Chapter 7

1.1K 19 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"ANO ANG pag-uusapan natin, Claire?" tanong niya sa bilas pagpasok nila sa tinutuluyan nitong silid. Kaaalis lang ni Renar nang lapitan siya ng babae.
"You're not supposed to be here, Endela. Hindi ka na dapat na bumalik pa. Ano ang gusto mong patunayan?
Hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol dito?"
Napakunot-noo siya sa narinig.
"Tinulungan kita."
Wala pa rin siyang maintindihan.
"Bakit ka pa bumalik?"
"Bakit, ano ba ang napagkasunduan natin?"
"Ano? Hah! Hinanap ko si Romeo para sa iyo!
Tutungo kayo sa France at doon na maninirahan kasama siya. At ipapaubaya mo sa akin si Renar. Bakit bumalik ka pa?"
Marami talaga siyang, hindi nalalaman. At nakipagkasundo si Endela sa babaing ito? Labag man sa kalooban, naniwala na siyang kasama nga ngayon ng kakambal si Romeo. At wala itong sakit!
Inilagay siya nito sa kakatwang sitwasyon. Akala niya ay tinutulungan niya ito, hindi pala. Tinulungan pa niya itong sirain ang pamilya. At siya ang ginawang pananggalang.
Si Claire ay mahal naman si Renar. Ang kakatwa lang, asawaito ni James na nakababatang kapatid ng lalaki!
Subalit malay niya kung totoo ang pinagsasabi nito?
Hindi kaya inutusan ito ni Renar? Subalit bakit kailangan pa ng lalaki ang tulong nito gayong kumbinsido itong siya y impostor?
Kutob niya ay nagsasabing hindi ang tipo ni Claire ang magpapagamit. Mayroon itong pagtingin kay Renar.
Kaya gayon na lang ang trato sa kanya ng babae.
"Hindi ko sila kayang iwan. Mahal ko ang aking pamilya. Kaya kung ano man ang napagkasunduan natin, kalimutan mo na, Claire." Nakita niya ang pamumula ng
mukha ng kaharap.
"Hindi ka marunong tumupad sa napagkasunduan, Endela. Malaki ang ipinuhunan ko para matagpuan si Romeo, nang sa gayon ay mawala ka sa buhay ni Renar." Lumalabas ngayon na may pagtingin si Claire kay
Renar noon pa. Pero bakit si James ang naging asawa nito? Kung alam lang sana niya ang lahat! Nangangapa siya sa dilim. Hindi niya matukoy kung nagkaroon noon ng relasyon sina Renar at Claire.
"Huwag mo nang sirain ang pagsasama ninyo ni
James. Huli na ang lahat, Claire. Makontento na lang tayo sa ating mga asawa."
"Huwag kang magmalinis."
"Hindi ako nagmamalinis. Ngayon, kung ang plano mo ay guluhin ang pagsasama namin, binabalaan kita-mabuti pang huwag mo nang ituloy ang iyong pinaplano."
"Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Renar oras na malaman niyang kasama mong pumunta sa France si
Romeo?" Napailing na lamang siya. Ano ba ang dapat niyang gawin sa babaing ito? "At inaasahan mong mababaling sa iyo ang kanyang atension, ganoon ba?"
"Minsan na niya akong minahal. Hindi ako mahihirapang makuha ang kanyang pagtitiwala. Kung hindi ka dumating sa buhay niya, kami sana ngayon ang nagsasama bilang mag-asawa."
"Bakit hindi mo gawin kung ganoon?" Meron ba siyang dapat na ikatakot? "Huwag mo akong takutin, Claire. Mabibigo ka lamang. Hindi ka lang kamumuhian ni James, isusumpa ka pa niya, kasama ng buong angkan ng mga Ledesma."
"Isusumpa ka rin nila."
Minabuti niyang talikuran ang bilas. Hinding-hindi siya makapaniwala sa mga natuklasan. Kumulo na ang kanyang dugo sa paglagay sa kanya ng kapatid sa alanganing sitwason.
Isang tinik sa lalamunan niya si Claire. Nakahanda itong dumihan siya, hindi lang kay Renar, kundi sa buong pamilya nito. At hindi niya papayagang mangyari iyon!
Bumangon ang pagkamuhi sa kanyang dibdib. Bakit siya nagawang lokohin ni Endela? Bakit siya ang naisipan: nitong sumalo sa iniwang problema?
Tumawag ka!
Gusto niyang magkaliwanagan sila ng kapatid.
Pumayag siya sa gusto nitong mangyari, at ginagawa iyon dahil sa pagmamahal dito. Na bumabawi siya sa matagal nilang paghiwalay. Na nagpapakabayani siya.
Heto ngayon, problema ang sumalubong sa kanya.
Hindi lang basta problema, kundi malaking delubyo. "HINDI kumakain ng tortang talong si Renar," nasabi ni
Claire nang mapansin nito ang hawak niyang kinalalagyan ng ulam. "Baka nakakalimutan mong may allergy siya sa talong?"
Nais nang mapikon ni Cinela. Subalit nagtaka siya nang kumuha ng naturang ulam ang lalak1. Nginitian siya nito.
Naningkit naman ang mga mata ni Claire. "Ang allergy mo"
"Matagal nang nawala iyon." Para patunayan, kinain ni Renar ang tortang talong.
Pinag-aagawan nila ni Claire si Renar! Pakiramdam naman niya nang mga sandaling iyon, naisahan niya ang bilas. Pero hanggang kailan doon ang mag-ina?
Nakakaperhuwisyo na ito.
Pagkatapos mag-almusal, bumalik si Renar sa kanilang silid. Nagtaka naman siya. Sanay siyang makitang pagkatapos mag-almusal, papasok na ito sa trabaho.
Sinundan niya ito sa kanilang silid. Napasukan niya itong nagsa-shower. Tinutuyo na nito ang katawan nang mapansin niya ang tila mga pantal sa balat ng lalaki.
"Bakit mo kinain?" Allergic nga sa talong ang asawa niya.
"Kaysa naman hiyain kita sa harap ni Claire. Pero huwag kang mag-alala, mayamaya lang ay mawawala na ang mga ito," nangingiting paliwanag ni Renar.
Subalit iba ang dating sa kanya ng ngiting iyon ng kaharap. At noon niya napagkuro, isang pagkakamali ang nagawa niya. Lalo siyang nabuking ni Renar dahil sa tortang talong!
"Sa tagal ng aming pagsasama ni Endela, minsan man ay hindi niya ako pinakain ng talong. Alam niyang meron akong allergy. Kaya nga iniisip ko, kahit papano, may pagtingin siya sa akin."
Nahigit niya ang paghinga. Mabilis naman ang kanyang isipan. "Naiinis lang ako kay Claire. Masyadong atribida. Hanggang ngayon, malinaw na mahal ka pa rin nya."
Natigilan naman si Renar.
Nakapuntos siya! "Hanggang kailan ba sila rito?
Wala akong problema kay Sam. Pero sa ina, banas na banas ako, Renar. Bakit hindi pa sila sinusundo ni
James?"
"Naging mapangahas si Claire"
"Matagal ko nang alam ang tungkol sa nakaraan ninyo.
"
Napailing si Renar. Ganoon pa man, hindi nito ipinilit ang paniniwala.
"MA'AM, telepono."
"Sino?" tanong niya kay Inez na sumalubong sa kanila ni Renar. Hindi naman niya makita sa sala ang mag-inang Sam at Claire. Inabot niya ang awditibo.
"Kaibigan n'yo raw."
Nabigla siya nang agawin sa kanya ni Renar ang celepono. Kung ilang beses itong nagsalita, pero walang sumasagot. Hanggang sa naputol ang linya. "It's her." Nangunot ang noo niya. Pangalawang beses na iyon.
Alam miyang si Endela ang tumawag, Subalit ayaw nitong magsalita 'pag si Renar ang kausap.
Nagkibit-balikat si Renar. "Aalis na ako." Hinalikan siya ng lalaki sa pingi. "Tigilan mo na ang pangungumbinse sa akin. Para hindi ka na mahihirapan pa, CS siya nang isilang si Lemuel," pabulong nitong dagdag bago tumalikod.
Tigagal siya sa narinig. Binuhusan siya ng katotohanan sa ibinulong na iyon ng lalaki. Bukung-buko talaga siya. Halos mabingi siya sa tambol ng kanyang dibdib.
"KUMUSTA ang guwapo kong anak?" Doon natunton ni Renar ang dalawa sa silid ni Lemuel. "At ang mapagmahal kong asawa?"
"Mommy, hindi mo hahalikan si Daddy?" Alumpihit si Cinela. Mismong si Renar na ang humalik sa kanya. Pero hindi iyon ordinaryong halik.
Halos mapugto ang kanyang hininga. Ngiting-ngiti naman si Lemuel.
"Huwag mo nang intindihin iyon," bulong ni Renar.
"Ano ba iyang pinagkakaabalahan ninyo, ha?
Assignment? Puwede bang tumulong? Aba, magaling ako sa history."
"Math ito, Daddy," reklamo ni Lemuel.
Napatawa si Renar.
Kinalma naman ni Cinela ang damdamin. Ano ba ang gagawin niya? Sabagay, wala na siyang ililihim pa kay Renar. Tanggap naman siya nito. Wala siyang dapat na alalahanin.
"Nasaan na nga pala sina Claire at Sam?"

Lies (In The Mercy Of Love) - Catarina ParisМесто, где живут истории. Откройте их для себя