“Isa ka pa, Cloud! Ang bunganga mo,” I warned him and rolled my eyes.

May kumatok naman sa door ng hotel room namin. My fiancé stood up and went to the door.

“Hi, nakaabala ba ako?” Boses iyon ni Roxanne.

“No, Rox. Come in!” sigaw ko at pinapasok naman siya ni Michael.

White sleeveless dress lang ang suot at minsan ko lang siyang makita ng ganito. Maganda naman siya at wala pa sa hitsura niya ang mag-30’s. Marahan kong tinapik ang kama sa tabi ko para umupo siya.

Napatingin siya sa phone ko at umawang ang mga labi niya. Akala ko ay papatayin na ni Cloud ang connection namin pero hindi. Nag-ayos pa siya ng buhok niya.

“Uhm, si... Kapatid mo si Primo?” tanong sa akin ni Roxanne.

“Kinukulit ka ba niya, Rox?”

“Ah, hindi naman. Sabi niya, punta raw ako here para patunayan sa ’yo kausap niya ako.” I glared at Primo.

“Nang-abala ka pang bata ka! Akala ko ay si Cloud lang ang sakit sa ulo. Primo!” Primo just laughed, ang boses niya ay lalaking-lalaki.

“Hi, Roxanne. I’m interested to meet you. Are you not in a relationship, right?”

“Ah... Yes, uhm... But...”

“But? Wala akong pag-asa?” Ako naman ang napangisi.

“Bata ka pa—” Primo cut her off.

“I-meet mo ako. Tapos patunayan natin kung bata pa ba talaga ako,” seryosong saad niya at ako naman ay mariin na napapikit. 

Si Michael ay pinili ang sumandal sa hamba ng pintuan at naka-cross ang mga braso niya against his chest. Tumaas pa ang sulok ng mga labi niya na parang nasiyahan din siya sa narinig.

“What? Hindi ba iyon nakahihiya sa ate mo? Novy...” Binalingan ko naman siya.

“Why? Interesado ka rin na ma-meet ang kapatid ko?” I asked her at tumango siya bago kinagat ang pang-ibabang labi niya. “Hey!”

“He said, fan lang siya. So, binibigyan ko lang siya ng chance na ma-meet ako in person,” she reasoned out.

“Alam mo, Rox...”

“Don’t worry, wala akong gagawin sa kapatid mo. Actually, I’m dating my ex-boyfriend— uhm, where is Primo by the way? Primo?” she asked at nang ibalik ko ang tingin ko sa screen ng cellphone ko ay wala na si Primo. Nasaan naman ang batang iyon?

“Nagselos po yata kaya siya nawala!” natatawang sigaw ni Cloud.

“Kuya! Nagseselos ka?!” sigaw rin ni Lemery.

“Shut up, Cloud! Ikaw rin, Lemery,” mahinahon na saad ko.

“Alam mo, Novy. Ang cute ng brother mo,” sabi niya at saka siya tumayo. “Sige lalabas na ako,” paalam pa niya at tumunog ang phone niya. Nakita ko na pangalan ng kapatid ko ang lumitaw. Ang batang iyon talaga, oh.

“Sige na. Magpahinga na rin kayo. May flight kami mamayang gabi. Bye.”

“Bye, Ate! I love you!” Hinalikan ko lang ang screen at saka ko pinatay ang video call namin. Michael approached me.

“Let’s go... Labas muna tayo para kumuha ng litrato sa labas. Sulitin natin ang ilang sandali na mayroon tayo ngayon. After this, hi busy work na naman tayo.” I chuckled.

“But gusto ko ay here na lang tayo sa room. Come on, let’s do the naughty stuff. I’m all yours, Michael,” I said and removed my top. Namungay agad ang eyes niya and he licked his lips.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant