"I love you, Ashton. Love na love kita. Sana 'wag kang magbabago. 'Wag mo akong iiwanan. 'Wag mo kaming iiwanan ni Leroy. Ayaw kong maisip mong pinagpapalit ko kayo or ikaw. Ikaw, si Papa, at si Kuya lang ang mga lalaking mahal na mahal ko. Whatever would be my decision in my life, I hope you'll support me. Next time, 'wag mo na akong pagtataasan ng boses, hmm?" I whispered so softly.

Marahang tumango si Ashton. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Saglit siyang pumikit para damhin 'yon nang mabuti. Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata 'saka maamong ngumiti sa akin.

"Mahal. . . na. . . mahal din kita, Zern. Hindi ko alam kung gaano ko ipapaliwanag sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Palagi akong mananatili sa tabi mo at ni Leroy. Sumikat man ang araw at muli mang lumitaw ang buwan, palagi lang akong nandito. Palagi mong tatandaan na hinding-hindi kita pababayaan. Pero hahayaan kita sa mga desisyon mo. Andito lang kami ni Leroy para sa 'yo," bulong pabalik ni Ashton.

Mahina akong natawa pero ganunpaman, nagsituluan bigla ang luha ko. Parang pinipiga at hinihipo ang puso ko sa mga sinabi niya. Kung paano niya pa sabihin na mahal na mahal niya ako ay dahan-dahan at mas binibigyan niya ng diin para mas maging makahulugan.

Kung kaya ko lang tanggapin ang sagot ko sa tanong ko, hindi ako magdadalawang isip hintayin ang sagot mo, Ashton. Pero mas mabuting ganito na lang-mas nahahawakan kita at mas panatag ako.

I hope Ashton will find the right person for his heart because he loves so tenderly and purely.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Bago mag-ala-una, iniwanan ko na si Ashton do'n. Pumayag akong tatabi ako sa kaniya mamayang gabi. Miss na miss ko na rin siya. Gusto ko na ring gawing way 'yon para hindi maramdaman ni Ashton na ang layo-layo ko sa kaniya at maramdaman niyang mali 'yung nararamdaman niya. It has to be validated, but not entertained.

Hindi man aminin ni Ashton. . . alam ko na ang sagot. Eyes don't lie, they say.

Hindi na rin ako nagulat nang nadatnan ko si Leroy sa labas ng building ng dorm ni Ashton. Mukhang gusto talaga ni Leroy na makapag-usap kami nang dalawa lang. Sa ngiti niya rin nang salubungin ako, mukhang nakapag-usap na sila ni Ashton kanina habang nasa work ako.

"Okay na kayo?" nakangiting sabi ni Leroy bago kami nagsabay maglakad.

Tumango ako. "Oo. Marami rin akong na-realize habang kausap ko siya. Overall, masaya lang ako na nandiyan kayo ni Ashton para sa akin. Hindi ko tatalikuran para sa kahit na anong bagay ang mayroon ako. Love ko kayo, Leroy," sabi ko at mahinang tumawa.

He hissed and chuckled softly. "Love na love rin kita, Zern. Kahit ikaw ang karibal ko sa mga guwapo. Pero hindi ka pa rin mananalo sa akin," sabi ni Leroy kaya napangiwi ako dahil nagsimula na siya agad.

"Ikaw! Inaaway mo na ako agad. Kaiiyak ko lang, oh! Itong bading na 'to, hindi man lang maging soft for a while!" singhal ko at inirapan siya.

Humalakhak siya kaya natawa na rin ako. Hindi talaga gaano bagay sa amin ni Leroy maging soft kapag kaming dalawa lang. Pero. . . palagi kong nararamdaman kung gaano ako ka-love ni Leroy. Gusto ko rin balang araw, makatagpo si Leroy ng taong mamahalin siya nang todo-todo at aalagaan siya nang maigi.

Habang nasa klase kami ni Leroy, bigla kong naalala si Caiden. I hope he's okay.

Sinubukan kong hindi na siya isipin dahil nga nakikinig ako sa lecture, pero hindi ko na napigilan ang sarili kong kuhanin ang aking phone. I quickly messaged him.

Zern:

Caiden! May class ka? Sorry kanina :( sobrang dami lang din tumatakbo sa isip ko at napuno ako. Just checking on you.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora