan sa noo. Napapikit naman ako. Gosh, Khali and his way of making me feel special. Hindi ko napigilang kiligin.

"Thank you, Khali! My heart is so full because of you." I said and kissed him once on his lips.

"Anything for you, babe. I love you." sabi nya tsaka ako niyakap nang mahigpit at binuhat para iikot. Napatili naman ako.

"Omg, Khali! Stop baka matumba tayo!" Natatawang sabi ko tsaka pumiglas para makababa at tumakbo. Hinabol naman nya ako.

"Gotcha." sabi nya pagkahuli sakin tsaka ako niyakap ulit. Tawa naman kami nang tawa hanggang mapahiga kami sa bermuda grass. Nilingon ko naman sya.

"Thanks for making me happy, Euri." Nakangiting sabi nya sakin tsaka tumingala para panoorin ang pagdilim ng langit.

"Thanks for loving me." sagot ko.

-

Xoxo, lilyxrei.

Rekindling MemoriesWhere stories live. Discover now