CH.36

1.2K 41 9
                                    



Chapter 36:


Angel's POV:

"Ito na po ang order nila, enjoy your meal."  Hayy sa wakas wala ng guest na pumapasok dito sa restaurant.


"Angel, pwede ka muna magbreak tutal wala pa naman tayo msyadong guest." Sabi ng kuya ni Lena na isang restaurant manager din dito.


"Sige po, si Lena po wala po bang pasok?" Nginitian niya lang ako.


"Busy kay Zico." Napailing na lang ako at nagpaalam na din na magbrebreak pero nagulat ako nung may pumasok na guest, teka siya si Althea yung girlfriend ni Lee.


"Good afternoon maam, table for how many?" Bigla kong lapit kay Althea tutal hindi pa naman ako nakakapag-out para mag-break.Ngumiti siya sa akin at parang kilala niya din ako.


"Ikaw si Angel di ba?" Nginitian ko din siya.


"Yes maam." 


"Nako wag mo na ako i-maam. Im Althea by the way." Tapos nag-ooffer siya sa akin ng shakehands, mukhang mabait naman siya so hindi ko kailangan umakto na parang bitch kaya nakipagshakehands ako.


"Nice to meet you Althea, ah teka bakit mo ko kilala?" Syempre kailangan ko magkunyari na hindi ko siya kilala. Kailangan ihulog ko siya trap gusto ko, ang gusto ko siya umamin sa pakay niya sa akin.


"Hmm, pwede ba tayo mag-usap? Kasi mukhang nakaduty ka pa eh." Natawa naman ako sa sinabi niya.


"Asikasuhin muna kita, may kasama ka pa ba?"


" Wala ako lang mag-isa at tutal nakita na kita, sabay tayong kumain.My treat and I insist." Sabay ngiti niya sa akin.


"Sige baka kasi pagtumanggi pa ako kukulitin mo pa ako. Paalam muna ako sa manager ko kung pwede ha. Upo ka muna doon,wait mo ko."


"Sige." Tapos ayun nagpaalam ako sa manager na kuya ni Lena at pumayag naman siya basta magcoat muna ako baka kasi mamaya dumating ang madaming customer at makita nila ang isang staff ay nakaupo at kumakain din. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumapit na agad ako kay Altheaat umupo.


"Nag-order na ako agad para di ka na talaga tumanggi." Sabi niya agad sa akin, natawa naman ako sakanya. Tiningnan ko siya ang ganda niya, model na model talaga ang dating. Kaya siguro ako pinagpalit ni Lee dito, wala taob ako e.


"Wala naman ako magagawa. Thank you ha." nginitian niya lang ako at tinitigan.


"Totoo nga ang mga kwento sa akin ni Lee. Simpleng babae ka pero ang lakas ng dating mo." Nabigla ako sa sinabi niya, ako? Kinewento ni Lee sa girlfriend niya. Hala ka? 


"Si Lee? Anong meron sainyo ni Lee?" Pasimple kong tanong pero nawala yung ngiti sa mukha niya.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon