"Ang oras ay para sa depensa. Kung wala pang pahayag o argumento na ibibigay ang abogada ng akusado, mangyaring ipahayag ang inyong kahandaan na magbigay ng pahayag o argumento sa susunod na pagkakataon."

Narinig ko nalang na natapos na ang trial. Nakatulala pa rin ako, ipinikit ko ang mga mata ko, naramdaman ko ang pag labas nang lahat.

"Calista, tara na"

Inalalayan ako nito na tumayo, pero kumalas ako. "Hoy saan ka pu-punta?"

Malalaking hakbang ang ginawa ko para hatakin si Caleb.

Hinatak ko ang prosecutor attire nito, "Ano ang ginagawa mo?!" Inis na sabi ko

"Ano?" Takang tanong niya

"Bakit andito ka? si Villaminosa ang prosecutor dito, bakit ikaw" Sigaw ko at hindi pa rin tinatanggal ang pag kakahawak sakaniya

"Villaminosa couldn't make it today, so I had to cover for her temporarily" Sabi nito sakin, tinaas ko ang kilay ko at pinanlisikan ito nang mata

"Caliee!" Sigaw ni Avery kaya nabalik ako sa wisyo. Napansin ko na ang mga tao ay naka tingin na saamin at nakakuha na pala kami nang atensyon.

"Sinungaling ka talaga kahit kailan" Bulong ko

"Hey, I'm just doing my job. I'm the prosecutor here, it's not my fault that Villaminosa couldn't make it." Sabi nito, sabay tanggal nang kamay ko sa attire niya

Iniwan ako nito at tuloy-tuloy sa pag lalakad.

"You okay?"

"HINDI!" Inis na sambit ko

"Calista, it's okay una pa lang naman itong trial, may second, third trial pa"

"Ayoko na, ikaw nalang mag take nang kaso na to, ayoko na" Diin na sabi ko at lumabas nang hukuman.

"Hoy gaga ka" Hinatak nito ang braso ko, "Hindi mo basta-basta puwedeng gawin yon."

"Bahala na" Tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa braso ko. Pumunta ako sa sasakyan ko. Isinandal ko ang sarili ko pinag hahampas ko yung sasakyan ko sa sobrang banas na nararamdaman. "Pinag handaan ko to, tapos susulpot ka?! fúck you!"

Tinignan ko ang orasan ko, bandang hapon na. Dumaan muna ako sa cemetery pakiramdam ko kasi ay nabigo ko ang daddy.

Nang makarating ako ay umupo ako sa bandang puntod ni dad, "Sorry." Ang katagang ‘yan lamang ang lumabas sa bibig ko wala nang iba

Ipinikit ko ang mga mata ko, at hindi pinansin ang mabigat na pakiramdam ang simoy nang hangin ang nag papagaan sa nararamdaman ko.

Nang magising ako ay madilim na ka agad kong tinignan ang orasan ko, mag a-alas syete na. Buti hindi pa nag sarado 'yung sementeryo ayoko matulog kasama nang mga pàtay no!

Agad akong tumakbo papalabas nang sementeryo, agad akong pumasok sa sasakyan ko. Huminga muna ako nang malalim bago pinaandar ang sasakyan ko

Wala pang tatlong minuto ay tumirik na ang sasakyan ko. "Pútanginà!" Sigaw ko nang malakas. Lumabas ako nang sasakyan ko at sinubukang tignan.

"Malas malas, bwisít ka!" Pinag sisipa ko ang gulong nang sasakyan at napaupo pa

"Bakit ba lagi nalang ako minamalas?!" Inangat ko ang ulo ko para tignan ang kalangitan. Parang uulan pa ata dahil sa makulimlim

Kinuha ko ang phone ko, kaso mas nainis ako na lowbat ito. "May balat po ba ako sa pwét?!"

"Ano nasa teleserya ba ako? ano u-ulan tapos ano? bwísit na buhay ‘to!"

Napakapa ako nang mata ko kung yung tumutulo ba ay luha ko, tumingala ako at nakitang umaambon. "TÀNGINÀ TALAGA"

"Bakit hindi nalang ako nag artista hilig niyo naman pag laruan 'tong buhay ko!" Sigaw ko sa kalangitan

"Sige, 'yan lang ba ang kaya niyo bakit hindi niyo pa k--" Nabigla ako nang isang kidlat ang bumulaga sakin kaya napapasok ako sa loob na basang-basa

"Nag bibiro lang naman po ako!" Malumanay na sagot ko, ang kaninang ambon ay naging ulan.

Sinubukan kong lumabas para tignan muli at nag babasakali na may dumaan at para matulungan ako.

Naglupasay ako sa daan sa sobrang inis ko, sa sobrang basa na nang damit ko ay para na akong basang sisiw.

"Dad, talk to lord naman po" Bulong ko

Pumasok muli ako sa sasakyan ko. Humikbi ako na parang bata. Napayuko ako.

Wala pa mang ilang minuto ay may kung ano na ang bumubusina sa likuran nang kotse ko, para akong binigyan nang candy sa sobrang saya at kaginhawaan.

Lumabas ka agad ako at kinatok yung sasakyan, nag pa sad face pa ako para maawa. "Kuya nasiraan po kasi ako help naman po, I can pay you po" Sabi ko, patuloy sa pag katok.

Villanueva Series #2: Love's Fatal TwistWhere stories live. Discover now