“Wala.”

Tinaas ko ang kamao ko, akmang babatukan siya kaya tumawa siya. Napatigil ako nang maalala si Clev. Pareho ba sila ng tawa o miss ko lang si Clev kaya kung ano-ano na ang naiisip ko?

“Kung gusto mo, sige pahihiramin kita.”

“Yaman! Sige nga. Ihiram mo nga ako sa mga Enrique. Kailangan ko ng puhunan. Gusto ko magtayo ng perfume company,” sabi ko sa kanya.

Tinigil ko muna ang paglalagay ng grocery sa ref. Nilagay ko sa microwave ang baked chicken. Si Aloysius naman ay pumunta sa gilid tapos siya na ang naglagay ng mga grocery sa ref. Nang matapos ay pinunasan niya ang lamesa tapos naglagay siya ng plato.

“Gumawa ako ng leche plan. Sabi ni Pilar ay paborito mo raw ‘to kasi lagi kang bumibili nito sa Nanay niya.”

“Ah, actually, hindi ko ‘yan paborito. Bumibili lang ako para maubos ang benta ng Nanay niya kasi kawawa naman,” sagot ko. “Pero dahil nag-effort ka ay sige kakainin ko.”

“Thanks.”

“Sure.” Nilapag ko ang pack ng baked chicken sa lamesa tapos sabay kaming umupo.

“Bumili rin ako ng paborito mong chocolate bread. Kaso parang mae-expire na siya bukas kasi noong nakaraang linggo ko pa binili. Hindi ko kasi sigurado kung kailan ka babalik.”

“Hindi ko rin sigurado…” wala sa sariling sagot ko habang nakatitig sa plato ko.

“Huh?” tanong niya.

“Huh?” Natauhan lamang ako nang ilagay ni Aloysius ang chicken pati ang kanin sa plato para makakain ako nang maayos. Naglapag din siya ng tubig sa gilid ko bago niya ayusin ang pagkain niya.

“Teka…” Pinigilan niya ako nang kukunin ko na ang kutsara. “You haven’t washed your hands yet.” Kinuha niya ang kamay ko tapos pinunasan gamit ang wipes.

Bigla akong natulala. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

“Clev…”

“Why?” tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kainis! Bakit kasi pareho silang mahilig gumamit ng wipes? Hinatak ko agad ang kamay ko mula kay Aloysius dahil mas lalo kong naalala si Clev. Imbes na maging ayos ako ay mas lalo akong nagiging malungkot. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi pa ito pinunasan ni Aloysius.

“Gusto mo umiyak?”

“Huh? Adik ka ba? Bakit naman ako iiyak?” Lumayo ako sa kanya. “Napuwing lang ako. Doon ka na nga. Kain na tayo para makapagpahinga na. Inaantok na rin ako tapos maghahanap pa ako ng trabaho bukas.”

Hindi siya umimik pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin habang sumusubo ako. I ignored him. Sinikap ko na matapos ako sa pagkain. Ngayon lang ako nawalan ng gana sa baked chicken. Nag-presenta si Aloysius na iligpit ang pinagkainan kaya hindi na ako umangal. Umakyat ako sa kwarto ko para sana matulog kaso alam ko naman na hindi ako makakatulog kaya lumabas na lang ako.

Mayumi
wer u

Arrow
Warehouse. Why? Do you want to see me?

Mayumi
ala lang 2morrow nlan

Arrow
Want me to call? Need someone to talk to?

Mayumi
no, good me

Arrow
Okay, take care. Sleep, okay?
I love you.

Mayumi
wabyu2

Tinago ko ang phone ko. Balak ko na magtambay lang sa labas ng bahay tapos magbilang ng bituin kaso mas nakakalungkot dahil sobrang tahimik. Puro kuliglig ang naririnig ko. Himala dahil walang nagvi-videoke ngayon.

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakWhere stories live. Discover now