Chapter 19

3 0 0
                                    

It's been two days simula nang sumama sa akin si Akiel sa condo at two days ko na din siyang hindi nakikita.

Don't get me wrong hindi ko naman siya hinahanap ano it's just, yung kotse niya na for sale sana gusto ko makita.Ang kaso missing in action ang buset.

Pagod kong isinara ang laptop ko halos limang oras na akong nagtatrabaho sa loob ng kwarto ko.Kahit masakit ang katawan ko at talagang tinatamad ako ay pinilit kong bumaba para makapag handa ng hapunan.

"Come here Luna,maupo kana." hindi ko na siya nilingon.

Busy akong maghanda ng pagkain niya since wala akong balak kumain.

"Wow abodo!" She giggled.

"It's adobo Luna not abodo." natatawang wika ko sa kanya.

She just smile at nag umpisa ng kumain.Hindi na siya nagsalita pa ganyan siya kapag nasa harap na ng hapag she has her own rule I guess, no speaking while eating.Kahit daldalin mo siya ay hindi ka niya sasagutin.

Pagkatapos niya kumain ay inasikaso ko na siya para sa pagtulog.Half bath lang at gabi na binihisan ko na rin siya ng pantulog.Nang tulog na siya ay bumaba ulit ako para hugasan ang pinagkainan niya.

Natulog na rin ako pagkatapos ko sa kusina pagod ang katawan ko kahit sa bahay lang naman ako nagtrabaho.

Months past napakabilis ng araw and still walang Akiel na magulo.Bahala na nga siya sa buhay niya.

Kinabukasan maaga akong nagising at naghanda ng almusal para kay Luna.Maaga rin nagising ang bata kaya maaga din nakapag almusal.

"Kelan ako mag school ate?" Tanong ni Luna habang ang mga mata ay naka focus sa nakabukas na tv.

"San mo gustong mag school?" I ask while scrolling on my phone.

Kanina pa yata ako tambay sa timeline ni Akiel shuta pero wala naman akong napapala.

"But I am afraid—going in public.Ayaw ko pumasok sa school madaming people doon." Mahinang wika nito.

"Did your mommy teach you how to write and read?The basic one I mean."tanong ko I put down my phone wala namang kwenta eh.

"She didn't teach me but I know how, that's easy anyway." Proud na wika nito sa akin.

"Wow that nice darling so where did you learn?" Hindi na ako nagulat kung hindi siya tinuruan ni Louisa panget ugali nun terno sa mukha niya tsk.

Wala parin akong balita sa dalawang alagad ni Satan na yun.Ni hindi man lang kamustahin ang anak nila napaka grabeng magulang.

"Mag home school ka?" Tanong ko sa bata.

Hindi nya naman sinagot tanong ko eh.

Maybe she needs time para maipan na niyang makisalamuha sa labas.

She has once a week session sa psychiatrist.I know bata pa sya para sa ganyan but she need that para umayos ang mental health niya.Mabilis lang rin naman siya kausap at mabait na bata alam niya na kailangan niya iyon para sa ikabubuti niya.

Sa mga naunang session iyong Dr. talaga ang napunta dito sa condo pero nitong nakaraang linggo nagprisinta siyang kami na lang ang pupunta sa hospital para sa session niya.

"For now po yes I am still not comfortable po sa public and I also afraid that they might harm me." Wika nito at pinag patuloy na ang panonood.

Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na din siyang manood mag isa sa sala.I feel sorry for her na sa murang edad naranasan niya ang hindi niya dapat maranasan.Pinaubaya ko na kay tito Aidan ang case ng kapatid sila na rin mag asawa ang sumagot sa lahat ng gastos para sa kaso.

I power off phone since wala naman kwenta eh.

"Sleepy?" Tanong ko dahil nakahiga na siya ngayon sa sofa na mahaba.

"A little po." Malambing na wika nito.

Inangat ko ng kaunti iyong ulo niya para umupo at maiunan sa hita ko.

"Take a nap sweetheart gisingin kita kapag kakain na hmm?" Dahan dahan kong hinaplos ang buhok niya.

Nang makatulog siya ay maingat kong inangat ang ulo niya at nilagyan ng throw pillow.

Sulitin ko nang kasama siya at bukas ay kailangan kong personal na makipagkita sa isang client ko kung papayag lang sana siya na sumama sakin ay isasama ko talaga siya para hindi siya maiwan dito na mag isa.

"Hey sweetie,wake up lunch na po." Malambing kong gising dito.

She's so cute!

"Ok po I will just wash my face and brush my teeth po." Mabilis itong bumangon at tumakbo sa banyo na nasa kusina lang din naman.

"Let's eat na po." Masiglang wika nito at mabilis na umupo sa tapat ko.

"Wow ang sarap po." She giggled.

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu