Chapter 1 - After the Concert

7 1 0
                                    

(Calix PoV)

"THANK YOU METRO ARENA!!!! WE LOVE YOUUUU!!!"

Naghiyawan ang mga tao at saka pa lang ako napadilat.

Shocks! Nakatulog ako!

Mukhang nakanta na nina Elli yung final song sa kaniyang concert.

Unti-unting namatay ang mga ilaw sa harap hanggang sa hiyawan na lang ng mga tao ang natira.

Andito ako sa VIP seat sa pinaka-harap at sa kalagitnaan ng concert, naitulog ko pala.

Inantok talaga ako. Tsaka, lagi ko na rin namang naririnig 'yang si Elli kumakanta since hayskul pa.

Honestly, ngayon lang ulit ako nakanood ng concert niya after.....

......5 years yata.

Naging busy rin ako eh tsaka sanay naman na si Elli na di talaga ako nakaka-attend. Pero ang hindi ko naman ngayon maintindihan, sobrang pinilit niya akong manood this time. He allowed me to watch for free at binigyan pa ako ng special VIP seat. Pero siguro dahil 'tong concert niyang 'to ang pinaka-record breaking lalo't ang mga kanta niya ay nakatanggap pa ng award sa Asia at nag-Top 10 sa U.S.

Pasensiya na lang natulugan ko...

Dito ko napagtanto na ganito na pala ako ka-pagod na kinaya kong itulog despite the noisy surroundings.

Tuluyang natapos ang concert.

Dahil dito, nagmadali akong pumunta sa backstage. Balak ko lang siyang icongratulate ulit at dun na rin dadaan pauwi para hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa libo-libong nag-attend ng concert.

"Bro...congratulations! Ibang level na talaga ang pagiging rockstar mo."

Nakipag-fist bomb ako sa kaniya.

"Thank you bro for coming. Abangan mo na lang din 'yung drone shot mong naka-nganga at humihilik," pabiro niyang sagot.

"Hilik ka dyan...lakas nga ng sigaw ko eh!"

"Oo yung sigaw mo pahilik."

"Talagang nagka-time ka pang manmanan ako ah kahit busy ka sa pagkanta kanina."

"Pano mo nalamang busy ako sa pagkanta eh tulog ka," pabiro pa rin niya.

"Malalaman ko bang kumanta ka kung tulog talaga ako," palusot ko pa rin but I'm more on joking.

Natawa lang din siya.

"Bro, magpapaalam na rin ako. Uwi na ako bago ko pa makasabayan ang libo-libo mong fans."

"Makiki-convoy pala ako sa'yo, bro!"

"aalis ka na rin agad?"

"Oo bro, nag-aalala ako kay Joya. Di niya sinasagot ang mga tawag ko. Di siya nakapunta dahil nilalagnat siya kanina. I just want to check on her."

Napatingin ako sa oras. 11:39 p.m.

"Sige kung 'yan ang plano mo."

Magkatabi lang kasi yung building ng condo ko at building ng condo ni Joya kaya same direction lang kami ng pupuntahan.

Until Proven GuiltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon