CH.18

1.5K 58 1
                                    



Chapter 18:



Angel's POV:



"HAAHAHHA. Oh ganun talaga ginawa sayo ?"



"Opo! Sabi niya pa My Name is Heartbreaker sabay takbo pa po." eh?! Magka-Vibes sila ni papa. At ano daw?



" Uhh. anong meron?" Singit ko kaagad.



"Oh ayan na pala ang anak natin eh. Ikaw pala Angel ha itong kaibigan mo nakakatawa ha." Natatawang sabi ni Mama.



"Onga, ang bait pala talaga nito ni Lee ha. Halika nga dito anak." Nagtaka naman ako kay papa, biglang bumait.Kaya hinawakan ko yung noo ni papa.



"Pa, malala na po ba ang sakit niyo?" Tas tinawanan lang nila ako. Anong meron?



"Wala Anak, medyo magaling na ako. Alam ko na lahat Angel, alam kong ikaw si Heartbreaker." Napatigil ako sa sinabi ni Papa at hinawakan ni mama ang kamay ko maski din si papa.



"Sorry Anak kung di kita pinakinggan ha.Ngayon malinaw na ang lahat sa akin." Oo, natouch ako sa sinabi ni papa pero nangibabaw ang inis ko kay Lee.



"Angel, hindi ka namin pinipigilan maging heartbreaker pero sana alam mong masamang manghimasok sa isang relasyon." Payo ni mama sa akin.



"Mama, tinutulungan ko naman sila at tinuturuan ko lang naman sila ng leksyon."



"At sana may natutunan ka din sakanila." Sabi ni papa, napabuntong hininga na lang ako.



"Ang natutunan ko Papa sa lahat ng naging kliyente ko ay pare-parehas kaming nasaktan at gustong bumangon ulit at matuto sa pagkakamali namin." Ngumiti lang sa akin si Papa.



"Halika nga dito Anak." Tapos niyakap ako ni papa.



"Natural lang na masaktan pag nagmahal ka anak pero wag mong kalimutan na may iba pang tao na nagmamahal sayo. I love you Anak." Awww, natouch naman ako sa sinabi ni papa.



" I love you din po papa." Tapos nakiyakap sa amin si Mama. Natotouch naman ako sa nangyari ngayon, hindi ko ito inaasahan eh. Bigla ko naman narinig na pinicturan kami kaya napatingin ako agad kay Lee.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon