Chapter 7

29 5 0
                                    


It's been a week since the party. Madalas kami magkita ni Khali sa school but we didn't talk. Okay na rin yun, I don't know how to talk to him again after our conversation last time. Maybe it's best for us to just ignore each other.

"Anak, I think this bed looks cute. Right, dad?" mom said tsaka tinuro yung nagustuhan nyang kama. We are shopping right now for my condo. Napakiusapan ko sila na I will live on my own from now on for a change of pace, ayaw nila nung una but I insisted.

"Yeah, I'll get it mom." saad ko.

When we finished shopping, naglakad lakad kami para maghanap ng restaurant na makakainan.

"Is that Khali?" dad asked kaya napalingon ako sa tinignan nya. There I saw Khali coming out of Melissa's boutique. Di sila magjowa nyan ah?

"Hi, Khali!" nabigla ako nang sumigaw si mom kaya napalingon sa kanya si Khali. Chang gala kakasabi ko lang na mas better if di kami magpapansinan ito na agad? Pinagttripan mo ba ako Papa G?

"Hi tita, tito. How are you doing?" he asked with a smile on his face. Hindi sya lumingon sakin. Pake ko naman.

"We're good. Actually, we're gonna have a lunch sama ka na samin." anyaya ni mom siniko ko naman sya kaya napatingin sakin si Khali pero agad syang nag iwas ng tingin.

"I would like to but I have a business to attend, tita." sus nagdahilan pa, halata namang umiiwas lang sya.

"Oh, that's sad. Euri anak, you will have a simple party in your condo this weekend right? Why don't you invite Khali?" nakangiting baling sakin ni mom. Chang gala party na naman, ano part 2?

"I think he's busy, mom. Lalo na he's graduating." nakangiti rin na sabi ko. Napasulyap naman ako kay Khali na kunot-noong nakatingin sakin. Ano? Uso makiramdam uy.

"No tita, I'll go. Thanks for the invitation. Anyway, I gotta go. See ya." paalam nya tsaka umalis. Nalabas ko naman yung bungasot sa mukha ko.

"Mom! Why did you invite him?" Inis na maktol ko. Natawa naman si dad.

"I thought you'll be happy to be with your ex-lover." nang-aasar nyang sabi kaya lalo akong nabwisit.

Days passed and it's already Sunday. Ang bilis talaga lumipas ng araw lalo pag minamanifest mong di na dumating yung araw na 'to. I'll have a simple celebration since it's my first day of staying here sa condo ko. Konti lang naman kami, I invited Khaia, and she invited Phyton and his friends. Ayos lang naman sakin since we're acquaintances.

"Girl, I think they're here na." saad ko nang may kumatok sa pinto. Pinuntahan naman ni Khaia tsaka pumasok sila Zinc.

"Hi, Euri! Happy independence day!" nakangiting sabi ni Zinc, natawa naman ako. Gago talaga. Nagsiupuan naman sila sa sofa.

"Hi guys, thanks for coming. We have plenty of food and drinks so suit yourselves." nakangiting sabi ko.

"Let's wait for Khali muna, para sabay sabay na tayo kumain." dinig kong sabi ni Nero, nilingon ko naman sya. Nakatingin sya sakin habang tinataas baba yung kilay nya. Trip nito?

"Where's kuya na ba? Pa-VIP masyado ha." tanong ni Khaia.

"Papunta na yun, may dinaanan lang." sabat naman ni Phyton na nakaupo sa tabi nya. Kaya si gaga di magkandaugaga. Bars. Eme.

We waited for almost 10 minutes bago may kumatok sa pinto. Ako na yung nagbukas since busy yung iba maglaro ng video game.

"You're late, the food is getting cold." mataray na sabi ko tsaka sya tinalikuran para pumasok. Di naman sya nagsalita at sumunod lang sakin.

Nagkuhaan na kami ng pagkain. I ordered pasta, chicken wings, pizza, and other more since hassle kung magluluto. After kumain, nagkayayaan na maglaro.

"Guys, laro naman tayo. Di ba kayo nabbored?" Aya ni Zinc.

"Ano naman lalaruin natin? Bahay-bahayan?" Natatawang sabi naman ni Phyton.

"Pwede, si Euri yung anak tapos tatay si Khali tutal parang guardian naman sya ni Euri." Sagot ni Nero.

"Siraulo." Saad ni Khali tsaka tumingin sakin. Nagtama ang paningin namin kaya umiwas agad ako.

"Mag spin the bottle nalang tayo. Then laro tayo popsicle game para may twist." Singit ni Khaia. Pinaliwanag naman nya kung pano.

So since anim kami, anim na popsicle sticks din gagamitin. Then magsusulat ng number sa stick from 1-6, ilalagay din kung -> or <-, meaning ganyan yung way ng magiging bilang. Pinagsulat nya rin kami sa maliit na papel ng dares na pagbubunutan namin. Kapag hindi raw gagawin ang dare, sshot ng tequila, puro. Meron ka bang lemon gusto ko tequila. Charot.

Pumwesto na kami sa lapag, since nakashorts ako nahirapan pa ako umupo. May naghagis naman ng jacket sa lap ko, nang i-angat ko ang tingin ko, nakita ko si Khali na naglalakad papunta sa pwesto nya, sa harap ko.

"Naks, dyan talaga pumwesto para mabantayan si Euri. Tatay na tatay ang dating." Natatawang sabi ni Nero. Sinamaan naman sya ng tingin ni Khali.

Nagstart na yung laro. Pagkaspin ng bote, kay Phyton tumapat kaya kumuha sya ng stick tsaka ng papel para sa dare.

"Anong nakalagay?" Tanong ni Khaia.

"Maglive raw ako sa facebook, tapos sumayaw ako habang nagttwerk. Tang ina, sino nagsulat nito hahampasin ko ng dos por dos." Sambit nya kaya nagtawanan kaming lahat. Ginawa naman nya kaya naghiyawan kami.

"Gago kayo, pag kayo naaksidente tapos ako magiging doctor nyo pagttwerkin ko muna kayo bago kayo gamutin." Inis na sabi nya kaya natawa kami lalo.

Tuloy tuloy lang yung laro, di na kami matigil kakatawa sa mga pinaggagawa nila na dare. After ng ilang spin, sakin naman natapat. Kumuha ako ng stick, 3 -> ang nakalagay. Shit, bakit si Khali pa. Kung minamalas nga naman. Bumunot ako ng dare at  para akong nilamon ng lupa sa nakasulat.

"Is this real." Kinakabahang sabi ko.

"Bakit anong nakasulat?" Sinilip ni Khaia yung papel ko kasi sya yung katabi ko.

"Hala, omg! Ako nagsulat nyan!" Natatawang sabi nya na parang naeexcite dahil "Smack kiss sa lips" ang nakasulat sa papel.

Tumingin ako kay Khali. Gagawin ko ba? Umangat naman ang isang kilay nya habang nakatingin sakin.

Nagdalawang isip pa ako bago ako kumuha ng isang shot ng tequila at ininom ito. Shit ang pait. Masuka suka akong tumakbo papuntang kusina para magmumog sa lababo. Naririnig ko naman ang tawa ni Khaia.

"Duga mo naman, Eu! Dapat ginawa mo sayang tuloy dare ko, kiss lang naman hays." Kunwaring nagtatampong sabi ni Khaia pagbalik ko.

"Sino ba natapat sa number na napili mo?" Tanong ni Zinc.

"Si Khali." Sagot ko kaya naghiyawan sila. Nang bumaling ako kay Khali nakatingin sya sa labi ko. Ano, kala mo, kikiss kita? Baka gusto mo, sumabog nguso mo.

"Oh, bakit hindi mo kiniss? Tatay mo naman yan." Natatawang sabi ni Zinc. binatukan naman sya ni Khali.

"Ayoko kasi ng smack kiss lang, gusto ko yung deep, french kiss ganon." Biro ko tsaka tinignan si Khali. Ngumisi sya tsaka kinagat yung pambabang labi nya. Ang hot, pwede pa ba gawin yung dare? Naghiyawan naman sila.

Halos 10 pm na natapos yung laro, nagyaya naman na silang umuwi. Nagliligpit ako ng kalat ng may kumatok sa pinto. Sa pag-iisip na baka may niwan lang sila, binuksan ko. Pero si Khali ang bumungad sakin.

"You forgot something?" takang tanong ko.

"Yeah, this." sabi nya at umisang hakbang papasok tsaka hinapit ang bewang ko padikit sa kanya. Nagulat ako nang ilapat nya ang labi nya sakin. Mabilis lang yun, pagkatapos tumalikod agad sya at lumabas na parang walang nangyari. Ano yun?

Rekindling MemoriesWhere stories live. Discover now