Chapter 1

80 18 29
                                    


"Finally, we're home. Parang walang nagbago sa bahay, mabuti at inalagaan ng caretaker." Sambit ni mom pagkababa namin ng sasakyan. Tiningala ko naman yung bahay. God, so nostalgic.

"Euri, help your mom bring the luggages inside." Sabi ni dad kaya binaba ko yung mga maleta sa sasakyan. Napaligon ako nang may humintong sasakyan sa gilid namin. Agad ko namang nakita ang mukha ni Khaia pagbukas ng pinto.

"Hala, oh my gosh I missed you so much!" Sigaw agad nya tsaka ako niyakap.

"I missed you too, tangkad mo na ah. Parang dati lang kumakain ka pa ng kulangot." Natatawang biro ko. Hinampas nya naman ako.

"Kadiri ka hoy baka marinig ka nila mommy, funny pa naman mga yun. Funnywalain." Biro nya rin.

Nagbabaan din ang magulang ni Khaia sa sasakyan tsaka nilapitan ang parents ko. Nagchikahan saglit at nagyakapan.

"Khaia, ask your brother to get out." Sabi ni tita Emerald, ang mommy nila Khaia. Pagkarinig ko nun ay kinabahan agad ako. Nandito sya? Shet naman di ako prepared. Grabe ka sakin Papa G, ano 'to reunion?

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at halos mahugot ko ang hininga ko nang magtama ang tingin namin ni Khali. Chang gala para akong mahihimatay. Umiwas din ako agad nang tingin tsaka pumasok sa loob ng bahay para ayusin ang mga maleta. Sumunod din after sila mom pagkatapos magpaalam kila tita.

"Euri, take a rest after you fix your things. We'll have a dinner later kasama sila Emerald." Sabi ni mom kaya tumango nalang ako tsaka umakyat sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, para akong inulan ng maraming flashbacks.

-

"Stop staring at me and focus on your school works, babe." Kunot ang noong sabi ni Khali kaya napasimangot naman ako.

"I'm not in the mood, Khali. Do something para sipagin ako dali." suggestion ko na kinataas ng isang nya. He licked his lower lip at napatingin naman ako agad dun. Ano kaya lasa ng lips nya pag kiniss ko sya?

"Eyes up here, Euri. Ano naman gagawin ko? Binubudol mo lang ako eh." Natatawang sabi nya. Ang sexy nya talaga tumawa huhu, nakaka-inlove lalo.

"Hindi ah, how about you sing?" suwestiyon ko.

"No."

"Dance?"

No."

"Twerk?"

"What the fuck, Euri. No way."

"How about a kiss?" lakas loob kong tinanong kaya napatingin agad sya sakin. Ramdam ko yung bigat ng titig nya. What? I can ask for a kiss from my boyfriend naman diba.

"You can't ask that, babe." sabi nya habang unti-unting lumalapit ang mukha nya sakin. Ramdam ko naman yung mga tutubi sa tyan ko. Tutubi ba yun? Bahala na, may pakpak din naman sila.

"W-Why?" nautal kong sagot. Shit, ang lapit na masyado ng mukha nya.

"Because I can do that to you without asking." Bulong nya tsaka nilapat ang labi nya sakin, napapikit naman ako. Parang may nagwawala talaga sa tyan ko sa sobrang kilig, kulang nalang magharlem shake ako rito.

"Breathe, babe." Sabi nya pagkaalis ng labi nya sakin. Napahinga naman ako nang malalim dahil napigil ko pala yung paghinga ko sa sobrang kaba.

Finally, my first kiss with my first love.

-

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, paggising ko madilim na sa labas ng bintana. Shit, may dinner pala. Napabalikwas naman ako nang bangon tsaka nagmadaling maligo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko bumaba na ako sa dining area. Nakita ko sila tita Emerald na tumutulong mag-ayos ng table.

"Oh, anak. Papatawag palang sana kita kay Khaia. Take your seat na. We'll just finish assembling the food then we'll eat na." Sabi ni mom kaya tumabi ako kay Khaia. Nilibot ko naman yung paningin ko sa buong area.

"May hinahanap ka?" dinig ko agad yung malisya sa boses ni Khaia.

"Shut up, Khai. Tinignan ko lang kung may nakapasok na alagad ni satanas dito sa bahay." nakangiting sabi ko. Natawa naman sya.

"My brother sure is a disciple from hell. Kasi he is so hot." nang-aasar na sabi nya. Napairap naman ako.

"Sayang di pa sya nasunog." singhal ko.

"Bakit naman ako masusunog?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Khali na masama ang tingin sakin. Chang gala 'tong lalaki na 'to parang kabute bigla biglang sumusulpot.

"Pardon?" nakatinging baling ko sa kanya. Narinig ko naman syang suminghal bago lumapit kila mom para bumeso. Naramdaman ko naman yung pagsiko sakin ni Khaia.

"O sya, let's eat bago pa lumamig yung food." aya ni mom kaya nagsimula na kaming kumain.

The oldies are talking about their businesses, habang kami ni Khaia ay nagkekwentuhan about sa naging buhay ko sa Canada.

"What? A guy kissed you?" halatang sinadya ni Khaia na lakasan ang pagkasabi nya nun. Tumingin naman sakin lahat pati si Khali. Siraulo talaga 'tong si Khaia pati bibig nito lilipat ko sa pwet.

"Yeah, we hanged out for a couple of times then out of nowhere bigla akong kiniss. I was shocked, since we were just friends tapos he liked me pala." sagot ko habang nakatingin kay Khali. Umiwas naman sya nang tingin sakin.

"Was he a good kisser?" tuloy na pang-aasar ni Khaia.

"He was so good I almost saw heaven's gate." pagsisinungaling ko. Ramdam ko ang pagtitig ni Khali. Sinadya kong kagatin ang lower lip ko kaya napunta roon ang tingin nya. He licked his lip tsaka nagkunwaring kumakain. Kala mo ah, ako lang 'to, yung sinaing mo. Sinaing sa anim na taon kaya naging sunog.

It was around 10pm when Khaia's parents initiated to go home. Susundan ko na sana sila palabas nang pinto nang may humablot sa braso ko.

"What the- Khali?" sigaw ko sa gulat. Kita ko ang pag-amo ng mukha nya nang titigan ako.

"Did you miss me?" nanunuyang tanong nya. Naramdaman ko namang nag-init ang dugo ko.

"Miss? Sino ikaw? Kapal din naman ng mukha mo para tanungin yan. Bakit sino ka ba para ma-miss ko?" Galit kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga naman sya.

"Dami mo naman sinabi, yes or no lang sagot sa tanong ko."

"Ano bang pake mo? I didn't miss you, and I'm thankful that I never did." sabi ko tsaka sya tinalikuran. Hinablot nya naman ulit ang braso ko. Nanlaki ang mata ko nang naramdaman ko ang labi nya sakin. What the fuck? Nang mabalik sa wisyo tinulak ko sya at agad sinampal. Yung single na sampal lang kasi wala pang asawa.

"What the fuck is wrong with you, Khali?" Sigaw ko sa sobrang galit. Humawak naman sya sa pisngi nya na parang di makapaniwalang sinampal ko sya. Kulang pa yan, kung pwede lang sampalin kita gamit yung 100-type guanyin bodhisattva technique ni Netero sa Hunterxhunter gagawin ko.

"Why? Hindi mo ba nakita yung heaven's gate? You know I can make you enter heaven with how good I am." sabi nya tsaka ako nilampasan.

Napahawak naman ako sa labi dahil sa nangyari. 4 years walang paramdam, what now, Khali?

Rekindling MemoriesWhere stories live. Discover now