CH.11

1.7K 68 2
                                    




Chapter 11:



" Ate angel~" Bati ng mga bata sa akin. Nandito ako ulit sa ospital kung saan ako nagdodonate ng pera para makatulong sa mga batang cancer patient.



"Namiss ka namin Ate. Ang tagal mo ng hindi dumadalawa sa amin." Sabi sa akin ni Gellie.



"Sorry ha, naging busy lang ako ih." Tapos ayun nagkwento sila sa akin tungkol sa mga nangyayari sakanila at hindi ko maiwasan na masaktan para sa kanila. Kasi ang bata pa nila para maranasan yung mga injection na malaki . Habang nagkwekwentuhan ay biglang nagring ang phone ko, di ko sasagutin sana yung cellphone ko dahil si Lee ang tumawag. Yung hayup na yun, pagkatapos ng intense kiss na nangyari sa CR tinulak ako at iniwan sa CR. Loko yun -_-



"Ate angel ayaw mo sagutin?" Tanong sa akin ni Gellie.



"Hindi naman importante yan." Ngiti ko sakanya pero kinuha ni Gelli yung phone ko at siya ang sumagot. Nako itong batang to oh.



"Hello po. boyfriend ka po ba ni Ate angel? Pangalan ko po? Ako po si Gellie. Nasaan po si Ate? Nandito po siya sa Hope Hospital . Ah sige po, thank you." Tapos binigay sa akin ni Gellie yung cellphone tingnan ko siya at nginitian niya ako.




"Pupunta po yung boyfriend niyo dito." Sabi na nga ba eh, di ko na kailangan magulat. Halos araw araw ko yata makakasama ko si Lee ah? At etong mga batang toh kilig na kilig kasi finally daw may boyfriend na ako. Nako kung alam niyo lang.




"Teka, nasan nga pala si Andrew? Lagi na lang di sumasama sainyo?"



"Alam ko po nagthetheraphy po ngayon si Andrew." Sabi ng isang bata.Tumango na lang ako at nakipagkulitan sakanila at nakipaglaro. Sana naman makasurvive sila sa sakit nila, alam ko madami pa silang pangarap.



"Sana makayanan niya noh." Hinawakan ni Gellie ang kamay ko



"Si andrew pa ba? Kaya niya yun. Hihintayin mo pa nga po siya maging piloto eh." Napangiti ako sa sinabi ni Gellie.



"Hindi lang si Andrew maski kayo din hihintayin ko matupad ang pangarap niyo." Tapos niyakap ko sila.



"Hintayin mo kami gumaling Ate angel ha." Sabi nila sa akin.



"Ako ate angel, simple lang ang pangarap ko." Masayang sabi ni Gellie.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon