CH. 4

2.1K 67 2
                                    

Chapter 4:

POV OF Angel Ciara Locsin :

"Mama, papa. Nakauwi na po ako.Pabukas naman po ng pinto."

"Hindi ko aakalain na nakatira ka sa subdivision at may kotse ka pa." Tiningnan ko si Lee ng masama.

"Tss. Lahat naman ng ito pinaghirapan ko." Narinig ko siyang tumawa.

"Pinaghirapan ? Pinaghirapan mo ba ito bilang heartbreaker?"

"Wag kang ma-ingay dyan. Baka marinig ka nila mama."

"Hindi nila alam?"

"Manahimik ka na lang dyan pwede ba?" Ngumiti na lang siya at nag-okay sign sa akin. Bakit ba ang tagal buksan nila mama yung pinto?Umalis ba sila? Alam ko hindi naman.Magtxt-txt naman sila sa akin pag-aalis sila ni papa eh.

"MAMA! BUKSAN NIYO YUNG PINTO." Sabay katok ko ng malakas. At ayun binuksan ni papa yung pinto at hindi si mama.Mukhang bagong gising si papa.

"Sorry sa istorbo papa, si mama?"

"Naliligo." Matipid na sagot ni papa.

"Good Afternoon po." Bati ni Lee kay papa.Nagulat si papa sakanya at tinitigan siya.Pumasok muna ako sa bahay dala yung pizza, binilhan kasi ni Lee ng pizza sila mama. Ang plastic niya noh? Papizza pizza pa. (-_-)

"Pa, may pizza kayo dito ni mama ha. Binilhan kayo ni Lee."Tiningnan ko lang ulit si papa na nakatitig kay Lee at yung maarteng mokong nakatayo lang doon at nakangiti. Abnormal.

"Papa, papasukin niyo naman yung bisita ko." Biglang umupo si papa sa sofa.

"Maupo ka." Seryosong sabi ni papa kay Lee, nako eto na nga ba sinasabi ko e. Magiging seryoso na si papa.

"Oh Angel, may bisita ka? Sino siya?" Biglang singit ni Mama, halatang bagong ligo.

"Good Afternoon po, ako po si Lee Dantes. Boyfriend po ng anak niyo." Natameme si mama at si papa napakain ng pizza agad. Dalawang taon na din ako hindi nagpapakilala ng boyfriend sakanila kaya ganyan reaksyon nila ngayon. Hays.

"Ma, may pizza dito. Binili ni Lee toh para sainyo." Lumapit si Mama kay Lee at ngayon si papa at si mama ay tinitigan si Lee. Napaupo na lang ako sa tabi ni Lee.

"Uhmm, bakit po kayo ganyan makatitig sa akin?" Kabado din pala tong mokong na ito e? hahaha. Akala niya magiging madali ang pagpunta dito sa bahay ah.

"Ilang taon ka na?" Seryosong tanong ni Papa.

"25 years old na po."

"Anong trabaho mo?Kailan pa kayo nagdadate ng anak ko? Kaya mo ba siyang buhayin?"

"Ma,easy lang. Sunod-sunod  tanong mo kay Lee." Tiningnan ako ng masama ni mama.

"Wag kang sasabat dyan hindi ikaw ang kausap ko." Awtsu, ang taray naman ni Mama sa akin.

"Ahhm. Model po ako." Matipid na sagot ni Lee.

"Kailan pa naging kayo?" Tanong ulit ni mama.

"Uhmm, nung isang araw niya lang po ako sinagot." Mahinang sabi ni Lee, patay ako nito. Ako na ang hot seat ngayon.

"Sinabihan na kita Angel ha." Patay manenermon na ang papa ko. HUHUHU, napapaiyak pa naman ako pagmagsasalita si papa. Bihira lang kasi magsalita ng mahaba si papa eh.

"Papa..."

"Di ba sabi ko sayo, pag may nanliligaw sayo ipakilala mo muna sa amin?!Tapos ano mamaya iiyak ka dito at malalaman namin niloko ka nanaman? Tatlong beses ka na niloko Angel. Sana naman nadala ka di ba? Ngayon boyfriend mo pa isang model, sa itsura palang niya. Madaming magkakagustong babae sakanya." Napayuko ako sa sinabi ni papa. Sana pala di agad ako pumayag sa gusto ni Lee, ayoko talaga ng ganito e. Tas hindi ko pa ganun kakilala toh si Lee, nalaman niya pa yung sitwasyon ko.Huhuhuhu.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon