"Not an excuse, Alvarez. You can't enter my class. See me in my office later." sambit nito saka sinarado ang pinto na ikinagitla ko sa gulat.

Nakasimangot at masama ang loob akong tumalikod at naglakad palayo. Bakit kasi hindi niya ako ginising kanina eh doon din naman ako natulog sakanila saka hindi din siya nagsabi na may exam.

Tingin ko talaga nananadya 'tong si Professor Xanther eh. Personal na yung galit niya sa akin.

"Halikan mo ba naman eh. Talagang iinit ulo nun sayo." sabat ng utak ko na ikinailing ko nalang.

Sabagay. Pero worth it naman eh. After all, first kiss ko yun.

________

"Vaine!" napa-irap ako nang isigaw ni Rain ang pangalan ko habang papalapit silang apat sa akin.

"Mga traydor! Bakit niyo ko iniwan kagabi?" naiinis na sabi ko sakanila.

"Ayaw kang ibigay ni Professor Xanther sa amin eh. Delikado na daw kung ihahatid ka pa namin lalo na at nakainom kami. Hindi naman magagalit parents mo, sinabihan na sila ni Professor Xanther na doon ka muna sakanila kagabi." paliwanag naman ni Sunny saka kumagat sa sandwich na kinakain ko.

"Umorder ka nang sayo." tapik ko sa kamay niya para bitawan ang pagkain ko ng akmang kakagat nanaman siya.

"Eh bakit hindi niyo manlang sinabi na may exam pala?" tanong ko ulit saka tinapik naman ang kamay ni Rain dahil kukunin niya ang juice ko.

"Jusko, hindi nga din namin alam na may exam eh. Pagkapasok niya kanina bigla niya nalang in-announce na may exam." sagot ni Sunny.

"Subukan mo." masama ang tingin na sabi ko kay Storm dahil kukunin niya din ang natirang sandwich ko.

"Ano ba? Wala ba kayong mga pera at pagkain ko yung tinatarget niyo dito?" inis na sabi ko sa tatlo.

"Wala." sabay sabay na sagot naman nila.

"Libre mo kami." nagpapa-cute na sabi ni Rain.

"Asa kayo. Bumili kayo dun ng inyo mga patay gutom." pa irap na sambit ko.

Sumimangot naman silang tatlo at sabay-sabay na tumayo para bumili ng pagkain.

"Ikaw Snow? Hindi ka ba kakain?" tanong ko sakanya na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"I want your sandwich." sagot nito sa akin na ikinasimangot ko ulit.

"Pati ba naman ikaw?" napalabi ako na ikinatawa niya ng mahina.

"I'm just kidding, but I would appreciate it if you let me bite into it." sabi niya kaya nagpabalik balik ang tingin ko sa sandwich ko at sakanya.

"Sige na nga pero konti lang ha." sabi ko sabay abot sakanya ng sandwich ko na ikinatango niya naman.

Kumagat siya sa sandwich habang diretsong nakatingin sa akin saka dinilaan ang gilid ng labi na may naiwang sauce doon saka ngumiti ng nakaka-akit na ikinaiwas ko ng tingin.

Feeling ko namumula ako dahil sa ginawa niya. Si Snow kasi eh. Iba tuloy ang naiisip ko.

"It's good." sabi niya saka inabot ulit sa akin ang sandwich ko.

Agad kong inubos ang sandwich na natira dahil baka may biglang manghingi nanaman.

"Alvarez." napatingin ako sa likod ng marinig ko amg pangalan ko.

Nakita ko si Professor Xanther kasama ang iba pang professors sa iisang table. Sumenyas ito na lumapit ako kaya nag-paalam muna ako kay Snow at agad tumayo papunta sa direksyon kung saan naka-pwesto sina Professor Xanther.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Where stories live. Discover now