Chapter 20

1 0 0
                                    

Nagpaiwan sa condo si Luna ngayong araw,kahit na ayos lang naman sa akin na sumama siya but she said she's ok.Bago ako umalis nagluto muna ako ng pagkain niya ng breakfast,lunch and dinner dahil baka gabihin ako alam naman niya kung pano gumamit ng microwave so that's fine.Panatag naman ako kahit papaano dahil mahigpit ang security ng building and I'll just contact her from time to time,I also installed a CCTV cameras in my condo just to be more secured na naka konekta rin sa device ko.

I just arrived on time today.

"Good--." Naputol yung sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nasa tabi ng client ko.

Tumikhim ako bago mag salita ulit.

"Good morning,Mr.Kren."

"Good morning Archi, please have a seat." Wika niya at itinuro ang katapat na upuan ng katabi niya.

Ngumiti na lang ako at naupo.

Inilabas ko na lang ang lahat ng sample blueprint na ginawa ko para sa ipagagawa niyang tatlong palapag na bahay, I mean actually hindi na matatawag na bahay kung hindi mansion sa sobrang luwang.

We talk about the mansion what he wants and what he doesn't want.Easy lang naman dahil mas gusto ko mag design ng modern house slash mansion for him of course.Sa tagal ng pag uusap namin ng client ko iniwasan ko talagang wag tumingin sa katabi niya.

"No need to change this on, I like it and I am sure that my wife will like it too.Thank you Ms.Astariel." Tumayo siya para makipag handshakes kaya tumayo na din ako.

"My pleasure sir,thank you din." I said.

After a few minutes na daldalan ay nauna na din magpaalam si Mr.Kren at naiwan kaming dalawa ni Akiel sa lamesa.Should I talk to him or just ignore him?

"I should go." Hindi ako nagpapaalm sa kanya ha,sign of respect yan!

"I'll visit your sister."Nabitin yun pagtayo ko dahil sa biglaan niyang pag salita.

"Ha?" Nabingi yata ako.Umayos Muna ako ng tayo bago nagtatakang tumingin sa kanya.

"Well I miss your little sister so I decided to visit her today." Casual na wika nito.

Aba sino siya para bisitahin ang kapatid ko?Pano ba kasi sila naging close?Can anyone tell me how?Kasi kahit ako ay hindi ko alam kung paano.

I just shrugged and left him without answering his question,that's not a question anyway.Pinaalam niya lang yata sakin tsk.

"Hello sweetie?" Malambing kong wika sa kabilang linya.

She's not responding but I know she's ok.

"I am just checking you.Pauwi na rin ako bye." Napailing na lang ako bago pinatay ang tawag.

Ni hindi man lang siya nagsalita.I arrived at my condo exactly six in the evening.Hindi na ako nagulat na naabutan ko si Akiel sa loob.

"Ate." Nakangitint bungad sa akin ng kapatid ko.

Nasa sala sila ni Akiel parehas na naka indian seat sa carpet at ang dami na namang pagkain sa lamesa.

"Hi,shower lang muna ako." Para kay Luna yan pero bakit yun mata mo self sa katabi nakatingin?

Jusko ka are girl tigilan mo kakatingin sa kanya ha!Tiyaka lang ako umiwas ng tingin ng makita ko kung paano siya ngumisi sa akin aba at anong karapatan niya para ngisian ako?Napairap na lang ako sa kanya bago umakyat sa kwarto ko.

I actually didn't really go downstairs after ko maligo.Hinayaan ko na silang dalawa sa baba.Ten pm na ng maisipan kong bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom at sana lang ay wala ng maski anino ni Akiel sa baba!Dahan dahan pa yung pagbaba ko sa hagdan to make sure na hindi ako maririnig if ever na andyan pa siya.Sa gantong oras ay tulog na din si Luna so I think wala na siya.Yun ang buong akala ko dahil pagbaba ko ay nakita ko siyang naka upo sa sofa ng mag isa.

"The fuck?Andito ka pa?" Nagulat yata siya sa biglaang pag salita ko at natarantang tumayo.

"I'll just stay here for a while." Maingat ang bawat pagbigkas niya na para bang takot na masigawan ko.

"Stay here for a while ka dyan.Anong oras na kaya."sarcastic kong sabi.

Inirapan ko siya bago pumunta ng kusina.Hello?Pagkain muna bago siya tsk.

"Hungry?" Hindi ko namalayan yung pagsunod niya kaya nagulat ako ng very slight.

Napalabi ako ng makita walang pagkain sakto nga lang pala yung iniwan ko na pagkain para kay Luna.

"Ipagluluto na lang kita kung nagugutom ka." He said.

"No thanks but I can cook." Yes I can pero anak ng shutangina tinatamad ako magluto.

Gusto ko lang naman ng pancit canton at nilagang itlog eh.

"I know Cha,but I insist let me cook for you." Oh my god my heart!Baby kalma!

Since gutom na ako at tinatamad naman akong magluto ok lang naman siguro no?

"What do you want?" Tanong neto ng hindi ako sumagot.

"Pancit canton and boiled egg." Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya ng marinig ang gusto kong kainin.

"Bakit?May problema ka?" Taas kilay kong usal sa kanya.

"Nothing." Wika nito and he chuckled.

What the fuck?May sakit na yata ako ang bilis ng tibok ng puso ko.Teka kalmahan mo heart masasaktan ka lang wag kang ano dyan.

Gusto ko sana dalawang pancit canton at dalawang itlog pero hindi ko na lang sinabi bahala na.Mabusog sana ako.Nagtimpla na lang ako ng gatas trip ko gatas ngayon eh bakit ba.

At dahil saglit lang rin naman magluto ng pancit canton at itlog ay sa wakas makakain na ako.

"Here,kumain kana bago ako umalis." Wika nito at umupo sa katapat kong upuan.

"Umuwi kana." Sagot ko at nilantakan na yung pancit canton ko.

Hmm sarap talaga lalo na yung boiled eh na malasado.

"Yes Cha,uuwi na ako pagnatapos ka kumain." Napatingin ako sa kanya ng masama.

"Teka lang ha,kulit mo rin eh no?Pwede ka naman umuwi kahit kumakain pa ako!" Angal ko sa kanya.

"I know." Cool na wika nito.

Napairap ulit ako ng sagad dahil sa sagot niya.

"Go home Engineer." Matigas kong wika.

Tumingin lang siya sakin saglit tapos nag cellphone na lang na akala mo hindi narinig ang sinabi ko!At dahil mukhang hindi naman ako mananalo hinayaan ko na lang siya.

"Ok fine,you win uuwi na ako at baka mabasag mo pa yang plato sa gigil mo." Natatawang wika nito.

Sinamaan ko lang siya ng tingin just to cover my smile bakit naman kasi ang pogi!

Napatigil ako sa pagnguya ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa sintido ko.

Hindi ako nakagalaw hanggang sa marinig ko ang pagsarado ng pintuan ng condo ko.What the fuck is that?







A/N
Hindi si Luna ang binisita mo pareng Akiel kunwari ka pa nako nako at mas lalong hindi si Luna ang namiss mo😌.

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Where stories live. Discover now