Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mukhang bato bato tong lalaki, nakakatakot, pumatol sya sa ganyang hay" sabi ni Mitsui

"Malay mo nman mabait yung tao, ang inaalala ko lang ay bakit hindi pa bumabalik si Rukawa dito? Wala na pala syang babalikan sa amerika" sabi ni Miyagi

Si Byron Perkins ay NBA player 32 years old, Power Forward, 1 year na nyang girlfriend si Jasmin Hashigawa ang nanay ni Kate

Samantala sa nagaganap paring laro sa elimination games

Apat na minuto na lang ang natitirang oras sa First Half ang mga babaeng player ng shohoku na sina Zoey, Althena, Akia, Aimi, Akia ay hinahabol ang lamang ng Ryonan pinamalas din ni Zoey ang kanyang galing pinatunayan nya na sya nga ang dating MVP noong junior high

"Kapag hindi nila nahabol ang lamang ng kalaban mapipilitan pa akong pumasok" sabi ni Kate

"Huh! Bakit kasi ayaw mo pang pumasok? Hindi nman ikaw yung tipong paupo upo lang diba? Yan ang natatandaan ko" sagot ni Sakuhako nang biglang mayrong naalala si Kate

"Te-tekahh hindi nga pala ako pwedeng sumali" sabi ni Kate

"Huh? Bakit?" Tanong ni Sakuhako napalingon nman sa kanya si Millana

"Hindi pa ako high school, Kaya hindi pa ako pwedeng sumali" sagot ni Kate

"Ahhhhh? Oo nga pala" sagot ni Sakuhako

"Hay nako" bulong ni Millana

Si Kate ay Junior high school palang 3rd year ka-batch nya si Ace at Milliana, magkaedad lang silang tatlo

Yan din ang dahilan kaya hindi kasali si Ace

"Problema toh, Hindi ako pwedeng sumali, Sana makayanan nila" sabi ni Kate

"Kaya nga nandito ka para turuan sila, Wag ka ng mag aalala kaya nila yan, don nga paparating na Interjunior sigurado nman na ang Team ni Ace, shaka ang Team mo siguradong magiging champion" sagot ni Sakuhako

Dalawang linggo na lang, kaylangan nang umuwi nila Ace at Miu" sabi ni Kate

Binubuo ng apat na Team ang Shohoko

Ang High School Team sa pangunguna ni Captain Renz

Ang Female High School Team sa pangunguna ni Captain Akia

Ang Junior Team sa pangunguna ni Captain Ace

At ang Female Junior Team sa pangunguna ng Captain and Coach na si Kate

Si Kate ang kinikilalang Coach ng apat na Team ng Shohoku

Sa ngayon wala pang College Team ang Shohoku dahil ang inaasahan na magiging unang batch ng College Team ay sina Renz, Sakuhako, Akito, Lyion at iba pa kapag graduate na sila ng high school

Ganun din sa mga babae, naasahan na ang unang batch ng shohoku female college team ay sina Althena at iba pa pagka graduate nila ng high school

"Kate" tawag ni Sakuhako

"Huh?" Napalingon sa kanya si Kate

"Napakalaki ng pamilyang nabuo natin diba?" Tanong ni Sakuhako

Napalingon si Milliana sa kanila

"Anong pamilya pinagsasabi mo dyan, tumahimik ka nga!" Tarantang na namula ang mukha ni Kate

"Ano bang iniisip mo? Ang Shohoko ang pangalawang pamilya natin, Sabay sabay tayong nag aasaran nagkwekwentuhan, nagtatawanan, ang mga miyembro malaki ang tiwala nila sayo, kaya mo sila nahikayat, Kaya napaka importante mo sa shohoku" sagot nu Sakuhako

Napaiwas ng tingin si Kate

"Pangalawang pamilya? Hindi ganun yun, Ang Shohoku ang tunay kong pamilya, Si papa at ang shohoku na lang ang natitirang pamilya ko" sabi ni Kate sa kanyang isipan

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon