Chapter 8

700 10 0
                                    

CHAPTER EIGHT

KUNG mayroon mang pag-alinlangan si Cinela, iyon ay ang walang kasiguraduhang pagbabalik ng kapatid sa buhay ng mag-ama.
Hindi niya matukoy kung kailan lyon. Kung bukas o sa makalawa. Kung sa susunod na buwan, sa susunod na linggo o sa isang taon pa. Ang masasabi lang niya, kampante siya bilang asawa ni Renar, at mapagmahal na ina ni Lemuel.
Sa lipunang ginagalawan nila, kinikilala siyang Mrs.
Renar Ledesma. Minsan nang ibinulong sa kanya ni Renar na walang pakialam ang kapatid sa mga kaibigan nito. At bibihira dating sumama sa mga social functions.
"We're getting visible now as husband and wife."
Kagagaling lang nila sa isang party. "You've no time to join me before. Dangan kasi, masyado kang abala sa iyong mga salawahang kaibigan. Para bang ikinakahiya mo akong makasama.
"Dati iyon. Nagbago na ako. Wala na nga akong komunikasyon kina Marie. Ngayon lang ako bumabawi."
"Salamat sa pagmamahal mo." Ginagap ni Renar ang kanyang palad. Mariing pinisil.
Napakasaya niya. Hindi iyon matutumbasan ng pera.
Kahit sa katotohanang isa siyang impostor sa buhay ng mag-ama na inaako niyang pamilya.
"Uuwi na pala bukas sina Claire at Sam." "Kailan nagpaalam sa iyo?" Walang nabanggit sa kanya ang bilas. Kulang isang buwan na rin ang mag-ina sa kanila.
"Hindi ba nagsabi sa iyo?"
"Hindi nga kami nag-uusap. Nitong mga nakaraang araw, lagi siyang lumalabas. Naiiwan kaming lagi nina
Sam sa bahay."
"Saan naman siya nagpupunta?"
"Hindi ba kayo nagtatagpo?"
Biglang itinabi ni Renar ang kotse. "Ano ang akala mo sa akin, salawahan? Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanya. Kaya huwag kang mag-alala. Pero one time, pumunta siya sa opisina. Nagulat nga ako nang makita ko siya roon."
"Kailan iyon?"
"Noong Monday. Nakalimutan kong sabihin sa iyo.
Ngayon ko lang naalala. Alam mo ba kung ano ang sadya niya? Gusto niyang hiwalayan kita."
"Desperada na talaga. Ano ang sabi mo?"
"Tigilan na niya ako dahil wala siyang maaasahan.
At tinawagan ko si James para malaman ang kahibangan niya."
"Ano ang sabi ni James?"
"Nagpasalamat at hindi ko pinatulan ang asawa niya.
Pero galit siya kay Claire. Akala ko nga ay luluwas para sunduin ang kanyang mag-ina."
"Sino namang matinong asawa ang matutuwa, aber?
At kung ikaw, mahina sa tukso, paano na?"
Nagpakawala ito ng malalim na buntunghininga, marahang napailing. Muli nitong ginagap ang palad nya, nagpapadama ng pagmamahal. "Tkaw lang ang babae sa buhay ko. Hinding-hindi kita pagtataksilan. Hindi paiiyakin at sasaktan. Ipinapangako ko iyan. Sa iyo lang nakaton ang atensiyon ko."
Alam niyang hindi iyon para sa kanya. Ang lahat ay para sa kapatid niya. Si Endela ang mahal nito. Hindi siya.
Lihim mang nasasaktan, tanggap nya ang katotohanang lyon.
"HINDI pa tayo tapos, Endela. Hindi pa ako sumusuko.
Buburahin kita sa landas namin ni Renar. Sa bandang huli, kaming dalawa ang magsasama!"
"Ituon mo na lang ang atension mo sa pagsasama ninyo ni James, Claire. Tanggapin mo nang kailanman ay hindi na magkakaroon ng karugtong ang nakaraan ninyo ng asawa ko."
"Kung ako sa iyo, doblehin mo ang pag-iingat at baka malingat ka. Mahirap nang paggising mo isang umaga ay hindi mo na asawa si Renar."
Inihatid na lamang niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Claire. Ang bait niya. Hinayaan niyang siya ang pagbantaan ng bilas. Nahihibang na ito sa pagmamahal kay Renar.
Hindi na lamang niya ipapaalam sa asawa ang parting words na iyon ni Claire. Wala rin namang mangyayari.
Pero hindi niya dapat ipagwalang-bahala ang pagbabantang iyon ng babae.
"BAKIT matatas kang magsalita ng Tagalog?
Kuwentuhan mo naman ako sa naging buhay mo sa
France."
"May Filipino community sa France. At aktibo roon ang mommy. First language namin doon ang Tagalog.
Kaya wala man kami sa Pilipinas, fluent kami sa salita natin."
"Hindi ka ba talaga nagkaasawa?"
"Marami akong naging nobyo. Pero wala akong makita sa kanilang marrying type. Siguro, pihikan lang ang puso ko. Pero heto, meron na akong asawa." Hinagkan siya ni Renar. "Napakapalad namin sa iyo ni Lemuel. Pero duda ko, nagulat siya sa laking ipinagbago mo. Hindi mo na siya sinisinghalan.
Pumupunta ka pa sa school functions nila."
"Ganoon ba ako kasamang ina dati?"
"Pabaya lang." Malinaw na ayaw nitong saktan ang damdamin niya. Ano man ang sabihin nito laban sa kapatid niya, masasaktan siya. Naging maingat na ito sa pagkokondena sa kanyang kakambal.
"Pupunuan ko ang pagkukulang niya sa inyo. lyon talaga ang plano niya-ang maging mabuti ako sa inyo, ang huwag kayong pabayaan. At ang mahalin n'yo pa siyang higit."
"Pinupunuan mo na nga, e. Kakaibang sigla ang idinulot ng iyong pagdating. You made us proud and felt loved. Bagay na hindi namin nadama noon."
Niluwagan niya ang dibdib. Niyakap naman siya ni Renar at masuyong hinalikan sa labi. Ipinikit niya ang mga mata. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa kaligayahan. Dalangin niya ay tuluy-tuloy na ang lahat ng yon.
Sa kabila ng panunumpa ni Renar na wala nang babalikan pa ang kanyang kakambal, ayaw niyang magdiwang. Bahala na ang panahon. Sa ngayon, gagawin niyang kapaki-pakinabang ang lahat. At bawasan ang pagkamuhing nasa dibdib ni Renar para sa kapatid.
Subalit maligaya kaya ngayon si Endela sa piling ni Romeo? Paano naman ang asawang hiniwalayan ng lalaki? Hanggang kailan magtatago sa France ang dalawa?
NAKASANAYAN na nilang mamasyal tuwing araw ng Linggo. lyon ang pinaka-family day nila.
At ang kaligayahan na nakikita niya sa mukha ni Lemuel ay hindi niya maisalarawan twing lumalabas silang mag-anak.
"Saan ka pupunta, Mommy?"
"Pupunta lang ako sa ladies' room. Huwag mong sabihing sasama ka?" Nakita niyang ngumiti si Renar.
Napailing naman si Lemuel. "Dito na muna kayo. Hindi ako magtatagal."
Lumabas siya ng bookstore at tinanong ang guwardiya roon kung saan banda ang palikuran. Itinuro siya malapit sa escalator. Tinungo niya ang itinuro ng guwardiya. Papasok na siya sa ladies' room nang may kamay na humawak sa kanyang braso. Akala niya ay si Renar. Subalit hindi niya kilala ang lalaki.
"Who are you?" Pinilit siyang kumalas mula sa kamay nito, pero lalo lamang humigpit ang hawak nito sa kanya. "Ano ba? Hindi kita kilala."
"Ang dali mo namang makalimot, Endela." Naroon ang tuya sa tinig ng lalaki. "Bakit hindi mo 'ko sinipot sa usapan natin? Ginago mo ako. Ginawa mo akong tanga."
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Ano ang kaugnayan nito sa kapatid niya? "Bitiwan mo ako, kung hindi ay sisigaw ako. You're harassing me."
"Sino ang tinakot mo? Sumigaw ka. Tingnan natin kung sino ang malilintikan. Malalaman ng iyong asawa ang lahat. Isusumpa ka niya. Kamumuhian."
"Sino ka ba?" Halik sana ang isasagot sa kanya ng lalaki, subalit nagawa niya itong matuhod sa harapan.
Noon siya nito nabitiwan. Kaagad niya itong tinalikuran.
Malalaki ang hakbang na binalikan niya ang kanyang mag-ama. Sino ang walanghiyang iyon?
Akala niya ay susundan siya ng lalaki, subalit lihim siyang napayapa nang hindi ito makita. Minabuti na rin niyang itikom ang labi sa nangyari.
Sa pinasukan nilang restaurant siya nanubig. At habang minamasdan ang sari sa salamin, nakikita niya roon ang pagmumukha ng lalaki. Isang indikasyon na nakarelasyon ito ng kanyang kapatid. Kumulo na naman ang kanyang dugo. Ginawa siyang pananggalang ni Endela sa iniwan nitong problema!
Kung kailan hinihintay niya ang muli nitong pagtawag, ay hindi na ito tumawag pa. Paano niya ito masusumbatan?
Napagkuro siguro nitong marami na siyang nadiskubre!
Habang nagpapatuloy sila sa kanilang pamamasyal, naging malikot ang kanyang mga mata. At pinuna siya ni Renar tungkol sa bagay na iyon.
"Kanina pa kita napapansin. Sino ba ang hinahanap mo? Panay ang tingin mo sa paligid, a. At para kang tensionado. May problema ba, Endela?"
"W-Wala. Binubusog ko lamang ang aking mga mata." Hindi naman kumbinsido si Renar. Pero hindi na nagtanong pa. Hanggang sa manood sila ng sine.
Napayapa lamang siya nang makauwi na sila. "Ma'am, telepono."
Hindi na siya nagtanong kung sino ang nasa kabilang linya; malakas ang kutob niya na si Endela iyon. "Hello?" aniya, pero ang mga mata ay nakatutok kay Renar na nakatingin sa kanya. Parang alam nito kung sino ang kanyang caller. "Hello?"
Natulala siya sa narinigisang tinig na puno ng pagkamuhi. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang lalaki kanina sa mall!
"Pagbabayaran mo ang yong panggagago sa akin, Endela! Gagawin kong impiyerno ang buhay mo. Sinira mo na rin lang ang buhay ko, sisirain ko rin ang sa iyo!" Pinagbagsakan niya ito ng telepono. Nagtaka naman si Renar na kaagad siyang inusisa. Nakita nito ang pagkabahala sa mukha niya. "Sino iyon?"
"Prank caller."
"Ano ang sabi?"
Napailing siya. "Huwag mo nang intindihin ang walanghiyang iyon. Wala lang sigurong magawa sa buhay niya." Ngunit hindi niya maitatwa ang kabang naroon sa kanyang dibdib.
"Prank caller? Para sa yo ang tawag na iyon. Ikaw ang hinahanap at gustong makausap...
39
Gipit ang pakiramdam niya. Nagdududa ang lalaki.
Mas mabuti sigurong malaman nito ang nangyari kanina sa mall at ang tungkol sa nagbabantang sirain ang pagsasama nila. Alam niyang hindi lang buhay niya ang may banta, kundi pati na sina Renar at Lemuel. Doon nya ipinagtapat sa asawa ang nangyari kanina.
Nakinig naman ang lalaki at nahulog ito sa paglilimi.
"Bakit hindi mo sinabi kanina?" Umiling si Renar. "Imposible namang si Romeo," naisatinig nito kapagdaka, hindi rin kumbinsido.
"Walang dudang nakarelasyon ni Endela."
"Dobleng ingat na lang. Bukas din ay kukuha ako ng guwardiya rito sa bahay. Kukuha na rin ako ng driver-bodyguard ni Lemuel. Mabuti na ang nag-iingat."
"MA'AM, may naghahanap sa inyo."
Nasa likod-bahay si Cinela at personal na dinidiligan ang mga orkidyas nang puntahan siya roon ni Inez.
"Sino?"
"Aling Trecia raw ho. Naroon ho siya sa gate.
Hinihintay ng guwardiya ang tugon n'yo bago patuluyin
'yung ale."
"Aling Trecia?"
"lyon ho ang sabi."
Wala siyang kilalang nagngangalang ganoon.
Ipinatong niya ang spray sa mesa at hinubad ang suot na guwantes. Tinungo niya ang gate kasunod ang katulong.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan nang makita ang naghahanap sa kanya. At nailang siya sa tila panunuri nito sa presensiya niya.
"Mrs. Ledesma..." May katandaan na ang babaing naghahanap sa kanya. "Magandang hapon. Gusto ko sana kayong makausap, Ma'am. Mahalaga ang aking sadya.
"Kilala n' yo siya, Ma'am?" biglang nagtanong ang guwardiya. Mahigpit ang bilin dito ni Renar na huwag magpapasok ng hindi kilalang tao.
"Tungkol ho sa ano?" Mahirap ang basta na lang niya itong pagkatiwalaan. Lalo pa't may nagbabanta sa kanya. Baka kakutsaba ng lalaki itong ginang.
"Sa inyong kapatid."
Nahigit niya ang paghinga. "Kay Cinela?"
Napakunot-noo siya.
Alumpihit na tumango ang ginang. Parang gusto nitong magprotesta sa narinig. "Kilala ko siya."
Binuksan ng guwardiya ang gate at pinatuloy ang ginang. Kinakabahan siya habang papasok sila sa bahay.
Nailang siya sa mga titig nito sa kanya.
"Magkamukhang-magkamukha talaga kayo," nasabi ni Aling Trecia nang makaupo. "Sa pananalita, maging sa pagkilos. Kahit na hindi kayo lumaki sa lisang lugar." Napatanga siya sa narinig. "Ho?" May alam ang kaharap tungkol sa kanila ng kakambal! "Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo, Aling Trecia?"
"Hindi mo na ako... natatandaan?"
"Nagkita na ho ba tayo dati?"
"Dati ninyo akong katulong, iha." Para maniwala siya, sinabi nito ang dati nilang tirahan at ang araw nang lisanin nilang mag-ina ang kanilang bahay.
Dati naming katulong? Pilit niyang binalikan ang nakaraan. Pero hindi niya matandaang naging katulong nila ito. "Paumanhin ho, pero wala akong matandaan."
"Magtatatlong araw pa lamang ako sa inyo nang maghi valay sina Ma'am Candida at Senyor Juancho.
Pero tumagal ako kina Senor Juancho at Ma'am Endela nang sampung taon. Nag-asawa kasi ako."
Alam nitong hindi siya si Endela!
"Ganoon pa man, naging takbuhan akong kapatid mo, hingahan niya ng kanyang mga sama ng loob. Itinuring mya akong ina. Lahat ay sinasabi niya sa akin. Kilalang-kilala ko siya. Higit pa sa pagkakilala mo sa kanya." Hindi niya malaman ang sasabihin. Posible kayang alam nito kung nasaan ang kapatid niya? May alam din kaya ito sa mga naging plano ng kakambal?
"Hindi niya alam na pumunta ako rito."
"Nino?"
"Ni Endela." Hininaan nito ang pagsambit ng pangalan nang makita ang katulong na may dalang meryenda. "Nasa bahay siya."
Wala na sa France ang kapatid! Pinanlamigan siya,. natakot bigla. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya. Babawiin na sa kanya ni Endela sina Renar at Lemuel!
"At malubha ang kalagayan niya."
"Ano ang ibig ninyong sabihin?"
"May taning na ang kanyang buhay. Alam mo iyan,
'di ba? Kaya nga pinuntahan ka niya sa France nang malaman niya ang iyong kinaroroonan. Para pakiusapan kang ipagpatuloy mo ang kanyang papel sa buhay ng kanyang asawa at anak."
Natigagal siya. Nanikip naman ang kanyang dibdib.
Talagang may sakit si Endela at malapit nang mamatay.
Naguluhan siyang bigla nang maalala ang gulong kinasangkutan ng kapatid.
Ang tungkol dito at kay Romeo dela Vega...
Ang pakikipagkutsabahan kay Claire...
Ang planong pag-abandona sa asawa at anak!
"Araw na lamang ang binibilang niya. Ayokong mamatay siyang malungkot, nag-iisa sa buhay. Kahit na ikaw na lamang sa tabi niya hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga, Ma'am." Nakikiusap si Aling Trecia. Nakagat niya ang labi. Dinudurog ang kanyang puso.
Bumangon ang awa para sa kanyang kakambal. At isang pagkakataon ang lahat para maliwanagan siya at malaman ang totoo! "Gusto ko ho siyang makita."
May ipinasang papel sa kanya si Aling Trecia.
Nakasulat doon ang tirahan. Subalit nakiusap ito sa kanya na kung maaari ay hindi malaman ni Renar ang lahat.
"Malaki ang pagkukulang niya sa kanyang mag-ama.
At sa pagkakaalam ni Sir Renar, si Cinela ang mamamatay, hindi si Ma'am Endela. At doon sa France, hindi rito sa Pilipinas. Mabuti na rin ang ganito para hindi magduda si Sir Renar."
Alumpihit siyang sumang-ayon. Hindi niya masabi kay Aling Trecia na alam na ni Renar na isa siyang impostor sa buhay at tahanan nito.
"Hindi na ako magtatagal, Ma'am. Malapit nang kumalat ang dilim. Magagalit siya, magugulat, pero alam kong tama lamang ang naging desisyon kong lapitan ka."
"Malaking pabor ho itong nagawa ninyo, Aling Trecia.
Salamat sa kabutihan ninyo sa kanya. Pangako, darating ako sa inyo. Hindi rin ito malalaman ni Renar."
"Gusto ko lang na maging maligaya siya sa huling sandali ng kanyang buhay. Kahit na ninais niyang mamatay na malayo sa kanyang mga minamahal." Bahagya niyang naipikit ang mga mata. Sa isipan ay nakikinita niya ang paghihirap ng kapatid. Physically and emotionally. Hindi biro ang gayon.
Inihatid niya sa gate si Aling Trecia. Nang wala na ang ginang, hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.
Ovarian cancer ang karamdaman ni Endela!

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisWhere stories live. Discover now