"Para matapos na rin yung pagpapahirap niya sayo." dagdag pa niya.



Curios ako. Gusto kong malaman kung ano 'yon, kaya naman pumayag ako sa plano niya. Hindi pwedeng buong taon ganito ang pagdadaanan ko, masyadong mahirap.


Nagpasalamat lang ako sa paghatid niya 'saka pumasok sa loob. Kailangan mag ready ako para bukas.






**

Hades.



Pag alis ni Ally, naghilamos lang ako. Tanga ko rin e, bakit ko ba ginawa 'yon? Well, I thought mabilis siyang makuha, akala ko sasakyan niya rin yung ginawa ko. Malay ko ba e, babaeng aso siya e. Kaladkarin.





First kiss? Nagpapatawa ba siya? Ibig sabihin wala pang humahalik sa kanya? Kalokohan naman 'yon. Napahawak lang ako sa sink. Inangat ko yung mukha ko at tinignan yung reflection ko.



I don't know pero medyo naawa ako nung tinignan ko siya. I closed my eyes. No. Hindi ako pwedeng lumambot sa'kanya. She's the reason why I even got myself into this. Naghugas lang ako ng kamay tapos palabas na sana kaso bigla namang may humila sa damit ko. She dragged me into one of the cubicles.



Then she starts kissing me, hindi na rin ako pumalag since may tama na rin ako. Need ko rin naman ng malalabasan ng sama ng loob, and even literally na malabasan. Pagtiya-tiyagaan ko na 'tong hustler na'to.



"Hades! Asan ka na bang gago ka!" narinig kong sigaw ni Kenny, ramdam kong pumasok siya. Leche naman oh, palaging abala talaga 'tong ungas na 'to. Binitawan ko yung babaeng hustler tapos binuksan yung pinto ng cubicle. Bumungad naman yung mukha ni gago.




"Tangina, andyan ka lang pala, gumagawa ka na naman ng milagro." tawa niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas malala naman siya sa'kin, tss.


"Bakit ba? Anong problema mo?" naghugas ulit ako ng kamay sa sink tapos hinilamusan ko yung bibig ko. Nakita ko naman sa mirror reflection na lumabas yung babae habang kinakabit yung bra niya. Hindi namin pinansin yung pag alis niya sa loob.



Sumandal si Kenny boy sa pader malapit sa'kin tapos nag cross arms.



"E kasi ang boring na e, iniwan na ko nina Eve." maktol niya, trip na trip niya talaga yung babaeng yon e. No wonder bakit nakasimangot 'tong ungas.




"So? Ang daming babae dyan, saka' si Nate kasama mo naman sa labas." parang bata e.



"Yun nga e, nagpaalam na ihahatid na si Ally, ayon' sinabay rin si Eve pauwi. Walang tiwala sa'kin yung kupal." simangot niya.


Kahit kung ako naman maging babae, talagang wala rin akong tiwala sa'kanya e.



Siraulong Nate 'yon, napaka hunghang talaga. Di'bale, kung mahulog naman sa'kanya si Ally, masasaktan lang din niya dahil hindi naman sila pwede. Saka' may nakalaan nang babae kay Nate. Psh. Bahala sila sa buhay nila.





***

Ally.




Tanghali na ako nagising, ang sakit nga nang ulo ko, dahil na siguro sa pagkakauntog saka' sa pag iyak. Tumingin ako sa relo ko.




12 PM na


Mga 1 PM pa naman yung class ko, P.E lang rin naman ang schedule ko today. Isang subject lang. Nag ligpit lang ako ng tulugan at inayos ko lang yung mga gamit ko sa bag.


Muntik na niya ko mahalikan..


Pero impossible na gagawin niya 'yon, nandidiri nga siya sa'kin diba? Erase!


What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Where stories live. Discover now