CH. 21

1.5K 52 2
                                    



Chapter 21:




Angel's POV:



Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng mawala si Gellie. At simula nun tinigil ko na ang pagiging heartbreaker ko at nagtratrabaho ako sa Restaurant ng kuya ni Lena.




"excuse me maam, Here is your 3 pieces Chicken Ala Buffalo and your extra rice maam. enjoy your meal!" Haaay sa wakas tapos na din ako magserve at makakapag-out na din ako.



"Nako Angel nandyan na ang boyfriend mo oh! Sinusundo ka na." Napatingin ako kay Sir. Ron ang kuya ni Lena.



"Magpaganda ka na nga Angel." Tiningnan ko si Lena.



"Tse! Magtrabaho ka ng mabuti dyan Lena." Bago ako makaalis ay nag-ayos muna ako at derecho labas.




"Kamusta ang trabaho?" Kinuha niya ang bag ko at binitbit niya ito.



"Syempre pagod.Ikaw kamusta naman ang trabaho mo?" Nginitian niya ako.



"Na-promote ako." Napatigil ako sa paglalakad namin.



"Weh hindi nga?"



"Oo nga!" Bigla ko siya niyakap.



" Congratulations Rome!!" Tapos hinawakan niya ang kamay ko.



"Anong gusto mo kainin?"



"edi yung specialty mong Kare-kare!"



"Okay." Nagkatitigan lang kami at natawa.



"Bakit ka tumatawa dyan?" Tanong ko sakanya.



"Ikaw din naman , bakit ka rin tumatawa ?"



"eh kasi tumatawa ka kaya natawa na din ako." Yumakap siya sa akin.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon