Chapter 22

0 0 0
                                    

This past few weeks ay masyadong maraming nangyari sa akin.Araw araw nasa condo ko namamalagi si Akiel at ang reason?He just want to see my little sister.At araw araw niya rin pinagwawala ang mga paru paru ko sa tiyan he's being sweet to me this past few weeks.

Traydor ang puso ko dahil bibigay na ito sa mga katamisan sa katawan ni Akiel.

"Alam mo minsan naiisip ko wala kang bahay." Iritang wika ko sa lalaking araw arawin ang pag punta sa condo ko.

"You know that I have." He said and he winked at me.

"Eww." Pigil ang pag ngiti ko dahil kaharap ko siya.

Hindi ko sasabihin na kinilig ako sa kindat niya ha.

"Aren't you going in the site?" Tanong nito habang busy sa laptop niya.

Yes bitbit niya ang laptop niyang pumunta dito! He's working at home yun nga lang ay home ko at hindi home niya.

"Pupunta." Maikling sagot ko at kunwaring ng scroll scroll sa facebook.

Billion billion ang merong messenger pero ni isa ay wala man lang mag message sa akin

Aries and Vetries are also busy.Maalala lang ako kapag kailangan nila ng bubwesitin.

"Sabay na tayo." Seryosong wika nito.

Hindi na lang ako kumibo bahala siya sa buhay niya.

Si Luna ay nagpaiwan na naman sa condo ko gusto ko sana siya isama para mailibot naman kaso ayaw parin talagang lumabas ng unit namin.

Wala kaming imikan sa byahe hanggang marating namin ang aming pupuntahan.

"Architect!" Tawag sa akin ng isang supervisor dito.

Nginitian at tinanguan ko na lang para naman hindi masabing suplada ako.

Madami ding bumabati sa kasama ko dahil sila naman talaga ang halos araw araw na nandito.Architect lang ako dito pero siya ang Engineer na may hawak ng project.

Mabilis lang ang pagdalaw namin sa site at ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa kotse niya.

"Let's have a lunch date,mahal." I don't know if question ba or what.

"Ayoko." Tanging sagot ko lang at nag cross arms pa ng makasakay na ako sa kotse.

"Ok,let's have a date then." Mabilis akong napatingin sa kanya.

Pina andar niya ang kotse at hindi na nagsalita pa.

"Did I say yes?" Wika ko habang matalim ang tingin sa kanya.

Aba ang loko ay tinawanan lang ako!Magde-date kami?For real?Tangina pinipigilan ko nga ang puso ko na makaramdam na naman ng sobra sobrang pagka humaling sa kanya eh.

Gaya ng sabi niya nag date nga kami ng wala sa oras nasa isang kilalang restaurant kami ngayon and he ordered for the both of us.

"Can I ask you something?" Nabitin sa ere yung tinidor na hawak ko dahil sa biglaang pagsalita niya.

Jusko paubos na iyong kinakain ko na carbonara tapos ngayon lang siya magsasalita!

I just shrugged at inubos na ang natitirang carbonara sa plato ko.I even finish my wine bago taas kilay na tumingin sa kaharap ko.

"Well". Napakunot ako ng noo dahil talagang hindi pa sabihin kung anong gusto niyang sabihin hihinto pa talaga pa intense din ang kupal eh.

"The heck?Just speak Akiel!" Nawawalan ng pasensya kong wika.

Umayos pa siya ng upo bago seryosong tumingin sa akin.

"Can I court you again?" He seriously said.

I gulp when I heard that.Binaba ko ang kamay ko na nasa lamesa at inilapag sa hita ko.Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib mo.

"Am i part of your game again?" Seryosong wika ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng galit ng bumalik sa isip ko kung paano niya ako pinaniwalang mahal niya ako pero yun pala ay dinamay lang nila ako sa pustahan nila.

Natahimik siya saglit bago maingat na tumingin sa akin.

"No Charlotte,I am truly in love with you.Wala akong planong paglaruan ka  Cha,seryoso ako gusto kita." Seryosong wika niya sa akin.

Hindi ako kumibo dahil mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Y-you love me?" Hindi makapaniwalang wika ko sa kanya.

Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya.Because his smiling like an idiot.

Pasimple akong humawak sa dibdib ko kung saan naka pwesto ang puso ko.

"No,you can't I'm sorry." Wika ko sabay tayo at nagmamadaling umalis sa restaurant.

I can't take a risk.

Mabilis akong pumara ng taxi sa takot na sumunod siya sa akin.Nang makasakay ay nakita kong tumatakbo siya pero hindi niya na ako inabutan pa dahil mabilis kong pinaalis ang driver sa lugar na iyon.

Pinahid ko ang luhang unting unting kumakawala sa mata ko.Mababaw na kung mababaw basta ayokong sumugal sa relasyon na wala namang kasigaraduhan kung totoo ba talaga iyong nararamdaman niya.

"Weak." I murmured at muling nagpunas ng luha.

"Pasensya na sa pag istorbo ng iyak moment mo ma'am." Napatingin ako kay manong driver.

What iyak moment talaga?

Napatawa na lang ako dahil sa sinabi ko manong.

"Saan po kayo?" Wika neto at nagkamot pa ng kilay niya.

"Nasa backseat ng taxi mo manong." Sagot ko.

Inayos ko ang sarili ko bago binalik ang tingin kay manong driver.

"Ang ibig ko pong sabihin saan ko po kayo ihahatid."

And again I laughed.

"To the moon manong kaya ba?" Natatawang wika ko.

Napatawa narin si manong at muling kumamot sa kilay niya.

"May kuto ba kilay mo manong?" Takang tanong ko.

"Wala po ma'am." Wika niya bago mahinang tumawa.

"Gusto ko man po kayong ihatid sa buwan ay hindi ko po kaya, taxi driver lang po ako hindi astronaut." Dagdag pa ni manong.

"Ganon sayang gusto ko pa naman sa buwan." Kunwaring nang hihinayang kong sagot.

Napakamot na naman si manong sa kilay niya dahil sa sagot ko.

Sa huli ay sinabi ko na lang sa kanya kung saan niya ako ihahatid.

"Manong what if wala akong pambayad?" Tanong ko.

Napatingin naman sa akin si manong gamit ang salimin na nakakabit sa malapit sa pwesto niya.Sorry hindi ko maalala tawag dun.

"What if ibaba na lang kita ma'am?" Seryosong usal ni manong.

Ako naman ay napatawa na lang.Salamat sa pagiging uto uto ni manong at medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Just kidding." Huling sabi ko bago nanahimik.

Ayoko nang bawasan yung energy ni manong at alam kong pagod na siya sa paghahanap buhay tapos makikipag bardagulan lang ako sa kanya.

Nag thank you ako kay manong ng maihatid niya ako I also give him a pang malakasang tip na 5 pesos pero syempre joke lang dahil nahalata ko na pagod na siya ay inabutan ko siya ng 1500 tip at sinabing umuwi na siya at magpahinga.

Ang bait ko ne?

Mag alas sais pa lang naman inabot pala kami ng apat na oras sa restaurant grabe ba.

Speaking of restaurant nakauwi na kaya siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Where stories live. Discover now